LSS Series #2 - 22

202 18 81
                                    

Neo Athreus Dela Cruz

"I'm really curious right now. Sino kaya nakakuha ng papel na 'yun?"

Hindi pa rin nila ako pinapayagang umalis dahil gusto nilang ipagpatuloy ang amintg usapan dito sa canteen ngayon. Kanina pa siguro nag aantay sila Angelo sa 'kin sa building nila Katie.

"Kailan ba ang huling open niyo sa account na 'yun? Ba't parang gulat na gulat kayo na 'di niyo na nabubuksan?" tanong ko sa kanila.

"A few days ago. And we thought that it was you nung nakita na 'min na may kakaibang nag login sa account." sagot ni Cora.

"Bakit ba kasi hindi mo kami pinakinggan, Neo? Sabi nga na 'min sa 'yo, open the account para malaman mo ang lahat ng bagay." sumang-ayon naman sina Britney at Andi sa sinabi ni Cora.

"Bakit hindi niyo na lang kasi ako diretsuhin. A-ano bang meron sa pesteng account na 'yun?" medyo naiinis na 'ko dahil gusto ko na talagang umuwi.

I-kinwento sa 'kin ng tatlo kung ano nga ba ang meron sa account na 'yun at kung bakit nila gustong ipa-bukas sa 'kin.

"Gumawa kami ng dummy account para makasali kami sa gagawing GC para sa dalawa. And here's the twist, Neo," panimula ni Cora. "Si Shaina ang nag-utos nu'n sa kausap niya. Hindi naman talaga sila supporters, eh. Sa katunayan nga, hinatak lang nung inutusan ni Shaina ang karamihan sa mga sumusuporta sa dalawa."

"And nang malaman na 'min 'yun, thanks to Andi, gumawa kami ng account para makasali. So, we added that girl on our dummy account para masali kami sa GC," pagpapatuloy ni Britney sa kwento. "And akala na 'min, isang GC lang ang ginawa nila. Hindi, dalawa ang ginawa nila. Isa na kasama si Eiran at isa naman ay wala."

"A-anong sense nu'ng isang GC? 'Yung wala si Angelo?" tanong ko sa kanila.

"Hmmm, to be honest, we don't know," sagot naman ni Andi sa 'kin. "Pero, du'n sa GC na 'yun, du'n niya sinasabi sa lahat ang mga plano niya. Even the gifts na natanggap nila after they performed, kay Shaina lang galing lahat ng 'yun. Even the cakes na natatanggap ni Eiran, kay Shaina lang galing 'yun."

Ayoko munang maniwala sa kanila, pero hindi ko maiwasan na malungkot para kay Angelo. Paniwalang-paniwala na si Angelo na marami na ang humahanga sa galing niyang tumugtog, tapos lahat ng 'yun... planado lang?

"And remember, nu'ng birthday ni Joaquin? Nagtataka ka dahil sa chat na sinasabi namin?" tanong sa 'kin ni Britney at tumango naman ako.

"Nag-rant siya sa GC na 'min the day na tinanggal siya. Ang dami niyang sinasabi tungkol du'n. At ang kinaiinisan niya, ikaw ang pinalit."

Nananatiling kalmado ako sa pwesto ko ngayob habang patuloy pa rin sa pakikinig sa mga kwento ng tatlo kahit na 'di ako sigurado kung totoo ito o hindi.

Pero hindi na 'ko magugulat kung magagalit talaga sa 'kin si Shaina. Gustong-gusto niya pa rin mag-perform sa main event. Kaso hindi nga naman talaga kayang pagsabayin ang rehearsals ng music club at ng pageant.

"At sabi pa niya, hindi raw siya papayag na ikaw ang pumalit, kaya gagawa raw siya ng paraan para ikaw na mismo ang mag back-out," habol ni Cora.

"Kaya kung may nanggugulo sa 'yo for the past few weeks, kagagawan 'yun ni Shaina."

Hindi ko namalayan na tapos na sila sa pagkwento dahil iniisip ko ang mga nangyayari sa 'kin nu'ng nakaraan.

Lalo na 'yung susugod dapat sa 'kin para guluhin ako. Mga ka-kontsaba pala 'yun ni Shaina kaya nu'ng naglalakad kami at may humarang sa 'min, wala lang ito sa kaniya dahil... plano niya ang mga 'yun?
Pati na rin sa may kinainan na 'min nila Angelo, sila rin ang mga 'yun.

LSS Series #2: Lucky In Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon