Chapter 131

24 4 13
                                    

Zion's POV

TAHIMIK ang bahay niya at sa tingin ko, ang dalawang maid at siya lang ang nakatira dito. Madilim na sa labas pero hindi pa nakabukas ang ilang ilaw dito sa loob. Para tuloy akong nasa loob ng isang haunted house. Every corner of the house has a doll. May maliit, may malaki, may nakagown at mayroon ding hubot hubad, may ilang nakangiti pero mas marami ang walang emosyon.

"You live alone." I am not asking.

"Nope! I have my maids and you!"

Nangunguna siya sa paglalakad kaya sumabay ako sa kanya. "No, you get it wrong. I am not here to live with you. Nandito lang ako para kausapin ka at para sa contest, remember you're the model. Kukunin ko lang ang sukat mo para makagawa na tayo ng kasuotan." Pilit kong pagpaliwanag sa kanya. Pero para siyang bingi at nanatili lang ang mga ngiti niya.

"This way." Aniya paakyat sa second floor.

Dito na ako nakaamoy ng masangsang na amoy. Nakakasuka! I am familiar with this scent and I am not an idiot. Ang silid na dinaanan lang namin ay may nakatagong sikreto.

"Where's your parents?"

"That room." Turo niya sa kwartong dinaanan lang namin. She put her fingers on her lips. "Let's be quiet 'cause they are sleeping."

Hindi na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa harap ng isang pinto. May mga scratches ang pinto at nakadikit na ilang manika, iyong iba ay lumalabas na ang cotton sa loob dahil sa kalumaan. As far as I remember, I visited a classmate's house not a haunted house.

"Come in." She said as she open the door.

The room is dark but I quickly turn on the lights, nasa gilid lang naman kasi ang switch. My brows met when I realize it's her room. Before I can say a word, she closed the door.

"We can talk on your living room or kitchen. Not here."

Nginisian niya lang ako at naglakad lakad sa kwarto niya. Masyadong malinis ang kwarto niya na halatang pinaghandaan niya.

"Why? Feel uncomfortable?"

I hardened my face. "No. Let's end this quickly."

Kinuha ko ang nakitang tape measure at sinimulang magsukat. Mula sa arms niya, kinuha ko ang length at width nito. Sumunod sa dibdib niya pero nilayo ko ng kaunti ang kamay ko, hanggang sa bewang niya. Susukatin ko na rin sana ang pang-ibabang parte niya nang pigilan niya ako.

"I'm hungry, why don't we eat first?"

"Gusto ko ng matapos agad ang trabaho ko dito. May design na ng damit kaya magsisimula na akong mag canvas pagkatapos dito."

"I know. I'll help you naman eh... Pero masamang pinapagod mo ang sarili mo. Eat first." May punto siya pero hindi pa naman ako gutom. Hindi rin ako pagod dahil puro lesson lang ang ginawa kanina sa school. "Don't rush things. Saturday naman bukas kaya mapagpapatuloy pa natin ito."

"Fine." Pabagsak kong binato sa kama niya ang tape measure.

Masama talaga ang kutob ko sa kwartong ito kaya pinilit ko na lang siyang sa kitchen na nila kumain. She said it's dirty but I don't care. Hindi ako makahinga ng maluwag dito sa second floor.

Her maids prepare the table while Crista keeps on talking about school projects. She looks a nice woman to me but I know she's hiding her true self. The maids looks very afraid of her. Nanginginig pa ang mga kamay nila habang nagsasalin ng inumin kay Crista. I make an eye contact to them but they keep on looking away.

When two cold hearts met (season 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang