Chapter 27 - Change Partners

9.1K 136 19
                                    

A/N: Nung pinost ko na ung sa chapter 26 nung isang araw di ko nalagay ung picture ni Celine Nustre kaya ngayon ko lang nalagay..by the way ung mga Extra Characters ko dito may sariling story, hindi pa sa ngayon pero baka sa BER Month nalang.. ^_^

Guys! Please support my new story "My Playboy Crush" nasa side ung link..

Dedicated to venessa_aiyven or annyeong_ayen

__________________________________________________________

Chapter 27 - Change Partners



Today is a wonderful day…nandito kami ngayon sa private resort ng isang kakilala nila Celine. Pagdating naming dito kasama silang dalawang magkapatid nagulat pa ako kasi nandito sila Paul, Francis, Lance, Adrian, Clark at Christian.



Syempre nandito rin ung mga girls na kilala ko na sina Aya, Yuna, Eliza, Cyan, Brianna, Natalie, at Tricia. Pero ung iba hindi ko na kilala mga friends na ni Celine yun.



“Thanks guys for coming here. Im glad na free kayong lahat ngayong araw at baka umabot tayo dito till next week. Okay lang naman yun sa inyo diba?” tumango-tango nalang ang iba sa amin.



“Sorry were late.” Boses ng lalake. Napatingin kaming lahat sa kung sinong dumating. Parang lahat ng atensyon ay napako sa dumating.



“Niel, your twin brother.” Tumango lang tong katabi ko na si Niel na parang wala lang sa kanya kung nandito man ang kapatid niya. At may kasunod ito na babae na tinanggal pa ung shades.
“And Pollyanna..” mahinang sabi ko saka ako tumingin kay Niel na parang nabadtrip.



“I think kulang pa tayo ng isa and it’s Alexa. Lyn’s bestfriend.” Nakangiting sabi ni Celine.



“Sorry if im late!” nagmamadaling pumasok si bhest papasok at parang nastuck na dun malapit sa pinto ng makita niya si Nick na hindi naman siya pinansin.



“Kumpleto na pala tayo. Start na ng bunutan!” sabi ni Francis. Isa rin to sa maingay sa kanilang magbabarkada eh.



“Okay guys! Kaya tayong lahat ng girls ay magbubunutan eh kung sino ang mabunot natin siya ang makakasama niyo sa room and ung nabunot niyo partner niyo sa mga activities na gagawin natin dito. Para hindi tayo masyadong mabored. Game?”



“Game!” sabay-sabay na sigaw nila mas excited pa ung mga boys eh hindi naman sila bubunot at kaming dalawa lang ni Niel ang parang ayaw sa ganun. Sana mabunot ko si Niel..



Alexa POV



Ganda ng entrance ko kanina! Ako pinakalate. Pagpasok ko palang nakita na agad ng aking mata si Nick! *u*


Alam ko na may kakambal siya nung pumunta kaming Olongapo sa bahay nila Tricia sinabi na sakin ni Lyn na maling tao ung nayakap ko nun.



Sana mabunot ko si Nick..Lord, chance ko na to! Kahit di niya ako pinapansin okay lang..wahaha! Pero gagawin ko lahat mapansin niya lang ako. Kaya ko to!



Pinauna na muna ni Celine ung 20 girls na hindi naming kilala and ung partner nila ay mga barkada din nila at naka assign sila dun sa kabilang beach house na dalawang pinakauna.

HousemateWhere stories live. Discover now