Chapter 28

107 3 4
                                    

           It's been almost 2 weeks since ang surprise birthday celebration ni Toru sa opisina. Ito rin ang first time in a long time na nag celebrate sya ng kanyang kaarawan. Maraming problema na kinaharap ang HPE na naging dahilan upang mas magfocus ang binata sa kanyang trabaho, mas inuna nya ang company kaysa magdiwang ng kanyang birthday. Hindi n'ya inexpect na magawa ng kanyang girlfriend na isurprise sya, buong akala nya ay masama ang loob nito sa kanya. He appreciates it and nagustuhan n'ya dahil he feels special. Naalala rin nya ang nangyari sa kanila after the celebration, hindi s'ya nakapagpigil sapagkat para sa kanya it's been too long na hindi s'ya pinansin ni Allen at na deprive s'ya ng hugs and kisses. Toru also realizes that the more it becomes difficult to control his urges dahil Allen is a natural seductress without any efforts in short natural sa aura ng dalaga.

           "Toru... you need to control yourself... respect Allen" mantra nya sa isip. Gumawi ang kanyang tingin sa isang picture frame na nasa ibabaw ng kanyang office table, ito ang picture nila sa Mt. Moiwa's Fortune Bell, naka akbay si Toru sa dalaga at naka ngiti, si Allen naman ay hawak ang bouquet ng flowers nakahilig sa binata at may ngiti sa labi. "Hindi ko naman masisi ang sarili ko, ang ganda ni Allen, hindi ako nakapagpigil" wika ni Toru at hinalikan ang picture frame. Siya lamang ang nasa loob ng opisina. Hindi pa nasatisfy ang binata at niyakap pa ang picture frame. Mabilis nya tinago ang frame sa kanyang drawer "Grabe ganito pala ako kiligin" pag voice out nya. Hindi inasahan ni Toru na maiinlove s'ya at noon hindi sya naniniwala sa love pero unexpectedly sa unang pagkikita nila ni Allen ay tinamaan nga s'ya he can't stop staring at her noong nasa may ice cream stand sila at ang pagiging natural at mabait nito sa kanya.

           Maraming nagkakagusto at interested sa kanya, sanay s'ya na hinahabol ng mga babae dahil sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Toru Hanagata. Hindi sya conceited mas lalo hindi s'ya nagyayabang, nagsasabi lang sya ng totoo. Mga babae ang lumalapit at gumagawa ng paraan para macapture ang kanyang atensyon but all this time hindi sila successful. Iniisip ni Toru noon na hindi na sila magkikita ni Allen, after ng pagtulong incident nila ay pinahanap na n'ya ang dalaga sa kaibigan nya ngunit sinabi ni Kazushi na umalis na ang sa pinagtatrabahuhan, palipat lipat ng tirahan at everytime na malapit na sila matagpuan ang dalaga ay nadisappoint lamang siya dahil lumipat na naman siya ng lugar. That is until one time pagpasok n'ya sa office hindi na sya nakatiis sa incompetent nya na secretary kaya tinerminate niya ito. Sa pag uwi n'ya ng bahay ay sinabi ng kanyang Ate Kiyo na may nahire na sila na bagong secretary n'ya at noong sinabi ni Kiyo kung anong pangalan ng new hire nila sobrang saya nya at gusto nya magtatalon sa tuwa.

          Pero s'ya si Toru Hanagata kilala sa pagiging composed na tao kaya he maintained a neutral  look, nagpanggap sya na hindi n'ya pa kilala si Allen Daisuke dahil kilala nya mga kaibigan nya alam na aasarin sya at what more kung nakilala nila si Allen, baka mailang ang dalaga at hindi na sya pansinin expect pertaining work related stuffs. Tanging si Kazushi Hasegawa lamang ang nakakaalam na kilala nya ang dalaga at kung ano ang naramdaman n'ya para dito.

-FLASHBACK-

           Katatapos lamang ng meeting ni Toru with their investors at pabalik na s'ya ng HPE Building nang maalala n'ya si Hasegawa kaya naisipan nya puntahan ang kaibigan sa opisina nito. Nang makarating ang binata sa company ng mga Hasegawa ay pumunta agad sya sa opisina ni Kazushi. Tinanong ng binata kung bakit napadalawa sa kanyang opisina si Toru, sinabi naman nya na nag apply si Allen bilang secretary sa HPE at natanggap ito.

"Bakit hindi mo ikwento kay Fujima ang tungkol kay Allen, magtatampo yun" comment ni
Hasegawa habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak
"Parang hindi mo kilala si Fujima, madaldal yun parang babae, paano kung madulas sya at
mailang si Allen sa akin" paliwanag ni Toru

Windows of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon