Checkpoint 5

21 5 21
                                    

Preparation

May 22, 2019
Wednesday
1:45pm
Barracks; Open Field.

"PINATAWAG KO kayong lahat dito dahil nakatanggap tayo ng isang mahalaga at mabigat na misyon mula sa ating Heneral! This involves your braveness in dealing with our enemy, your conviction to serve the country, and your ability of taking high risk in the middle of the battlefield. . ."

Pabalik-balik na naglalakad si Colonel Levi Salvador sa harapan ng kan'yang mga nasasakupan habang ang mga kamay ay nakatago sa likod.

Isa-isa na ngayong nilalagyan ng mga bala ang kanilang mga high caliber guns and rifles, pati ang mga dagdag na mga magazines ay nilalagyan na rin ng mga bala. Lahat ng mga armas ay ipinasok na nila sa isang travelling bag kasama ang iba pang dagdag na mga magazines ng baril na puno na ng mga bala. Sa isa naman bag, naroon lahat ng mga pampasabog; gun powders, granada, landmines at kung anu-ano pang mga kakailanganin ni sa bakbakan papunta sa Frontline base.

" . . . I need men whose brave enough to take this responsibility with me and as clever as you could be so that we couldn't be outwitted by those freaky creatures. Well, an animal will always be an animal. If they have their own instinct, we have our minds to conceive. Ayaw ko ng tatanga-tanga at babagal-bagal dahil ilalagay lang n'on ang Team sa panganib.

Kinakailangan ko sa tropa ang mga sumusunod: snipers that's also good in short range, soldiers good in close combat, mga magagaling sa hand-to-hand fighting at mga medical officers na magaling din pagdating sa pakikipaglaban . . ."

Saka isa-isa nang binanggit ni Levi ang mga sundalong sasama sa Alpha Team na nakasulat sa hawak niyang clipboard.

Another traveling bag was all medical kits and tools for medical officers. Fifteen traveling bags for their guns, ten bags for their explosives, and six medical bags. Tig-iisang backpack naman sa mga sundalong sasama sa Alpha Team na may laman rin sarili nilang mga baril, magazines, explosives at emergency kit. Naroon rin ang kanilang mga teknolohiyang gagamitin para mabilis lang silang makipag-ugnayan sa Headquarters. May dalawa namang mahahabang baril ang mga snipers; the one was for average shooting range, while the other was for their specialities as snipers of the Team, long range high caliber air rifle.

". . . Lieutenant Colonel Gilbert Bavina, Lieutenant Colonel Shelton Garido, and Major Shunsuke Haisaki. Kayo ang kukumpleto sa snipers. Next, hand-to-hand combatants . . ."

Ilang high caliber guns and pistol naman ang para sa mga short range shooters na nakalagay naman sa kanilang belt bag.

" . . . at ikaw ang kukumpleto, Major Felix Martines. Ang susunod na tatawagin ko ay ang mga Medical Officers. . ."

Maliban sa mga traveling, sariling backpack at mga baril, may tig-dalawang hunting knife ang mga sundalo na nakatago sa kanilang hita at binti kung sakali mang hindi sila agad maka-reload ng kanilang mga baril.

". . . Lastly, Captain Aether Gallente. Lahat ng mga sundalong hindi ko nabanggit at hindi kasama sa Alpha Team, p'wede na kayong umalis at bumalik na sa mga departamento ninyo."

Ang mga sundalong natitira sa field ay gumawa naman ng pormasyon sa harap ng kanilang Commander.

Ang marinig lang ni Levi na sabihin sa sariling siya ang Commander ng Alpha Team, ay pumupukaw sa isa niyang katauhan na matagal-tagal na ring nananahimik sa isang tabi; ang Colonel Levi Salvador na hayok pagdating sa pakikipaglaban sa mga mas maraming kalaban.

St. Agustin Hospital | ON-GOINGWhere stories live. Discover now