LSS Series #2 - 13

215 20 40
                                    

Neo Athreus Dela Cruz

"Salamat, Kuya."

Nandito kami ngayon sa kainan sa may talyer. Kakauwi lang din namin galinge eskwelahan. Sina Arvin, Kat, at Marcus ang kasama ko ngayon dahil sabi daw ni Shaina kay Marcus, pinaiwan daw sila ni Ate Gail kaya nauna na kami.

"Pupunta kayo bukas sa ball?" tanong ni Marcus sa'ming tatlo.

"Hindi." sagot ni Arvin.

"Sayang lang oras namin du'n at tsaka puro harutan lang naman gagawin du'n." komento naman ni Kat.

"Ikaw ba, Marcus? Hindi ka talaga pupunta?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Gusto ko sana," mahinang saad niya. "Kaso, wala akong mga gamit. Wala akong naitabing ipon dito, eh. Mahina rin benta sa trabaho ngayon."

"May mga tuxedo ako sa bahay namin. Gusto mo, pahiramin kita?" alok ni Arvin kay Marcus.

Sayang naman kung tatanggihan 'to ni Marcus. Mukhang gusto niya naman talagang umattend, eh.

Nagda-dalawang isip pa si Marcus dahil nahihiya raw itong manghiram. "At tsaka, ano kasi,"

"Ano?" hinihintay namin ang idudugtong niya pero hindi niya na ito tinuloy.

"'Wag ka nang mahiya. Tara, punta tayo sa bahay pagtapos nito." wala nang nagawa si Marcus at sumama na ito sa'min papunta sa bahay nila Arvin.

Umakyat agad kami sa kwarto ni Arvin ay may lima siyang tuxedo na nasa closet.

"May Gold, White, Black, Red, at Brown. Alin dito gusto mo?" pagtatanong ni Arvin.

Nagpatulong sa'min si Marcus na pumili. Ang napili namin ni Kat ay 'yung brown na tuxedo. Mas bagay sa kulay niya. May kaputian si Marcus, eh.

"Tapos brush up 'yung buhok mo, goods ka na para bukas." suhestiyon ni Arvin kay Marcus.

"Salamat, Arvin. Iingatan ko 'to, promise!" nagpasalamat rin ito sa'min ni Kat kahit na wala naman kaming naitulong.

Matapos mamili ni Marcus, nagpaalam na kami kay Arvin para umuwi na sa kaniya-kaniyang bahay.

Kinagabihan, maagang nakatulog si Kat kaya wala akong makausap o magawa ngayob dito sa loob ng kwarto.

Nagpasya muna akong lumabas sa may balcony para du'n magpadalaw ng antok.

Ito ang ayoko kapag mag-isa ako, eh. Ang daming pumapasok sa isip ko na 'di naman dapat isipin pa. Katulad nung nangyari sa court kanina. Masyado akong naapektuhan sa reaksyon ni Angelo nang makita niya ang ginawa ni Marcus sa'kin.

Isa pa 'tong si Marcus, eh. Hindi ko alam kung bakit nagbigay ng gano'n sa'kin. Nagpapasalamat naman ako dahil nakatanggap ako ng mga tsokolate, pero anong rason? Binigay ko na lang kay Katie ang mga tsokolate kaya sobrang saya niya kanina.

Tapos itong mga schoolmate ko, masyadong ma-issue. Porket nagbigay, may 'something' na agad. Mga malilikot ang utak.

Bumalik ako sa wisyo nang marinig kong sunod-sunod ang pagtunog sa cellphone ko.

Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang mga 'to. Tinag ako ng karamihan sa isang post sa community page ng Crestview. Isang larawan namin ni Marcus kanina sa court.

Ang cute nila! Anong name nila at anong year level? #lovewins

Love wins?! Hindi naman kami ni Marcus, ah? Nakakapikon naman 'tong mga 'to.

Napa-scroll pa 'ko sa baba para magbasa ng nga komento ng ibang estudyante. Nakita ko ang mga pangalan nina Cora, Britney, at Andi sa mga comment section. Naglagay lang sila ng GIF.

LSS Series #2: Lucky In Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon