Chapter 93

56 7 30
                                    

Yesa's POV


HINDI na kami nagkausap pa ni Zion hanggang matapos ang kasiyahan sa lugar nila Ryu. Masyado kaming nagkahiyaan at nagulat ako sa ginawa niya. H-He kiss my hand!


Hindi na nawala ang bagay na iyon sa isip ko sa bawat segundo kanina. I also can't look straight at his eyes. Hindi na siya sumabay sa akin dahil kay Daren daw siyang kotse sasabay pauwi. I am so embarass! Damn it!


"Anak, ayos ka lang ba?" 


"Yes, old man." Sagot ko sa tatay ko.


"Luna, check her. Namumula na ang anak ko kanina pa."


Ako? Namumula? ARRRRGHHHHH!


Lalapitan sana ako ni Luna pero nagsalita si Yuki. "Inlababo lang 'yan, dad."


"Anong inlababo?" Tanong ni Chairman na hindi na namin sinagot. I gave Yuki a death glare. Kung ano ano kasi sinasabi.


"Hahahaha.. Kamusta pala kayo ni Zion? Hindi naman sana kayo lumagpas sa limitasyon niyo." Paalala ng tatay ko.


"Ayos lang kami, tanungin niyo si ms. Detective at ang anak mong lalaki kung kamusta sila." Pagganti ko kay Yuki.


Siya naman ngayon ang hindi makatingin ng diretso sa tatay namin. Walang silang alam na may namamagitan kila RJ at Yuki, kaya ganyan na lang kabahan si Yuki. Nakaganti din ako sa wakas. Pero hindi pa din nawala sa isip ko ang paghalik ni Zion.


Sa ginawa niya ay para niya akong hinit and run. Mabilis pa siya kay The Flash umalis kanina pagkatapos niya gawin iyon. Tss tss, loko lokong Zion.


Pero bakit niya nga ba ginawa iyon..?


"Ano sa tingin mo?" I ask him. "Hayys. Kilala mo ba si Zion? Siya iyong nililigawan ko ngayon... pero siya ang nagpapakilig sa'kin. Ewan ko ba, Nicholas. Mababaliw na ako dahil bawat segundo na lang ay sumasagi siya sa utak ko." I said as I slowly change my smiles to a sad smile. Muli kong tinignan ang litrato niyang seyosong nakangiti. "Hindi naman siguro kita nagagambala diyan sa taas? Gusto ko lang naman sabihin sa'yo ang nangyayari sa'kin dito... I guess I should call one of my living friends." Pang-aasar ko kay Nicholas kahit na alam kong hindi na ito sasagot pa o ngingiti man lang sa akin.


I dial Lynn's number.—What the heck am I doing?! Sasabihin ko ba sa kanyang hinalikan ni Ziom ang kamay ko. Sinong tanga ang ipaglalandakang hindi na siya virgin?


Too late, she already answer it.


"ISANG HIMALA! TUMAWAG ANG KAIBIGAN KONG MALAMIG PA SA PATAY!" Bulalas niya sa kabilang linya. "Oh napatawag ka, mahal kong Yesa."


"Wala, na miss lang kita. Sige, ibababa ko n—"


"WAIT WAIT WAIT WAIT!! Anong ikukwento mo?"


Napalunok ako ng mariin. "Paano mo nalamang may ikukwento ako?"

When two cold hearts met (season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon