Chapter 14 - His Birthday (Part 1)

11.8K 183 12
                                    

A/N: Bawe ako ngayon dahil nung march 24, 25, & 26 wala akong Update eh..hehehe! Sensya na hirap kasi magkaroon ng Writer's Block. Ayaw ko naman pilitin mag update kasi papanget lang ung mataType ko pag ganun. Kaya eto na! BDAY NA NI NIEL JOSEPH FADELL! HIHI! ^_____^

Dedicated to jinbeans thanks for making my book cover..

~ sa iba..request lang kayo sa kanya habang pwede pa. ;))
__________________________________________________________



Chapter 14 - His Birthday



Full Name: Niel Joseph Villanueva Fadell
Age: 22
Birthdate: March 27, 1991



Kinabukasan maaga kaming nagising nila Tita Sally para magluto. Syempre bilang girlfriend este fake girlfriend syempre kailangan ko tumulong. Baka sabihin nila na ung GF ni Niel di marunong magluto! =_____=



Kakahiya naman yung ganun! Kaya kayo mga girls habang bata palang mag aral na magluto para rin sa inyo yan para matuwa nanay ng boyfriend niyo sa inyo. BOTO agad! Echus! HAHA!



Or kaya naman wag kayo magBoyfriend ng marunong kumain kung hindi lang rin kayo marunong gaano sa pagluluto. Okay mamaya na chika about sa ganyan seseryusohin ko muna tong paggawa ng fruit salad. ^_____^



*BOOOGGHHHSS!!*



O_____O Lahat kaming nandito sa kusina napatigil sa ginagawa maski si Tito na papainum palang ng kape napatingin sa kisame.



"Tricia, pakitingin ka muna ung niluluto kong sauce ng spaghetti baka masunog. Halu-haluin mo konti. Titignan ko muna ung iba sa taas baka kung napano na ung mga yun." sabi ni Tita Sally.



Ung limang girls nandun sa isa pang guest room na hindi naman ginagamit kaya nilinis nila yun kahapon. Yung apat na boys dun natulog sa kwarto ni Niel at kagabi rinig na rinig pa naming tatlo nila Tricia at Aya na nagkakagulo sila dun sabay tahimik yun pala sinita na sila ni Tito. Hehehe!



Oo nga pala may mga bisita pala si Niel na dalawang pinsan at the rest is classmates ni Tricia at sinabi niya rin sakin na ung dalawa kahapon pa pinagpapantasyahan si Niel habang wala ako. >___<



"Oy! Lyn, dahan-dahan lang paghalo sa fruit salad baka malamog ung mga maliit na fruits diyan, dont worry MAHAL ka nun..hehe! ^___^V" -Tricia



Napangiti nalang ako sa sinabi niya at nilagay ko na sa freezer ung Fruit Salad. Sunod naman na ginawa ko minix ko na ung ilalagay para sa lumpiang shanghai.



"Grabe! Ung isang pamangkin ko lang naman yun saka ung isang classmate nitong si Tricia mukhang nagbubugbugan yata. Loveteam na ung dalawang yun. hihihihi!" -Tiya Sally



Nagkatinginan kami ni Tricia saka bumungisngis. Malamang si Paul na pinsan ni Niel at si Aya ung nagaaway dun sa taas.



"Goodmorning! Tito, Tita, Tricia couz and Lyn na labs na labs ni Kuya Niel! ^_^" ngiting-ngiti na sabi samin ni Aya. Habang kasunod niya si Paul na mukhang badtrip!

HousemateWhere stories live. Discover now