Kabanata 10

121 5 0
                                    

trigger warning: death

---

Kabanata 10

''Shalla, hija.. Bumangon ka na.''

Ang dapat na pag-idlip ko ay naging tulog. Hindi ko namalayan ang oras at naalimpungatan dahil sa lakas ng tunog mula sa sirenang pumapalibot sa mansyon. Agad akong napapikit at napahawak sa tenga matapos kong buksan ang mata.

''Shallany.''

Tumalikod ako, hindi pinansin ang tumatawag.

''Shallany. Tumayo ka na riyan.''

Muli kong binuksan ang mga mata upang tignan kung sino iyong paulit-ulit na tumatawag sa akin at naabutan si Manang Budang na nakaupo sa dulo ng kama ko, idagdag pa ang nakakapanibagong tunog ng sirena na bumibingi sa akin. Napabangon ako nang wala sa sarili ang utak.

''Magbihis ka. Tumayo ka na riyan. Magpalit ka ng damit at mag toothbrush.''

''Huh?'' lito kong sambit at napakunot ng noo.

Mas lumakas ang tunog ng sirena kaya't napapikit akong muli. Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Manang papunta sa kung saan. Wala pa ako sa sariling ulirat nang ipinasok niya ako sa banyo ng kwarto ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

''Magbihis ka na, Shalla. Ihahanda ko na ang susuotin mong damit. Bilisan mo at hihintayin kita,'' aniya, seryosong-seryoso. Tumalikod siya sa akin at mabilis na lumabas ng banyo, tila nagmamadali.

Hindi ko alam kung bakit ngunit agad-agad kong sinunod ang gusto niya. I don't know if it's because I just woke up or it's the adrenaline talking that's why I immediately obeyed her commands. Namalayan ko na lamang na nagsisipilyo ako at naghihilamos. Nagpalit na rin ako ng damit at hinubad ang pangtulog ko. I don't feel anything at all aside from the rush.

Nang matapos ay lumabas na ako sa kwarto upang hanapin sana si Manang ngunit ang naabutan ko ay ang pagkadami-daming bodyguards. Napaawang ang labi ko. Agad kong naalala si Daddy at ang mga Escudero. Lalo na ang kaibigan ko.

Mabilis akong bumaba sa staircase at kung marami na ang bodyguards sa taas, mas lalo na sa unang palapag. Miski mga pulis at sundalo na may bitbit na mga baril ay nakapalibot sa mansyon. They were all alert as if something bad is going to happen. Agad na hinanap ng mga mata ko ang mga magulang at ang Escuderos, ngunit wala akong makita miski ang anino nila.

Fear and nervousness crept into me that my legs almost trembled. Ang gulo-gulo ng paligid, malayo sa dating tahimik ngunit masigla naming tahanan.

''Shalla! Halika na!'' kumaway si Manang na nasa pintuan, sa harap niya ay may naghihintay na sasakyan. Mas lalo akong nalito sa nangyayari.

''Manang, si Mama po?'' tanong ko.

''Pupuntahan mo, hija. Halika na't pumasok na tayo sa sasakyan,'' aniya na tila balisa. Tinapunan niya ng tingin ang dalawang guard na sumunod sa akin nang lumapit ako sa kanya at saka niya tinanguan, tila may pinagkasunduan.

''Si Daddy po? Ang mga Escuderos, Manang? Dito ba sila naghapunan?'' muli kong tanong.

Naghintay ako sa kanyang sagot ngunit wala akong narinig. Kumunot ang noo ko at napakurap dahil sa kawalan ng sagot.

''Sana ginising ninyo ako. Napagod lang ako kagabi pero kaya ko pa namang bumaba. Nasaan po sila? Kasama ba si Mama?'' pangungulit ko, desperada sa sagot. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa bodyguard ngunit katulad noong una ay wala akong narinig. Tumungo lamang siya at tila nahihirapang bumuntong hininga.

Nagsimula silang maglakad kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Everything around me is chaotic, and Manang is acting really, really strange and unusual. Ang kaba at takot sa dibdib ko ay nagkahalo-halo na na hindi ko na alam ang dapat maramdaman. Ang gulo-gulo. Ang dami kong katanungan.

To Lie On The Dust (Nueva Caceres  #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon