Chapter 1 : The Aftermath

139 18 8
                                    

Authors Note :

I just want to say that lahat ng mababasa nyo sa entire na story na ito is purely FanFiction, walang kinalaman ang lahat ng ito sa mga totoong buhay ng characters na mababangit, ito ay kathang isip lamang ng Author/Writer. Maraming salamat po.

-thearthe09-

Chapter 1 : The Aftermath

2 Years Earlier

Ohm's POV

After how many years na paghihintay at pagpapagod ay natapos ko na rin sa wakas ang blueprint na ginagawa ko, handa ko ng ipakita kay Mae ang future house namin, kung san titira kami at bubuo ng isang masaya at malusog na pamilya.

Kinuha ko ang susi ng kotse at lumabas ako ng office ni Dad. after kong matapos ang final touch ng project ko ay nag mamadali akong umalis, dala ang galak saking mga labi. Dali dali kong hinabol ang papasarang elevator at pinigilan ito gamit ang kamay ko,

"mukang maganda ang kalalabasan ng mga plano ko ah" nakangiting bigkas neto.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay nasalubong ko si dad.

"Ohm, San ang punta mo?" naka kunot noong tanong ng tatay ko.

"Sa school po Dad. Susunduin ko po si Mae" nakangiting tugon ko sa kanya.

"Mae, nanaman.. Diba sabi ko naman sayo, na iba ang kutob ko sa babaeng yan, bakit ba ayaw mong makinig sakin" galit na tugon nito.

"Dad, magaaway nanaman ba tayo? Iba si Mae dad.. At sure ako na sya na talaga ang huling taong mamahalin ko" mahinahon na tugon ko

"Pero ohm..." naputol ang sasabihin nya ng bigla akong sumabat at nag paalam sa kanya.

"Dad, see you later, mauna na po ako."

Dali dali akong umalis at sumakay sa loob kotse, Handa na kong sorpresahin sya at makita ang reaksyon ng babaeng mahal ko matapos nyang makita ang regalo ko sa kanya.

Makalipas ang ilang minutong maneho mula sa office papuntang Bankok State University (BSU) ay nakarating na din ako sa wakas, Di mabilang ang tibok ng puso ko, dahil sa pinag halong galak at nerbyos, Dali dali kong pinarada ang puting BMW kong kotse sa labas ng campus at kinuha ang blueprint sa likod ng kotse. Umalis na ko, matapos kong masiguro na naka lock nga ito.

Unti unti akong naglakad papunta sa room nila Mae, laking tuwa ko ng matanaw ko sya sa  corridor na tila may hinihintay, tatawagin ko sana sya ng biglang.

Napatigil ako sa aking nakita, nilapitan sya ng isang lalaki na ngayon ko palang nakita simula ng maging karelasyon ko si Mae, inisip ko na baka kaibigan nya lang ito kaya lumapit ako papapunta sa kanila, Ngunit sa di malamang dahilan ay parang may nag uudyok sakin na mag tago at panuorin muna kung anong gagawin nilang dalawa.

Lumapit ako at nagtago sa gilid ng corridor ng room nila habang hawak hawak ko ang surpresa ko para sa kanya, kahit na alam kong may iba akong nararamdaman dito, ay pinili ko paring pakingan ang pinaguusapan nilang dalawa.

"Mae, Pansinin mo naman ako" bigkas ng lalaki

"Ano ba? Lumayo layo ka nga, mamaya dumating na dito si ohm mahuli pa tayo eh" kinikilig na tugon neto

"Wala pa naman sya eh, Sakin ka na muna" lumapit sya sa leeg ni Mae at hinalikan ito.

"Tumigil ka nga, ano ba" nakikiliting tugon neto.

Dahan dahan akong lumapit sa kanilang dalawa, ang galak na dala ko kanina ay na palitan ng sakit at galit, pinipilitan kong pigilan ang pag agos ng luha ko, at nilakasan ang loob na nilapitan silang dalawa.

My Assistant, My Partner OhmFluke Fanfic (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon