Checkpoint 12

13 4 8
                                    

The Survivor

May 23, 2019
Thursday
8:18 pm.
Forty-Six meters from the Frontline Base; seventy-three degrees northeast.

"T-tulong. . . T-tulu-ngan n'yo a-ako. . . P-p-pakiusap. . ."

Nang marinig ng mga sundalong natitira sa tunnel ang boses na iyon, sinundan ni Shelton kung saan nanggaling iyon, tinapatan niya ito ng flashlight at doon nila nakita ang isang sundalong nabubuhay pa ngunit may malaking batong nakadagan sa hita niya, samantalang may makapal namang metal rod ang nakatusok sa braso nito. Sa nakikita nila, isang pulgada ang kapal nito.

Nakakapagtaka. Bakit may metal rod sa tunnel kung isa lamang itong malaking guwang sa lupa ng kagubatan? Hindi naman ito isang construction site para magkaroon ng metal rod, hindi ba?

Nakakapagtakang naliligaw ang metal rod na iyon sa braso ng sundalong nakaligtas sa pananambang.

Gayon pa man, hindi nagdalawang isip ang natitirang Alpha Team na sina Gilbert, Shunsuke, Felix at Aether na tulungan ang sundalong nabubuhay pa.

But before Aether could took a step forward, she heard three-no, Aether heard five voices that called her name not to go deep in the tunnel.

"Aether, d'yan ka lang," said Gilbert Bavina on Aether's left, Shelton Garido beside Gilbert, and their Commander Levi Salvador at the top of the slope.

"Dito ka lang, Aether," sabi naman ng dalawang lalaki sa kanan niya, sina Shunsuke Haisaki at Felix Martines na siya namang kasama niya lagi.

Two lieutenant colonels looked at each other before looking up at their Commander whose also looking at them, while Felix and Shun was having their silent battle of eyes.

Samantalang si Aether naman na siyang mas gulat sa pagtawag ng limang lalaki sa kan'yang pangalan ay walang ibang nagawa kun'di ang ipiyok ang mga mata nang ilang beses at wala sa sarili pang itinaas ang dalawang kamay sa ere.

It was really awkward.

Buong sampung segundong tahimik ang anim na sundalong naroroon sa tunnel matapos ang sabay na pagbanggit nila ng pangalan ng nag-iisang babaeng sundalo sa Alpha Team.

Until Aether broke it when she felt a vibe she couldn't understand.

"A-ahm, I-I'm not gonna go there, o-okay? Ihahanda ko na lang ang mga g-gagamitin ko sa paggamot. S-sige," She said while stuttering, nervousness was creeping her system. "A-Ako'y aalis n-na muna dito."

After that, Aether put both of her hands down, turned around like a robot and took her leave, going up to the top of the slope where their Commander was standing.

Hindi nagsalita si Aether nang sumaludo siya, saka dumiretso na sa base. At hanggang sa nakaalis na si Aether sa lugar na iyon, hindi tumitigil sa pagtibok nang mabilis ang kan'yang puso.

Nararamdaman rin niyang hindi pa rin kumikilos o nagsasalita ang limang sundalong naroroon sa tunnel matapos ang nangyari.

Just what the hell was that?!

May 23, 2019
Thursday
8:32 pm.
Back to Frontline Base Camp.

MATAPOS DALHIN nina Gilbert at Shelton ang sundalong sugatan mula sa loob ng tunnel, ay agad namang sinimulan ni Aether ang trabaho niya bilang medical officer. At kahit na hindi sila nagsasalita o nag-uusap na anim, parang naiintindihan naman nila ang isa't isa base sa kanilang mga kilos.

St. Agustin Hospital | ON-GOINGWhere stories live. Discover now