Chapter 10

75 5 12
                                    

     Nililinis ni Allen ang mga upuan sa waiting area sa labas ng office ni Toru "Ma'am ako na po" sabi ng cleaning personnel "Ayos lang po Kuya, wala pa naman po ako gagawin. Tulong ko na po ito sa inyo" paliwanag ni Allen. Nagpasalamat naman ang taga-linis sa tulong ni Allen "Salamat po Ma'am" at pinagpatuloy ang pag-map ng sahig. Nasa loob si Toru at hinayaan si Allen lumabas, nakita ng binata ang ginawa ng secretary sa cctv. Binabalik na ni Allen ang mga throwpillow ng bumukas ang glassdoor.

"Yes po?"
"Nasaan si Mr. Hanagata?" tanong ng babae. Kilala ni Allen ito pero hindi sila close.
"May appointment ka ba kay Sir? Need mo muna magpa-schedule Ma'am" paliwanag ni Allen. Hindi naman sya pinansin ng babae at basta pumasok sa pinto. Sinundan agad ito ni Allen.

     Tumayo si Toru at pumunta agad siya sa gitna plano salubungin ang dalawa.

"Sir, hindi pasensya na po kayo. Nagpumilit po si Ma'am pumasok" paghingi ng pasensya ni Allen
Inawat naman ni Toru ang kanyang secretary "Okay lang. Have a seat. May problema ba Ms. Chiaka?".

    Umupo naman si Chiaka at sinabi ang concern. Pinagtimpla naman ni Allen ng tea at coffee ang dalawa. Napahinga ng malalim si Toru sa sinabi ng empleyado nito. Hindi nya alam ano isasagot n'ya. Narinig naman ni Allen ang pinag-usapan ng dalawa "Excuse me lang po. Pero I think simple lang po ang solution sa problema ninyo". Tahimik lang si Toru nakikinig at inaabangan kung ano sasabihin ni Allen "Ano naman ang sa tingin mo solusyon, Miss Daisuke?" tanong ni Chiaka.

     Tumayo si Allen "Maari po ba kayo tumayo Ma'am?". Ginawa naman ito ni Chiaka. Tumabi si Allen sa katrabaho "Tignan n'yo po konting dagdag lang po ng tela sa skirt at mag stocking po kayo hindi na kayo lalamigin pa. Gamitin nyo din po ang blazer na binigay ng company sa employees kaysa po naka hanger lang sa office chair nyo ito. Kulang po kasi ang tela ng damit ninyo". Pinipigilan matawa ni Toru sa sinabi ng secretary. Mini skirt ang pang ibaba na suot ni Chiaka, sa top naman ay chiffon ang tela ng blouse talaga lalamigin sya.

    "I hope that solves your problem Ms. Chiaka" sabi ni Toru. Nag nod naman si Chiaka nagpaalam ito at mabilis umalis ng pinto. Hindi na napigilan ni Toru matawa "Hahaha. I cannot believe it. Nakita mo ba itsura nya? Ali, ikaw naman kailan ka pa may sass sumagot?" . Natakot naman si Allen at mabilis na nagbow "I'm sorry po Sir... Totoo naman po kasi na kulang sa tela ang damit nya. Hindi na po mauulit". Pinakalma naman ni Toru ang secretary "I'm not mad but instead I'm impressed. Very clever, Ali". Nakahinga naman ng maluwag si Allen "Thanks Toru!".

    "Pasensya ka na. To be honest ineexpect ko na hindi ganito katagal bago ka maka-encounter ng ganito. Wala nga din ako narereceived na unwanted girls" dagdag ni Toru. "Finifilter ko po mga tumatawag sa inyo Sir.. simula ng pumasok ako dito kapag nararamdaman ko po na ang kausap ko sa phone ay gusto lang po magpacute sa inyo at hindi related sa work sinupalpal ko na po agad.. Sa mga nagkakagusto sa inyo at nais kayo guluhin sa trabaho na taga HPE sinasabi ko po na nasa urgent meeting kayo. Si Ms. Chiaka lang po nakalusot ngayon" pag-amin ni Allen at sinabi din na binanggit ni Kiyo at Sana ito sa kanya at kasama sa job responsibilities kahit hindi nakausulat sa contract.

    Napagtanto naman ni Toru ang lahat kaya pala matiwasay sya nakakapag trabaho ito kasi ang problema nya matagal na kahit ang dati nya secretary ay may gusto sa kanya at nagpapa cute pa "Salamat. Hindi ko inexpect. Akala ko nag seselos ka sa kanila" pang aasar niya. Namula naman si Allen "Mou.... Hindi noh" pagtanggi pa nya. Naka focus naman si Toru sa lips ng dalaga "Ehem, nga pala Ali pumunta ka ngayon kay Jin sa HR Office". Nag nod naman si Allen at mabilis umalis ng office "Hindi pa nga ako nakakapagtapat sayo Ali tini-tempt mo na agad ako" sinapo na lang ni Toru ang kanyang noo.

     Nagpunta si Allen sa HR Office "Hi po! Nandito po ba si Sir Jin?" bati nya. Kumaway naman ang mga HR Staffs at hinatid si Allen sa Private Room. Maya maya dumating na si Jin "Oli.. ay Ali pala. Mag ka rhyme kasi". Natawa naman si Allen "Pumaparaan ka pa Jin-san aah". Napakamot ulo na lang si Jin "Sinabi ba sayo ni Toru kung bakit ka nandito?" Umiling si Allen "Hindi eeh". Pinaliwanag naman ni Jin "Need po isign ang mga ito. Congratulations regular ka na. Yehey!". Nagulat naman si Allen "Ay oo nga po noh. Pero dapat 3 days pa".

Windows of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon