CHAPTER TWO

23 2 2
                                    









KELLS' POV










Nanatiling nakatayo ang aking ina at kapatid. Nakaawang ang mga labi at mababasa parin ang gulat sa kanilang mukha. Mukhang mga tanga, tatawanan ko talaga sila pag may pumasok na langaw sa mga bibig nila.

"W-What are you doing here? Since when did you arrived here?" Gulat na tanong pa ng ina ko. Nasa mga mata ang pinaghalong emosyon ng gulat at galit. "How did you even arrived here?!" 

Bigla naman bumaling ang kapatid ko sa ama ko. "Dad!" 

Sumulyap ako sa ama ko na nanatiling nakaupo at nakaawang ang labi nakatitig sa 'kin. Gulat ay rehistro sa mukha. 

"Kellizandra..." mahinang aniya.

Walang nagbago sa ekpresyon ko. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong sumabog sa namumuong emosyon sa isip at dibdib ko. Sa isip ko ay sabay-sabay lumulukob ang mga masasamang alaala na nangyari sa 'kin sa nagdaang taon habang sila ay nananahimik at komportableng namumuhay, kinalimutan ako. 

Ipakikilala ko pa ba sila? Parang ayaw ko. Ni hindi nga nila ako kinilala bilang miyembro ng pamilyang ito. 

Sige na nga, curious kayo eh. 

Tinignan ko ang ina kong at sinalubong ang tingin niya. Meet my so-called mother, Alexandra Montevero. 

Sumulyap naman ako sa ama ko. My father, Montgomery Gomez Montevero.

And of course my so-called sister. (Tumataas ang balahibo ko sa salitang "sister") My big sister, Samara Beverly Montevero. 

Bumuntong-hininga ako at nagbaba ng tingin sa walang laman na plato. Saka ako nag-angat ng tingin sa kanila at pekeng ngumiti. "Nagugutom na ako kaya makikisabay na lang ako," Tinapik ko ang tiyan ko. "Walang pagkain sa eroplano, eh." 

"You're not supposed to be here." Biglang sabi ni Samara. 

"Hindi ko tinatanong." 

Hinampas niya ang mesa gamit ng parehong palad niya habang matalim na nakatingin sa 'kin. Syempre 'di ako nagpatalo, sinalubong ko ang tingin niya.

"Go back to where you came from, Kellizandra," Mahinang saad niya. "You're going to cause us a series of trouble so I suggest you leave. Right, this instant." 

Huminga ako ng malalim at tamad na pinatong ang parehong siko ko sa lamesa at tumitig sa kaniya. "Eh, nandito na 'ko eh. Ano pang magagawa mo?" 

Humugot siya ng malalim na hininga, pinipigilan ang inis niya. Imbes na magpaapekto sa reaksyon niya, dinampot ko ang croissant sa maliit na platito niya at kinain 'yon. Gutom na talaga ako...

Bumaling siya kay Alexandra. "Mom! Do something!" 

Nadinig kong tumikhim siya kasabay ng takong niyang humahakbang tungo sa direksyon ko hanggang sa nakatayo na siya sa tabi ko. "Kellizandra, it is very delightful to see you once again, but I'm gonna be frank with you. You're not meant to be here." 

Nginuya ko ang croissant na nasa bibig ko. "Again, hindi ko tinatanong." 

Humampas ang kamay niya sa harapan ko. Pasiring ako nag-angat ng tingin kay Alexandra. Agad ko nabasa ang inis sa mga mukha niya. "You're going to cause us series of major complications because of your presence being involved in this family and in your father's company. So, please, with further cooperation and consideration towards you father, leave this country immediately!" 

The Graceful HeiressWhere stories live. Discover now