Chapter 43

61 2 0
                                    

           Sa couch sa loob ng private room kung saan naka admit si Allen natulog si Toru. Kapag dumarating ang nurses para i check ang kalagayan ng girlfriend ay nagigising rin siya at binabantayan maigi ang bawat kilos ng nurse. 6:12 am na, naka work from home siya para ngayon linggo, gusto alagaan ni Toru si Allen, hindi nya malaman kung luck ba ang nangyari dahil 2 weeks ago pa naka file ang work from home set up nya which was approved. Nagpasya siya na magkape at umupo sa tabi ng kama ni Allen. Pinagmasdan nya ang girlfriend, malungkot siya na naaksidente ito at wala siya ng mga oras na iyon para protektahan ang mahal nya. Hinalikan ni Toru ang noo ni Allen "Good morning Love... hindi mo man alam ang totoo, pero I don't care kung anak ka ni Uno... mahal na mahal kita... I'm sorry wala ako nang oras na aksidente ka... I love you so much Ali" mahinang bulong nya. Inayos nya ang kumot ng dalaga at nagpasya na mag take ng quick shower.

             Suot ni Toru ang navy blue long sleeve polo na naka tuck sa gray plaid slacks. Pinares nya sa black top sider leather shoes. Gumawi ang tingin nya kay Allen na mahimbing pa rin na natutulog. Nilabas ni Toru ang phone at chineck ang emails and text messages, wala naman urgent maliban sa message ni Hoshi sa kanya, sinabi sa kanya ng ama ng girlfriend na may napansin si Autumn na palakad lakad na mga lalake sa labas ng bahay at sinabi sa kanila, akala ng bata ay visitor kaya tinawag ang atensyon nina Hoshi at Sunny. Dumungaw si Autumn sa may bintana dahil may narinig na mga tunog ng sasakyan. Namukhaan ng mag asawa na si Shikou ang isa sa mga lalake kaya hindi na sila lumabas ng bahay at nagtago na lamang. Si Seki at Olivia ay tinawagan din para ipaalam na huwag muna sila umuwi, nag stay ang dalawa sa bahay nina Ren at Sana.

              Maraming bagay ang tumakbo sa isip ni Toru, iniisip nya ang posibilidad na nalaman ni Uno ang totoo na anak nya si Allen, nagtaka rin siya kung bakit pupuntahan nila Uno ang bahay nina Allen ngayon alam nila na may atraso sila kay Hoshi at may kaso na pending sa kanila "Perhaps they are spying on all of us... Lahat ng tao na involved sa HPE... Subukan lang nila na saktan si Allen ako makakalaban nila". Sa lalim ng iniisip ni Toru hindi nya namalayan na bumukas ang pinto at dumating ang mga magulang nila ni Allen.

"Son" untag ni Ren
"Good morning po" bati ni Toru sa lahat

"Good morning" tugon naman ng mga dumating
"Sabi nila Seki nagkamalay na raw si Allen" comment ni Sunny

"Opo Auntie, nakakatulog rin po agad dahil sa medicines na binibigay sa kanya" paliwanag ni Toru
"Toru.. anak, kumain ka na ba? Mag breakfast ka muna ito may dala kami food" alok ni Sana

"Thank you Mom"
"Toru.. pasensya ka na hindi kami nakapunta kagabi.. Pinuntahan kami ni Ren at Sana kanina, mabuti na lang at wala na tao sa labas" wika ni Hoshi

           Sinabi ni Toru na naintindihan nya ang sitwasyon at tinanong rin kung safe pa sila sa bahay na tinutuluyan, kinamusta rin si Autumn since magaan ang loob nya sa bata. "About don, nag offer kami ng Mommy mo na doon muna sila mag stay sa bahay kahit ilang araw lang.. Pinaasikaso ko kay Atty Kyo na kung maaari may mag bantay kina Hoshi sa bahay nila bago sila bumalik doon" paliwanag ni Ren. Habang kumakain ay dumating ang doktor at sinabi na mabilis ang recovery speed ni Allen pinagmalaki naman ni Hoshi na ngayon lang na ospital ang anak at hindi ito sakitin kahit noong bata pa ito.

"Doc... ilan days pa po pwede mag stay ang anak ko dito?" tanong ni Sunny
"Mrs.. sa totoo nyan pwede na po iuwi sa bahay si Allen para doon maalaagan" paliwanag ng doktor

"Ano po mga bawal kay Allen?" tanong naman ni Hoshi
"Sa food wala po... sa activities... not advisable na magkikilos siya, since tender ba ang muscles ng affected areas due to the accident yesterday... 2 weeks to 1 month na bed rest po" tugon ng doktor

           Sinagot pa ng doktor ang ilang katanungan nila, after 10 minutes ay nag paalam na rin ang doktor para makapag rounds sa iba pa nitong pasyente. Pinagpatuloy nila ang breakfast, makalipas ang 30 minutes 9:34am gumising na si Allen, napansin naman ni Toru ang pag shift ng posisyon ng dalaga "Gising na po ata si Allen". Mabilis naman nilapitan ni Hoshi at Sunny ang anak.

"Good morning"
"Good morning Mama... Papa"

"Anak, kumain ka na may dala ako na favorite mo na ulam" pag anyaya ni Sunny
"Maaga gumising ang mama mo para ipagluto ka" wika ni Hoshi

"Thank you po Mama"
"Si Papa mo magpapakain saiyo anak... bawal ka pa magkikilos"

"Opo.. Mama, may dala po ba kayo na damit or toiletries? Kahit po sana half bath, paliguan nyo po ako hehe"

             Nahiya si Allen mag request sa mama nya pero wala siyang choice, tumawa naman ang adults "Pwede ka daw mag bath Allen, sabi ni Doctor" paliwanag ni Sana, "Oo anak at pwede ka na umuwi mamaya. Pero kumain muna ikaw neh" wika ni Sunny. Pinagmamasdan ng pamilya Hanagata ang interaction ni Allen sa mga magulang nya. Toru's eyes soften ng makita na malambing si Allen sa nanay at tatay niya, maging ang mother nya na si Sana ay lumapit kina Allen at kinakamusta ang dalaga.

.

.

.

.

.

Habang nasa banyo sina Allen at Sunny, kinausap naman ni Ren, Hoshi at Sana si Toru

"Toru.. baka pwede na sa bahay mo muna mag stay si Allen hanggang maka recover siya" Pag request ni Hoshi

"Uncle... alam ko po na gusto ninyo alagaan si Allen, bakit po gusto nyo na mag stay muna siya sa bahay ko? May problem po ba?" hindi naman ayaw ni Toru iniisip lang nya ang damdamin ng magulang ni Allen

"Anak... sabi ni Atty Kyo mahirap kung mag stay si Allen kasama sina Hoshi at Sunny since namukhaan ni Uno si Allen.. Nanganganib ang safety nya... nila" wika ni Ren
"Alam rin namin Toru na secured ang area ng bahay mo at you can protect Allen very well.. Hindi na siya iba sa pamilya natin" paliwanag ni Sana

"Naintindihan ko po, paano po si Auntie Sunny... ano po ang sentiment nya? And paano po ang work...."

            Naunawaan rin ni Ren at Sana ang concern ng anak, ipinaliwanag nila na work from home muna si Toru. Sinagot rin ni Hoshi ang tanong ng binata kanina "Si Sunny ang naka isip ng idea na sa iyo muna mag stay si Allen... Mahirap kami kumilos ngayon... binabantayan nila Uno ang bawat kilos namin.." Nag nod naman si Toru "Paano naman po ang safety ninyo Mom, Dad pati na po sina uncle". "Ah isasama namin si Bruno hehe, kahit may edad na yun brave dog siya" pagmamalaki ni Hoshi. Inabsorb ng binata ang lahat ng napag usapan nila, naalala rin nya ang kwento sa kanya ni Allen noon tungkol sa pagligtas sa kanya ni Bruno ng bata pa sila.

              Nang masigurado nina Sunny at Hoshi na naasikaso na nila mabuti ang anak na si Allen ay nagpaalam na rin sila, kasama nila sina Ren at Sana. Nagdahilan ang magulang ni Hoshi at Sunny na may renovation sa bahay kaya sa bahay muna ni Toru siya mag stay, hindi naman naghinala si Allen dahil may sira nga ang sahig sa second floor nila.

.....

             Hapon na nang nadischarged mula sa hospital si Allen, nandito ulit ang dalaga sa loob ng bahay ng boyfriend. Nakakalakad naman si Allen at hindi kailangan ng wheelchair ngunit mabagal lang. Inalalayan ni Toru na maka upo si Allen sa couch, pagkatapos ay tinabihan rin niya ang girlfriend, "Nagugutom ka ba? Or may kailangan ka, just tell me". Ngumiti ang dalaga, "Okay lang ako Toru... Thank you", sinabi rin ni Allen na kung pwede sila manood ng tv, priness naman ni Toru ang remote. Hindi napigilan may eye roll ni Allen ng mapansin na panay ang pagbabantay sa kanya ng boyfriend na animo isang hawk.

"Toru... I'm okay... no need to check on my condition every second"
"Obvious pala ako.. I'm just making sure that you are really okay"

"Aww... I know pero you can sleep muna if you want kasi ikaw nagbantay sa akin kahapon pa. Thank you nga pala"
"Aah.. baka kung ano mangyari sayo kung matulog ako"

"TORU!"

             Tumawa si Toru dahil alam nya na naiinis na si Allen sa pang aasar niya, dahan dahan nya niyakap ang girlfriend "Ali... I'm glad you're safe... I hope so too na hindi kita nasaktan sa pagyakap ko sa'yo". Nag giggle naman si Allen "Haha... hindi naman, yung balikat ang braso ko lang yung medyo tender, medyo masakit pa rin yung ulo ko..." humilig siya bandang pagitan ng leeg at balikat ni Toru "Alam mo Love... nakita ko si Uno dun sa site... Siya dapat yung mahuhulugan nung mga wood planks... Pero I don't know tinulak ko siya palayo... May atraso siya kay Papa... sa inyo pero niligtas ko pa siya... I'm silly neh?" bahagyang humigpit ang yakap ni Toru sa dalaga pero hindi pa rin ito nakakasakit "Hindi mo man alam Ali na she's your real father -- unconsciously you had the urge to protect him" bulong nya sa isip. "Ali, love... I'll try my best to protect you to any danger as much as I can" wika ni Toru, humarap si Allen sa boyfriend at tumaas ang kilay "Ang seryoso mo ngayon aah... Accident lang naman ito".. Dito na naging seryoso ang aura ni Toru dahilan para mapalunok si Allen "Don't take this lightly... This is not a joke... Muntik ka na mawala sa akin Allen... I... I know kapag nawala ka sa akin hindi ko kakayanin".

          Allen's eyes soften naintindihan nya ang struggle ni Toru pinipigilan nya ang emosyon para hindi siya masaktan, too much emotion will enable the other side of him to appear "I'm sorry Toru... Gusto ko lang i take na light ang nangyari... at ramdam ko sinisisi mo ang sarili mo pero wala ka kasalanan, accident lang ang nangyari" hinalikan nya sa labi ang binata at nilagay ang kanang kamay sa pisngi ni Toru. Niyakap muli ni Toru si Allen hindi na nya napigilan ang sarili at umiyak na siya. Hinaplos naman ng dalaga ang likod ng boyfriend, nagbigay ng comforting words "Shh... huwag ka na umiyak... I love you... Toru".

            After a while ay naging stable na ang emotion ni Toru. The two of them enjoy cuddling sa sofa. 

Windows of the SoulWhere stories live. Discover now