Chapter 6 : First Day

61 11 2
                                    


A/N:
Pasensya na kung masyadong mahaba ang pagpapakilala ko sa mga characters, pero, worth it naman diba?? Hahaha. Btw, Please Support my Stories, kahit konti lang kayong nagbabasa, na appreciate ko po lahat ng efforts nyo sa pag comment at pag vote every chapter, and again please understand po kung may mga typo at wrong grammar ako sa story, baguhang writter palang po kase ako, Please bear with me. 😭😭😭 thank you so much po. Special metion to ZeleeELF pa vote naman this chappie hahahaha. TYSM. 💙💙💙

Chapter 6 : First Day

Unang araw ng binata sa RPC, maaga siyang gumising at nagayos. Hindi siya pwedeng mahuli sa trabaho dahil isa yun sa pinaka ayaw ng boss nya. Kinain niya ang inihanda ng nanay nya sandwich at kape sa lamesa at dali daling umalis.

"Anak!! May nakakalimutan ka." sabay turo ng ina sa pisngi nito.

Dali daling bumalik ang binata sa ina at hinalikan ito sa pisngi. "Love you Maa, una na po ako baka mahuli po ako sa trabaho."

Nginitian ito ng ina at hinakawan sa ulo, "Sige na anak, galingan mo ah. Ingat sa byahe, l love you too."

Pagkatapos marinig ng binata ang habilin ng kanyang ina ay mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ang binata at hinabol ang unang shuttle ng service nila papuntang RPC.

Hingal na hingal na nakaupo ang binata sa gilid ng shuttle nila at masayang nakadungaw sa bintana habang iniisip ang kanyang pamilya, nasa kalagitnaan sya ng pag didaydream ay biglang sumulpot si Ohm doon. Muling bumalik sa mga alaala nya ang mapungay netong mga mata, matangos nitong ilong, at mapula nitong mga labi.

Hindi na nya nakalimutan ang mga yon simula ng lumabas sya kahapon sa office ni Ohm.

Naramdaman nya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso nya habang muling iniisip ang mga iyon.

Napailing nalang ang binata para bumalik ang kanyang ulirat. "Hindi pwede ito, makakasira lang ito ng focus ko sa trabaho. Ang goal ko ay makahanap ng trabaho, matulungan ang pamilya ko, at mapagtapos si Don yun lang walang lugar ang pagibig para sa mga katulad kong kapos sa buhay."

Napatingin sya sa ID na binigay ng secretary ni Ohm kahapon, hinaplos nya ito at isa isang nyang binasa sa isip ang mga nakasulat doon.

Name : Fluke Natouch Siripongthon
Position : Secretary
ID # : 552175

Maya maya lang ay tumunog na ang shuttle ng service, tanda na malapit na sila sa RPC. Inayos na ng binata ang kanyang mga dalang gamit at sinuot ang kanyang ID, at naghanda ng bumababa. Pag babang pag baba nya ng shuttle ay napa singhap ang binata, tinitigan nya ang buong straktura ng RPC at napangiti. "Sa wakas, makakatulong na ren ako sa pamilya ko. RPC here i come!"

Gustong maiyak ng binata sa sobrang sayang nararamdaman nya ngayon, dali dali syang naglakad papuntang entrance at dinikit ang kanyang ID sa sensor. Mas lalo syang namangha ng lumabas ang kanyang litrato at pangalan sa monitor kahit kahapon lang sya natangap dito. Naglakad sya at sumabay sa dagsa ng tao na pumapasok sa loob ng elevator.

Habang nakatingin ang binata sa floor numbering ay biglang may bumulong sa likod nya. "Congrats Fluke."

Nagulat ang binata at napalingon sa likod, "S-sir K-kao? Kayo pala, Salamat po."

Tumayo ng maayos ang lalaki at napangiti, "You look good today Fluke"

"T-thank you sir" napayuko at napangiti ang binata sa hiya.

Di makatingin ng maayos ang binata sa lalaki habang patuloy na inaantay na makarating sila sa 11th floor. Tila bumagal ang takbo ng oras nung panahon na yon at pakiramdam nya ay silang dalawa lang ang tao nung mga sandali na yon. Ilang sandali pa ay tumuntong na sa ikalabing isang palapag ang elevator.

My Assistant, My Partner OhmFluke Fanfic (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon