Chapter 9 : He's BACK! [M RATED]

95 7 5
                                    

A|N:
Thankyouuu Guys!!! Chapter 9 na tayo.. Please keep supporting this Novel, mas marami pa pong mangyayari kay Ohm at Fluke, ngayong mas malapit na sila sa isat isa, abangaaan!!!

Chapter 9 : He's BACK

Matapos kumain ng CEO at secretary ng umagahan ay tumayo ang binata at nagpaalam sa amo na uuwi na. Pero agad agad na tumayo den ang CEO at pinigilan ang binata sa pagalis neto.

Tumingin ang binata sa direksyon ng lalaki, "Ano eat and run lang?" nagulat ang binata sa sinabi ng CEO, at napakunot noo ito. "Hindi po, Ako na po maghuhugas ng pinagkainan naten Tss"

Napangiti ang CEO sa inasal ng binata unti unti ng gumagaan ang loob nya sa lalaki, na para bang matagal na nyang kakilala ito, "Hindi yan ang ibig kong sabihin. " biglang hinila neto ang binata paakyat sa kanyang kwarto, habang hila hila ng CEO ang binata ay sya namang pilit na nagpupumiglas sa pagkahawak ng CEO sa kanya, dali dali sya netong pinapasok sa kanyang kwarto at pinaupo sa kama.

"Maghubad ka." Seryosong tugon ng CEO.

Napahawak sa dibdib ang binata, kung ano ano ng tumatakbo sa isip ng binata nung mga oras na iyon, nagiisip na sya ng paraan oara makatakas kung sakali mang gahasain sya ng CEO, napakunot noo ang binata at tumingin ito sa CEO ng derecho "Sir Ano po?"

Lumapit ang CEO at umupo din ito malambot nyang kama. "Sabi ko maghubad ka." tinulungan na ng CEO na hubadin ang pang taas na damit ng secretary pero nagpupumiglas paren ito.

"Sir ano po bang binabalak nyo, wala pa po akong experience sa ganyan. S-sir, virgin pa po ako" sigaw ng binata sa CEO habang nakatakip ito ng mukha.

Napatawa ng malakas ang CEO sa sinabi ng binata, lumapit ang CEO kay Fluke at binatukan ito sa ulo, "Ano pang pinagsasabi mo, ang sabi ko maghubad ka, at hahanapan kita ng damit at aalis tayo, ano bang nasa isip mo ha?" tuwang tuwang tugon ni Ohm sa binata.

Namula bigla ang mukha ni Fluke sa sobrang hiya at hindi na niya kayang makatitig pa ng diretso sa mga mata ng CEO, parang gusto na niyang lamunin siya ng lupa sa sobrang kahihiyang nadarama niya sa mga oras na yun. "S-sorry po, akala ko po kase.."

Chuckles.."Akala mo ano? Rereypin kita? Hahahaha, kung gusto kitang reypin, dapat kagabi ko pa sana ginawa."

"S-sorry po sir.." nahihiyang tugon ng binata.

Chuckles.. "Okay lang yun, atleast ngayon alam ko na.."

Napatingin ang binata sa CEO, "Alam nyo na po na ano?"

Chuckles "Na.. Virgin pa pala yung secretary ko" sabay kindat neto sa binata.

Parang literal na pinana ni kupido ang puso nya ng kindatan sya ng CEO, mas lalo syang namula ng biglang ngumiti ito sa kanya na parang anghel, nabura sa utak nya ang bugnuting CEO na una nya noong nakilala "Yaaahh!! Kayo palang po sinabihan ko nyan. Na reveal na yung isa sa mga  biggest secret ko." pasigaw na tugon ng binata.

Tumayo ang CEO at nagpunta sa closet nya, binuksan nya ito at naghanap ng kakasyang damit sa lalaki. "Makakaasa kang walang makakaalam ng Dark Big Secret mo, My Virgin Secretary" patawang tugon neto sa binata.

Kinuha ng CEO ang mga damit nya noong highschool pa sya at syang pinasuot ito sa binata, "Suutin mo to"

Kinuha ng secretary nya ang damit at nagpunta sa cr, "Oh bat dyan ka pa magbibihis, parehas naman tayong lalaki ah, At isa pa nakita ko na rin naman yang tinatago mo." chuckles..

"Yaaah! Manyak ka talaga! " Sabay sarado neto sa pintuan ng CR.

Nakangiti ang CEO habang nakatingin sa pintuan mg CR nya, ilang sandali pa ay naghanap na rin ang CEO ng damit na kanyang susuotin, kumuha ang CEO ng isang gray na longsleeve polo at isang Black na slacks sa kanyang closet, isa isa nyang hinubad ang pang itaas nyang damit at iniwan ang boxer neto..

My Assistant, My Partner OhmFluke Fanfic (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon