Wakas

241 4 0
                                    

trigger warning: self-harm, death

Note: Listen to Sa Susunod na Habang Buhay by Ben&Ben.

---

Wakas

Two weeks after Daddy's burial, Mama killed herself.

Sa gitna nang pagluluksa at paghihinagpis ko ay naabutan ko na lamang siyang nakabigti sa kwarto nila ni Daddy, wala ng malay. It was the toughest time of my life. Nawala sa akin si Alejandro. Namatay si Daddy at si Tito Ayi.. at matapos ang dalawang linggo ay sumunod sa kanila si Mama.

I had no time to mourn enough for my dead father, uncle, and my beloved friend. Because Mama decided to end her life, too. Simula nang mawala sila ay para bang naghihintay na lang ako ng balita na may susunod ulit na mawawala sa akin. Because that's what their death made me feel. That everyone around me will leave me.

That I would end up being alone.

At pagkatapos ng isang sakit, mayroon na naman ulit.

Totoo nga ang sinabi niya na sasama siya kay Daddy. Na susunod siya sa kanya. I never thought that she could do that. Because all along I thought that she can manage, because that was what she said to me. But she did not. Umalis din siya.. sumama sa kanila..

Iniwan akong mag-isa.

Lahat sila, iniwan ako.

Mag-isa.

I grew old thinking about the lives I wasn't able to protect. Paano kung hindi natuloy si Daddy at Tito Ayi sa city hall? O kung.. kung hindi sumama sa kanila si Alejandro? It was inevitable for Daddy and Tito to go because they planned it for a year. Kung hindi ba sumama ang kaibigan ko.. may matitira sa akin? Paano kung hindi sila nawalang tatlo? Paano kung.. kinaya ni Mama?

The pang of pain in my chest grew larger. I grew old living in pain. Living in regrets. And living in agony with the hopes that all of these are just my dreams..

But it's not. 

Sa ilang dekadang lumipas ay nagawa kong umusad sa pagkawala ng aking mga magulang. Cladualda then told me that our parents are bound to leave us. That they are destined to go first. Na ang mga magulang ay may hangganan din ang buhay. Na ang pagiging magulang ay may limitasyon.

I accepted that. It was hard at first, but I was still able to move forward. 

But the most painful part.. is the process of moving on from the death of my bestfriend.. whom I love the most. Sa sobrang sakit, dinala ko hanggang sa pagtanda ko. Na kahit na'y pitong pu't lima na ang edad ko ay binabagabag pa rin ako ng nakaraan. Binabagabag pa rin ako ng mga tiyansang sinayang ko. Para iyong pangalan na nakatatak na sa akin habang buhay. Nakakalason. Nakakatakot.

It was so painful that in every day, I made sure to find a way just to divert my attention. But like the other days, I would end up failing. Ang sakit-sakit maalala ang mga araw na hindi na maibabalik. At ang mga araw na sana'y oportunidad para mapakinggan ang nararamdaman ko.

Buried feelings really do grow. And along with it is the pain I will eternally carry with me because of the supposed chance I lost. 

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata habang niluluto ang paboritong sinigang na hipon ni Alejandro. Sa mga nagdaang taon ay natutunan kong magluto at magustuhan ang seafood dahil pakiramdam ko, sa mga ganitong bagay ko siya maaalala at makakasama. Sa mga paborito niya, sa mga hindi niya gusto, at sa mga pinagsamahan naming dalawa.

If I could remember him through the memories he left to me, then I will carry it until my last breathe.

''Ella..'' mahinang tawag ko. 

To Lie On The Dust (Nueva Caceres  #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon