Chapter 17 : Hide And Seek

51 3 1
                                    

AUTHOR'S NOTE :

Maraming salamat muli, sa lahat ng nagbabasa Mapa Facebook man o dito sa Watty, Very much appreciated po. Thankyou talaga. Tara samahan natin Si Ohm, Fluke and the rest of the boys sa beach. 💕😅 Whoo!

-thearthe09-

Chapter 17 : Hide And Seek

Thursday Night palang ay nagaayos na si Fluke ng mga dadalhing gamit para sa Team Building nila bukas sa Chiang Mai, naghahanda sya ng damit for 3 days and 2 nights nilang pag stay doon, Minu-minuto nyang sinasabihan ang kapatid na si Don na bantayan maigi ang kanilang ina habang wala sya, dahil paniguradong panay gala lang ang aatupagin ng batang yon.

"Huwag ka ng magalala dito nak, kaya na namin ang mga sarili namin. Mag enjoy ka na lang dun" Bangit ng ina.

"Pero Ma.." Tugon ni Fluke.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Alam mo nak, deserve mo yang mag enjoy, sa dami ba naman ng stress na hinarap mo simula nang nagaaral ka palang hanggang ngayon.. sekretarya ka na ng isang sikat na kompanya dito sa bangkok, kailangan mo din huminga kahit papano nak" Bangit ng Ina.

"Oo nga kuya, Ako na bahala dito. Basta pasalubong nalang ah." Nakangiting tugon ng kapatid

"Siraulo ka talaga, Kahit kailan talaga di ka kumikilos ng walang kapalit" Bangit ng Ina.

"Joke lang naman ma eh." Bangit ng Kapatid.

"Salamat Don, Ma.. Dont worry, babalik din ako." Bangit ni Fluke

"Oo nak, magingat ka dun nak" paalala ng ina.

"Opo ma, kayo din po" tugon neto.

Madaling araw palang ay gising na si Fluke para ipaghanda ng makakain ang kanyang ina at kapatid bago sya umalis. Maaga din kase ang call time ng kanilang shuttle kaya di sila pwedeng ma late, Inayos nya ang kanyang sarili at kinuha ang damit na hinanda nya kagabi. Tinitigan nya sandali ang damit na susuotin nya at biglang sumagi sa isip nya si Ohm hangang ngayon ay di parin sya makapaniwala na sila na.

Pasado ala-sais ng umaga ng dumating sya sa RPC, nakaparada sa labas ng kompanya ang ilang mga bus na gagamitin ng mga empleyado, pumasok sya sa Bus #1 at naupo dun sa bandang gitna, pag pasok nya ay wala pang mga taong nakasakay. Kinuha nya ang earphones nya sa kanyang bag at umidlip muna sya saglit, Naalimpungatan lang sya ng maramdaman nyang parang may nakatayo sa harapan nya, dahan dahan nyang dinilat ang mata nya at nakita nya sa harap nya ang nakangiting si Ohm,

"Ohm!? Bat andito ka? Akala ko babyahe ka ng sarili mo?" gulat na tanong neto.

"Hindi, gusto ko kasama kita eh." nakangiting tugon neto sabay upo sa tabi nya, kinuha ng CEO ang kabilang piece ng earphone ni Fluke at nilagay sa tenga nya

"O-ohm? Baka may makakita" pag-aalala ni Fluke

"Wala pa namang tao eh. Matulog ka na muna maaga ka atang nagising eh" pinahiga ni Ohm si Fluke sa balikat nya at parehas silang umidlip saglit. Ilang oras lang eh ay dumating na rin si Kao kasama si Earth at iba pang nga katrabaho nila, naunang umakyat si Kao sa Bus, nagulat sya ng makita nya si Ohm at Fluke na tahimik na natutulog sa bus habang magkapatong ang ulo sa isat isa. Napatingin sya sa mga papasok na ring mga katrabaho nila sa bus.

"SAGLIT!!" sigaw ni Kao.

"May joke ako!" Pagpigil ni Kao sa mga aakyat.

"Dito talaga Kao? Sa entrance? kung kelan papasok na kami" bangit ni Earth.

"Oo nga kao, tsaka pwede ba ang cocorny naman ng mga jokes mo eh." sabi ng mga kasabay nilang mga katrabaho.

"Ano ba hahaha, para nga MAGISING KAYO diba." diniinan talaga ni Kao ang pagsabi ng magising at maalimputangan sina Ohm at Fluke na tahimik paring natutulog sa may upuan.

My Assistant, My Partner OhmFluke Fanfic (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon