CHAPTER ONE

25 2 2
                                    









DAVID'S POV










Kalalabas ko lang ng banyo nang biglang tumunog 'yung phone ko. Kinuha ko 'yun sa lamesa at sinagot.

"Bakit?" Sagot ko.

"Gago ka! Ba't ngayon mo lang sinagot?! Kanina pa 'ko tawag ng tawag!"

"Naliligo ako eh. Bakit ba?" Singhal ko.

"Nandito na raw siya." aniya dahilan para matigilan ako.

Nanlaki ang mga mata ko at napahinto sa pagtuyo ng buhok ko. 

"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Seryoso ba?"

Tumawa siya ng malakas. "Oo nga! Kanina ko pa kausap si Mang Ben! Kasama niya na raw siya!"

Pinatay ko ang tawag nang hindi nagpapaalam. Saka ko hinanap ang isa pang number sa contacts. Sinubukan kong i-dial ang number na 'yon kaso no avail. 

Asaan ka na...

"Sir David? Kayo na lang po ang hinihintay sa baba." Ani ng maid mula sa labas.

Bigla naman ako natuliro at bumaling sa wallclock. 7:00 PM. 

"Yeah be there in 5 minutes!" I yelled.

"After 2 minutes daw po dapat nando'n na po kayo, sir."

Luh. 'Di pa nga ako nakakapagbihis.  I rolled my eyes in annoyance. I forgot how strict my parents are.

"Fine!" Bulyaw ko at tinapos ang ginagawa.

I put on a white button-down shirt and black slacks. A few seconds after putting on my shoes, I stood up and faced my long beveled mirror. I examined myself and fixed my collar. Binuksan ko ang dalawang butones ng polo ko at inayos ang buhok ko. 'Di pa pala ako nagsusuklay. Bahala na!

After fixing myself for one last time, I went out of my room and made sure to lock it. I went downstairs and walked down the hall, heading toward the dining table.

Am I forgetting something? Oh right, how rude of me.

I am David Laurence Estravoro, 16 years old, the one and only heir of the Estravoro clan.








CALVIN'S POV





"Anak ng..." Mahinang mura ko nang tumama ang paa ko sa paanan ng kama ko. Aray ko paa ko!

Bumuga ako ng hininga sa inis. Naiinis kong sinuklay ang mahaba at pino kong buhok gamit ng kamay ko. Umupo ako sa dulo ng kama at sinuot ang itim na leather shoes ko. Pagtapos taliin ang sintas no'n ay tumayo ako at sinuot narin ang white turtleneck sweater na agad ko rin pinatungan ng itim na coat. Habang sinusuklay ang buhok ko bigla akong napaisip habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin...

Ang gwapo naman...sheesh!

Ngumisi ako. Pagtapos magsuklay ay tumungo ako saglit sa desktop ko at pinatay iyon. Kinuha ko ang hard drive na nakasaksak sa laptop at pinatay narin 'yon.

Itinago ko ang hard drive sa drawer pagtapos buksan 'yon. Inalis ko ang manipis na parte ng puting kahoy na kasing kulay lang ng lamesa ko at inilagay ang hard drive sa pinakamalalim ng drawer. Pagtapos ay ipinatong ko ang kahoy do'n at isinara ang drawer. Sinigurado ko narin na naka-lock 'yon. 

Bumuntong-hininga ako ng masulyapan ko ang clock wall. Asa'n na kaya siya? 

Nagising ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumuntong-hininga ako at nanuyong ngumiti.

The Graceful HeiressWhere stories live. Discover now