Chapter 3 - This is the start!

16.8K 255 17
                                    

(EDITED)

Chapter 3 - This is the Start!

Lyn's POV


Napahikab ako at nag unat-unat ng katawan habang nakapikit parin ang mata ko. Kahit inaantok pa ako ay tumayo na 'ko para mag exercise ng kaunti at maligo. Pagkapasok ko ng banyo ay tinanggal ko na ang mga damit ko at nag bilang hanggang sampu bago ko kinuha 'yong tabo na may laman ng tubig at binuhos ko mula sa ulo ko.

"Ahh!" Napatili ako dahil sa lamig.

Mukhang nawala na talaga ang antok ko dahil do'n! Ang lamig sobra! Grabe! Ganu'n ang gawin niyo every morning talagang mawawala ang antok niyo kung gagawin niyo 'yon! Effective 'yon, pramis! He-he.

Pagkatapos ko maligo syempre naglagay muna ko ng lotion, nag bihis at kung ano-anong orasyon pa ang ginawa ko bago lumabas. Pagkababa ko mukhang wala pang gising, napatingin ako sa wall clock 5:30AM palang kaya pumunta nalang ako sa kusina para magluto! Yes! Tama ka ng basa! Malinaw pa ang mata mo. Let's clap clap clap!

'Di naman porket anak mayaman ako ay hindi na ako marunong magluto. Dahil bata pa lang ako nagpaturo na ako kay mommy kung pa'no magluto. Akalain mong tinuruan ako mag prito! Basta mga lutong prito then paunti-unti hanggang sa medyo marunong na rin ako mag luto ng ibang mga potahe. Wag niyo ng tanungin kung ano ang mga iyon. Dahil mas enjoy ko ang pagbe-bake ng cupcake, cookies, cake..etcetera.

"Goodmorning Tita & Tito." narinig ko kasi na parang may bumababa ng hagdan kaya hindi na ako nagkamali na sila nga iyon. Walang mumu dito! Napatingin ako sa paligid. Teka! Wala naman akong nararamdaman na kakaiba kahit medyo malamig dahil umaga palang naman.

"Goodmorning din. Wow! Maganda yata ang gising mo ngayon hija," sabi sakin ni Tita.

"Hindi naman po masyado." Nginitian ko naman siya. "Saka pasensya na po kung nangialam ako rito sa kusina." Hinging paumanhin ko.

"Okay lang 'yun, hija."

"Ikaw ba nagluto ng lahat ng ito, Lyn?" tanong ni Tito.

"Uhm, opo sige po tara kain na po tayo." nakangiti pa ko niyan at itong Niel na 'to na kakababa lang parang 'di makapaniwala na marunong akong magluto. Okay! Pagbigyan talagang hindi manlang ako hinintay makaupo bago siya umupo! Bwiset ka talaga Niel! Ehem. Hindi pala dapat akong umasa na paghihila niya 'ko ng upuan.

Ang ayaw ko lang sa seating arrangement namin ay katabi ko siya at kaharap namin sila Tita at Tito. Tss! Sipain ko 'tong katabi ko eh. Ang sama ng tingin sakin ng bruho! Tinignan ko rin ng masama! Hmp! Kala niya ha!

"Oh! Ito na baby. Ang bango naman ng garlic rice na niluto mo," sabi sakin ni Niel at iniumang sakin 'yong kutsara niya na may lamang garlic rice at hiniwa niyang bacon.

Aba! Medyo sinipa pa 'yong paa ko na parang sinasabi niya na maki-join ka nalang! Oo nga pala may usapan kami. Yari ka sa'king lalake ka!

"Wow! Ang sweet naman ng baby ko," nag ngiting pilit ako, "Thank you." Imagine! Nilagyan lang naman niya ng garlic rice and bacon itong plate ko. Kaya ganun din ang ginawa ko!

"Ang sweet niyong dalawa. Pero sana hindi lumagpas sa pagiging ganyan. Mga bata pa kayo." paalala ni Tita. Ngumiti pa siya ng pasimple at alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. As if naman! Hmp! Hindi naman ako ganu'n ka-inosente sa mga bagay na 'yon. Pero 'wag kang malisyoso, wala pa 'kong experience. Sadyang open-minded lang ako.

Naku! Kung ito lang makakatuluyan ko Tita siguro lumulutang na ako ngayon sa ilog Pasig. Teka! Parang kadiri yata pag ganun sige diretso na burol! Dapat color pink 'yung coffin, and puro rose na color white and red ang nasa paligid. Gusto ko rin na may red carpet at may mga white petals na nandoon. Lastly, gusto ko may standee ako. Dapat maganda ako parang pang model ng isang sikat na clothing company sa bansa. Napapoker face pa ako niyan habang iniisip ko 'yan.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon