❆️ Chapter 98

42 3 15
                                    

Yesa's POV



"Ey guys, let's distribute the gifts. Excited ako eh."


"Mukha nga." Sagot ni Lynn kay Daren. Nilabas ni Lynn ang regalo at ibinato iyon kay Daren. "Oh!"


"Ano 'to?"


"Regalo, tanga! Edi sana sinabi mo sa'king huwag ko nang balutan kung tatanungin mo din ang laman. Medyo tanga ka din eh 'no?"


"Ang ingay mo! Pero salamat!"


Lynn rolled her eyes. "Pasalamat ka talaga at gwapo ka."


"Ehem." Natawa kami nang biglang tumikhim si Ryu. "Daren, you received your gift. Ikaw naman ang mag-abot."


"Ah ganun ba? Okiee." Masiglang saad niya at inilabas ang maliit at pahabang regalo saka inabot kay Zion. "To you bro. Alam mo, sapatos sana ang bibilhin ko kaya lang hindi ko alam ang size mo. Gusto sana kitang regaluhan nang mamahaling pabango kaya lang nakakaoffend naman kung pabango ang ibibigay ko-"


"Oo na! Manahimik ka na! Kulang na lang ipagsabi mo ang laman, hambog ka talaga!"


"Thanks." Saad ni Zion pero hindi na narinig ni Daren dahil nakipagtalo na ito kay Lynn.


"EHEM!" Muling pagtikhim ni Ryu.


Tumigil ang dalawa pero dinuro pa ni Lynn si Daren. Nainis nanaman si Daren at pabulong na sinagot sagot si Lynn. Hayun at nagpatuloy nanaman sila sa pag-asaran. Si Lynn, kung hindi si Amber ang kaaway ay si Daren naman.


Natahimik lang sila nang tumayo si Zion. Inilabas niya mula sa malaking paper bag na dala kanina ang regalo. Nakatingin siya sa'kin habang inilalabas ang regalo sa paper bag. Halos kasing laki iyon nang kalahati mg braso ko.


"Ayiiieeee! Huwaagabagajadnebekis!" parang alien na sabi ni Lynn.


"Kilala ko nabunot mo." Sabi din ni Ruby kay Zion.


Bigla kong naalala ang sinabi ni Zion noong isang araw na hinatid ko siya.


"The person I love."


Why am I expecting to much? Hindi naman masamang umasa na ako iyon.


All my hope break into pieces when he gave it to Amber.


"It's Amber." Saad ni Ruby na parang sumampal sa akin.


"Ay, kala ko si Yesa. Sowwy"- Lynn


Nginitian ko sila sabay yuko. We are still playing spin the bottle and it stop in front of me again. Hindi ko inantay na may magtanong at kinuha na lang ang isang litrong beer. Napanganga sila Lynn at ang iba pang nakatingin sa'kin. I know Zion and Amber are busy with each other.

When two cold hearts met (season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon