Chapter 39 - Without Him :(

7.7K 117 11
                                    

Chapter 39 - Without Him :(



5 days passed...



Pumunta ako ulit sa kung saan ako nakituloy noong panahon na umalis ako sa amin. Kila Tita Sally. Kumatok muna ako dahil ayoko naman na pumasok agad. Iba na kasi ang ngayon sa noon.



"Lyn, hija. Bumalik ka." niyakap niya ako at niyakap ko rin naman pabalik si Tita. "Miss ka na namin ng Tito mo. Halika pumasok ka muna."



"Napadaan na rin ako dito Tita kasi gusto kong pumunta banda sa may Park."



"Namimiss mo na talaga siya ano?" tumango lang ako. "Hija, naniniwala ka sa tadhana?"



"Hindi po."



"Alam mo ba kami niyan ng asawa ko marami kaming napagdaanan nung magboyfriend-girlfriend palang kami niyan. At nagkahiwalay na rin kami niyan. Kaso ayun tadhana na siguro ay may kagagawan kung bakit kami nagkita ulit."



"Ang swerte niyo naman po kasi nagkita kayo ulit. Eh kami ng pamangkin niyo di ko alam kung babalik pa kami sa dati o hindi na."



"Magtiwala ka lang Lyn. At wag mong kalimutan magdasal sa panginoon dahil baka tuparin niya ang hiling mo na sana kayo nalang ni Niel habambuhay.."



"Sana nga po..uhm, Tita kapag bumalik na po si Niel at pumunta dito pakibigay po sa kanya to."



"Oh! Ito ba ung isa sa regalo mo sa kanya noon? Naku! Ung batang yun proud na proud sabihin samin na binigyan mo daw siya ng regalo pero alam mo nakapagpasaya talaga sa kanya.. yun ung makasama niya sa mahalagang araw ang mahal niya."



Napangiti nalang ako ng pilit..



"Sige po tita babalik nalang po ako mamaya dito.."



>> FASTFORWARD



Ganun parin dito sa Park, marami paring puno at may mga batang naglalaro parin. Naalala ko bigla si Carl dahil malapit lang naman daw ang bahay niya dito.



Umupo muna ako sa isang bench malapit sa puno. Dahil lagpas ala dos palang ay mainit parin.



Naalala ko tuloy ung nag picnik kami dito ni Niel.. pati ung mga napagusapan namin noon..



[ FLASHBACK... ]



"Ahm..Niel..can I ask you something? Pag nag sinungaling ba sayo ang isang tao at balang araw nalaman mo ang totoo, magagalit ka ba?"



"Depende. Kung ung taong mahal ko may mabigat na dahilan at nagsisinungaling sakin syempre magagalit ako kasi hindi niya ako pinagkatiwalaan pero kung ibang dahilan naman I accept it."



* * *



"Niel..hindi pa naman ako aalis..saka matagal pa nuh..don't worry bago ako umalis panigurado inlove na ko sayo.." ngumiti ako sa kanya at kinurot siya sa pisngi.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon