LSS Series #2 - 23

191 16 47
                                    

Neo Athreus Dela Cruz

"Once again, congratulations, Fourth Year, Section One!"

Patuloy pa rin ang panonood na 'min ngayon dito sa court dahil announcement of winners na at nanalo si Ezra at ang kaniyang partner bilang Second Placer. Hindi pa rin natatawag ang section na 'min kaya umaasa kami dito na mananalo sina Marcus at Shaina.

Tinawag na ng host ang current holders ng Mr. & Ms. Crestview dahil sunod na nilang i-a-announce ang winner ng pageant. Sinigurado muna ng mga hosts ang nakalagay sa card bago banggitin ang pangalan.

"Congratulations, because you are the new Mr. and Ms. Crestview..." muling nag ingay ang mga tao na nandito sa court at sinisigaw nila ang section na gusto nilang manalo.

Hindi rin nagpapatalo ang mga kaklase na 'min dito at todo-sigaw din ang ginagawa nila. Si Miss Leslie naman ay nakapikit at nagdadasal dito sa tabi ko. Naalala ko na may pustahan pala sila ng mga kaibigan niyang nag O-OJT dito.

"Congratulations... Third Year, Section One!"

Napasigaw na kaming lahat sa tuwa dahil sectio na 'min ang nabanggit. Kita sa mukha ng dalawa na gulat sila dahil nanalo sila ngayon. Naglakad na sila sa may gitna ng stage at nilagyan na sila ng corona at sash tsaka nag-picture.

Nagpasya muna ang lahat na pumunta sa room na 'min at du'n na lang hintayin ang dalawa dahil sobrang crowded ng labas at aakyat din naman sila dito dahil sa mga gamit nila.

Nang makaakyat na silang dalawa, muling naghiyawan ang lahat dahil sa tuwa. Sunod-sunod ang natatanggap nilang 'congratulations' mula sa mga kaklase na 'min.

Masayang pumasok sa loob si Miss Leslie at lumapit sa dalawa. "Sabi ko sa inyo, eh! Mananalo kayo. Congratulations!"

"Thank you, Miss Leslie-" naudlot ang pagbati ni Shaina nang yakapin ni Miss Leslie ang magkaibigan.

Pumasok na rin sa room na 'min ang adviser na 'min. "Grabe! Nakakatuwa dahil nanalo ang section na 'tin. Ang galing niyo talagang dalawa!"

"Salamat po, Miss," nahihiyang saad ni Marcus. "Pero, hindi rin naman po na 'min magagawa ang lahat kung hindi rin po sila sumuporta. Kaya panalo po na 'ting lahat 'to."

Matapos ang maliit na pag-uusap dito sa classroom, nagpasya na ang iba na umuwi at ang iba ay nag-ayos pa ng classroom.

Kinuha ko na rin ang pagkakataon na maka-usap si Marcus dahil naka-upo lang naman ito at nag p-phone.

"Pst," napalingon sa 'kin si Marcus at tumabi ako sa kaniya. "Sabi ko sa 'yo kaya mo 'yan, eh. Nag-champion pa kayo ngayon. 'Di ba?"

"Ikaw din naman, eh. Kinaya mo rin 'yung biglaang performance mo kanina." saad niya.

Bigla kong naalala ang sarili ko kanina sa backstage habang pinapanood silang dalawa.

"Alam mo ba," panimula ko. "Habang pinapanood ko kayong dalawa kanina ni Shaina, may kakaiba sa inyo. Lalo na 'yung tingin mo? Basta gano'n. Para nga 'kong baliw du'n na napapangiti sa inyo, eh."

Nakita ko ang reaksyon ni Marcus at ngumiti rin siya sa mga narinig niya mula sa 'kin. "P-Pero 'wag mong isipin na b-binubugaw kita kay Shaina, ah? N-napansin ko lang kasi na parang... bagay kayo, eh."

Natawa naman ito nang bahagya. "Oo naman, 'noh?"

Gusto ko lang talaga i-kwento sa kaniya 'yun. 'Yun lang talaga ang rason. Wala akong intensyon na iparamdam kay Marcus na ayoko sa kaniya.

Kumatok sa pintuan si Angelo na kanina pang nasa labas dahil hinihintay si Kuya Rudy. "Tara na, Neo. Nasa labas na si Kuya Rudy. Nandu'n na rin sila Kat."

LSS Series #2: Lucky In Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon