Kabanata 2

63 6 0
                                    

Kabanata 2

Getting Along


Summers and school days passed. High school na kaming dalawa. Mas dumalas ang pagdalaw niya sa mansyon dahil mas malaya na siyang gumalaw kumpara dati na bahagyang mahigpit dahil kailangan ng bodyguards. Ngayon ay madalas niyang dala-dala si Almandro, ang kabayo niya.

''Maaga ka ba pupunta rito?'' tanong ko habang hawak ang telepono.

Today is my 16th birthday. Malaki-laki ang selebrasyon kaya't abala ang lahat. Bukod kasi sa ilang prominenteng pamilya, dadalo rin ang ibang may-ari ng malalaking negosyo rito sa Sorsogon. Daddy wanted it to be grandand luxurious that's why he is preparing so much. Kahit ang garden at pool ay inokupa at nilagyan ng kung ano-anong disenyo para sa mga bisita.

''Gusto mo ba? Nahihiya ako sa costume ko, e,'' tawa niya. Ramdam ko ang pag-aalinlangan doon.

I laughed. Costume party ang napag desisyonan kong theme para sa kaarawan kong ito. Noong una ay hindi iyon nagustuhan ng mga magulang ko dahil inisip nila ang mga bisita ngunit kalaunan ay tinanggap na rin. S'yempre, ako naman ang magbi-birthday.

I have always wanted a costume party and I guess this is the right time for it! Iniisip ko pa lang ang kung ano-anong suot ng mga bisita ay natutuwa na ako.

I wonder what will Alejandro wear? I'll be a cowgirl tonight so.. Ano kaya ang susuotin niya? I'm sure he will look good with a cowboy costume too but.. maybe he has another thing on his mind? Hindi ko alam dahil hindi naman namin napag-usapan.

''Bagay naman sa 'yo ang kahit anong isuot mo,'' I laughed. ''Ayos lang naman kung sasabay ka na kay Uncle Ayi.. Basta tumawag ka kung papunta ka na, ha?''

He chuckled. ''Syempre. I can't wait to see you, Shallany.'' I heard him whispered. ''Ibaba mo na.''

Pagkatapos niyang magpaalam ay binaba ko na ang telepono. I happily turned my back so I can go to our garden to see how the decorations were made. I was so excited for this day to come and now its happening!

Halos magpormang puso ang mata ko nang nakalabas. The mediterranean themed design of our garden exudes class and elegance. With the lemon trees and yellow blooms such as sunflowers and yellow bells scattered around the area, our garden looks beautiful as ever. Sa gitna ng mga iyon ay ang mahahabang mga mesa para sa mga bisita.

If the darkness consumes our garden, I am sure it will look magical. May mga ilaw na nakalagay sa lemon trees at ang mga iyon ang magbibigay ng liwanag mamaya.

Magaling talaga sa ganitong bagay si Mama. She planned and arranged all of these alone and I can't help but to praise her because it turned out really well.

I can't explain how excited I am anymore. Mas lalo sigurong gaganda rito kung maraming bisita. Kaso lang ay.. karamihan naman doon ay hindi ko kilala.

My cousins are already here and are staying on a hotel but they will be outnumbered by the other guests, I'm sure. At.. nandyan din si Alejandro. I may not know most of my guests but atleast he will be here, right?

Bumalik na ako sa aking kwarto para magbihis. Agad akong naligo dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang party. I badly want to look presentable tonight so I did my very best to clean up.

Isang brown leather skirt, white off shoulder top, at knee high boots. Naglagay na lamang ako ng mahahabang kwintas para mas mukhang cowgirl ang istilo.

Habang inaayos ang hikaw ko ay pumasok si Manang Budang kasama si Elaine na isa ring kasambahay. She will be doing my make up today. Nahihilig kasi siya roon at naalala ko pang iyon ang gusto niyang iregalo ko sa kanya noong pasko. I gave her some because she really wanted to help. Mabait si Elaine at madalas akong samahan tuwing wala pa si Alejandro.

To Lie On The Dust (Nueva Caceres  #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon