Kabanata 1

198 4 0
                                    

Kabanata 1

Cookies


Malinaw ko pa ring naaalala ang unang araw na makita ko siya. Nakaharap ako sa salamin ng aking kwarto dahil inaayusan ako ni Manang Budang. I was only seven years old with no friends around me at ang tanging meron ako ay ang mga pinsan kong nasa kalapit na lalawigan. Most of them are in Naga and Legazpi kaya't wala akong makalaro bukod sa mga papel kong manika.

''Ayan, hija. Maayos na ang pagkakatirintas ng buhok mo. Bumaba ka na at hinahanap ka na ng Daddy mo. Nasa baba na ang mga bisita ninyo,'' aniya pagkatapos ay ginawaran ako ng ngiti.

Tumango ako at tumayo na pagkatapos. Walang espesyal na okasyon ngunit may bisita sina Daddy. I was told to prepare that's why Manang helped me with my hair and clothes. Isang dilaw na dress lamang ang suot ko ngayon.

Ayoko sanang bumaba dahil mas gusto kong maglaro ng mga papel na manika. I have fascinations with paper dolls that's why I prefer playing it than socializing with Daddy's friends. Ngunit ilang beses na akong kinatok kaya't nagpatulong na ako kay Manang upang mag-ayos.

''Manang, wala po ba akong makakalaro sa baba?'' tanong ko sa kanya bago bumaba.

Ngumiti siya sa akin habang hawak-hawak ang walis. ''Mukhang wala dahil wala namang anak na babae ang bisita. Kung tapos ka nang kumain at ayaw mong manatili roon, pwede ka munang pumunta sa pool area ninyo.''

Ngumuso ako at malungkot na bumuntong hininga. Gustong-gusto ko na makita ang mga pinsan ko para naman ay may makasama ako ngayong bakasyon. Its summer and all I did was to swim and play with my paper dolls. Its kind of boring me already..

Tinahak ko na ang daan pababa sa aming staircase. I can hear people laughing on our dining table, mukhang nagkakatuwaan na. Siguro ay iyon na ang mga bisita ni Daddy.

Nang tuluyan na akong nakababa ay agad akong nakita ni Mama. She waved her hand when she saw me walking down. She's wearing a white formal dress along with her pearl necklace. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo.

''Mabuti at agad kang natapos, Shalla.. Tara na't ipakikilala kita sa bisita ng Daddy mo.''

''Ma.. pagkatapos po nito, pwede bang papuntahin natin sina Claudualda rito? Sawa na po ako sa mga nilalaro ko, e. Wala rin namang gustong makipaglaro sa akin sa labas.''

Claudualda is my cousin. Tuwing bakasyon ay rito sila namamalagi ngunit ngayong taon ay mukhang hindi sila makakapunta. We used to play with the chickens and dogs in our farm but this year, it is very certain that they can't visit us.

She genuinely smiled as she tapped my shoulders. ''Susubukan ko, ha? Busy pa ang Tita mo sa negosyo niya sa Nag base sa huling pag-uusap namin. Pero kakausapin ko. I'll try, okay?''

Tumango ako at ngumiti. Nang makarating kami sa mesa ay tatlong tao ang naabutan ko. Si Daddy, isang lalaking kaedad niya, at batang lalaki na nakatingin sa akin at nakangiti. He waved his hand at me.

Imbis na suklian siya ng ngiti ay umupo na lamang ako sa tapat niya, hindi siya pinansin. Malungkot pa rin ako dahil mukhang hindi maganda ang bakasyon ko dahil wala si Claudualda. Paniguradong dito lang ako sa mansyon buong bakasyon. Mukhang kailangan kong pagtiisan ang nakakasawang paper dolls kahit paborito ko iyon.

''Ito na ba si Shallany? Aba at ang laki na! Parang kailan lang!'' masayang sabi noong kaibigan ni Daddy.

''Shalla, magmano ka..'' rinig kong bulong sa akin ni Mama.

Matipid akong ngumiti at tumayo upang magmano sa kanya. He tousled my hair. ''Ang laki mo na, hija! Magkaedad lang ba kayo nitong si Alejandro?''

Tumingin siya sa batang lalaki. Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi ko naman kilala iyon. He's still smiling. Nakapolo shirt ang bata at maong na pantalon. He's moreno and his facial features are sharp and well made. Gusto ko sanang gawaran din ng ngiti ngunit hindi ko talaga siya kilala at abala ako sa pag-iisip sa magiging bakasyon ko.

To Lie On The Dust (Nueva Caceres  #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon