Chapter 65

55 2 4
                                    

       Pagbukas pa lamang ng elevator ay pumasok na agad sa loob si Toru wala syang pakialam kung may kasabay ba sya o kung sino man ang kasama nya na kaibigan pinindot nya agad ang 'G' button at ang 'arrow' button para mas mabilis na sumara ang pinto. Sa unti unti pagsara ng pinto ay nakita pa nya ang naglakihang mga mata ng mga kaibigan, hindi nya alam kung saan lugar una hahanapin si Allen, maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isip, 'Saan lugar pumunta si Ali?' wala syang alam na ibang kamag anak ng kasintahan bukod sa mga magulang nito, 'Bakit ngayon pa nalaman ni Ali ang totoo... Bakit hindi ko naisip na may magsasabi sa kanya na iba...' maraming bakit ang sumagi pa sa kanyang isipan gumawi ang tingin nya sa maliit na screen at nakita na nasa 10th floor pa lang sila. Pakiramdam ni Toru ay ang bagal ng oras, ramdam din ng mga kasama ng binata kung gaano ka agitated ang kaibigan nila. "Ting" na tunog ang narinig nila "Finally" mutter ni Toru at dali dali lumabas ng elevator at tumakbo papunta sa labas nandon na ang sasakyan nya "Oi.. sandale hintayin nyo kami" lumingon si Toru at nakita ang kaibigan na humahangos rin kasama nya "Sama kami" narinig nya "Hindi kayo kasya sa kotse ko" ang sinabi lang nya bago pumasok agad sa kanyang sasakyan, sinuot pa lang nya ang seatbelt nang marinig nya ang pagsara ng sasakyan nya si Fukuda, Rukawa at Ikegami samantalang katabi nya sa unahan si Fujima. Ang mga naiwan na nakatayo ay kanya kanya sakay sa may mga dalang sasakyan bago makasakay ang lahat ay narinig pa nila ang wika ni Akagi "Sundan na lang kotse ni Hanagata", excited naman si Sakuragi "Ayos... Convoy lang.. Joy ride.. Nyahaha.. Oi Gori bilisan mo mag drive ah baka mabagal kayo ni Lolo, mga senior eh.".

       Tinuon ni Toru ang atensyon sa manibela, pagka start pa lang ng kanyang Lexus RX 350 F SPORT ay mabilis nya minaneho ito na halos humarurot na "Hindi ko pa nasuot seatbelt ko" mahina wika ni Fukuda nag 'shh' naman si Ikegami "Huwag ka magreklamo mainit ulo ni Hanagata" nagsalita naman si Rukawa "Byaheng langit nga tayo eh.. Baka tumilapon ka Fukuda kapag narinig ka ni Hanagata" nanahimik na lang si Fukuda ngayon araw lang nya nakita kung paano magalit ang kaibigan at ayaw pa nya hindi sikatan ng araw. Si Fujima naman ay alam na nag aalala ng lubusan ang kaibigan sa girlfriend nito, kung kay Xiaoyu man mangyari ang sitwasyon ni Allen ay mag aalala rin sya katulad ni Toru "Hanagata, huminahon ka, saan ba muna natin hahanapin si Allen" bumagal ng bahagya ang pagmamaneho ni Toru na ikinahinga ng maluwag ng mga nasa likod ng sasakyan.

"Anong sabi ni Hasegawa, may idea ba kung nasaan si Ali?"
"Wala pa update.. Naka off ang gps ni Allen" paliwanag ni Fujima

        Habang nagmamaneho ay dinial ni Toru ang number ni Allen "The number you have dialed is not yet in service..." ngunit hindi ito makontak "Sh*t" nakapagbitiw ng masamang salita ang binata sa sobrang pagaalala humigpit ang hawak nya sa manibela "Saan natin una hahanapin si Allen?" si Ikegami naman ang nagtanong ngayon ngunit hindi kumibo si Toru. Napansin ni Fukuda ang ruta na tinatahak nila "Papunta sa bahay ni Hanagata ang daan na ito" mahina nyang wika ngunit rinig pa rin ng lahat sa sasakyan. Tama nga ang observation ni Fukuda at 5 minutes pa ay narating nila ang bahay ni Toru na agad bumaba ng sasakyan, dali dali binuksan ang gate at humahangos na pumasok sa bahay. Kasunuran lang ang mga sumunod sa kanila na pumasok rin sa loob.

       "ALI!" sigaw ni Toru at hinanap agad sa ibabang floor ng bahay ang dalaga, may questioning marks naman ang lahat "Ano gagawin ni Allen dito?" tanong ni Sendoh, sa bawat lugar na puntahan ni Toru ay nakasunod sila binuksan ni Hanamichi ang ref "Oi Allen, nandito ka ba?" nakatanggap naman sya ng batok kay Akagi "Kahit kailan ka talaga Sakuragi, anong gagawin ni Allen sa loob ng ref" galit na saad nito "Pasimple pa si Sakuragi mang umit lang ng yogurt" comment ni Maki nakita nga nila ang nang raid ng ref na kumain ng yogurt "Ibang klase" comment ng iba habang napapailing si Rukawa rin ay nakigaya at kumuha ng yogurt. Walang pakialam si Toru kung ubusin pa nila ang laman ng ref nya may mas importante na bagay kaysa doon at walang iba kung hindi si Allen ang kanyang kasintahan at mahal, binuksan nya ang likod garden nakita nya wala rin doon ang dalaga. Umakyat sya sa second floor sa kanyang kwarto, dali dali binuksan ang closet na nakalaan kay Allen nandon pa ang mga damit ng dalaga isa isa nya binuksan ang drawer lahat ng damit at gamit ng kasintahan ay nandon rin.

Windows of the SoulWhere stories live. Discover now