Chapter 17

1.3K 46 1
                                    


"Mabuti naman dumating na kayo noh kanina pa ako naghihintay" hinawakan ni Gaia ang kamay ko papunta sa sasakyan namin.

"Bakit ba nagmamadali ka? May kailangan pa kami kay Tyche balik muna tayo dun" iimbitahan kasi namin sa personal si Tyche sa family dinner, kasi itong si Tyche daw ni minsan hindi sumali sa family dinner nila. Kaya naisipan ko na pilitin baka pumayag HAHHAHA.

"Kayo nalang dito nalang ako maghihintay nauunay nako sa mukha niya" binuksan niya ang backseat at naupo. Saka ko lang napasadahan ang T-shirt niya na natitiyak kong si Tyche ang nagmamay ari.

Pumasok na kami sa loob ng hindi kumakatok, agad kong nakita si Tyche na nakahiga sa sofa na nakapikit.

"Akala ko umuwi kana? Nakonsensya ka na ba na hindi mo nilabhan yung mga bed sheets na may tagos?" Pigil tawa ako habang naka hawak sa bewang ko si Ky. Naka pikit pa din ito at inaakala na kami ay si Gaia.
"Kung ayaw mong labhan alangan namang labhan ko? Asawa mo ba ako? Payag ka na kasing pakasal na tayo" tumawa pa ito parang baliw.
Nang iminulat niya ang mata ay muntik na siyang mahulog sa hinihigaan niya dahil sa pagkagulat.

"Hoy gago! Anong ginagawa niyo dito?" Gulat niyang tanong habang namumula yung tenga niya lt amputa.

"Sumama ka mamaya sa family dinner" sambit ko, agad siyang umiling.

"Ayaw ko tinatamad ako, sasama lang ako kapag isasama niyo si Belle" nakangisi niyang sambit.

"Sino si Belle" tanong sa kaniya ni Ky.

"Huh?.. ay si Gaia kamo diba Gaia Ysabelle pangalan niya tsk." Mukhang tinamaan talaga tong mokong na to. Tumango ako.
"Alis na kayo isama niyo mamaya si Gaia tapos send kayo picture saka lang ako pupunta dun" hinatid niya pa kami sa pintuan.

Pigil ngiti akong lumabas sa condo niya nung sinulyapan ko si Ky ay seryoso ito at parang gusto ng manuntok.

"Hoy anong problema mo?" Malambing kong sambit nung makapasok na ako sa kotse niya.

"Bakit ba gusto mong isama si Tyche, siguro gusto mo siya noh may pangiti ngiti ka pa" his dark eyes met mine. Grabe nakakatakot palang magalit to.

"A-no kaba gusto ko lang naman na kumpleto kayo sa family dinner niyo, kasi sabi mo nga minsan lang kayo nasa iisang mesa" mahinahong sambit ko pero nanginginig na talaga ako sa takot.

"Hoy wag niyo yang pag awayan si Tyche akin yun" singit ni Gaia mula sa likod, gusto kong kiligin sa sinabi niya pero nanginginig pa din ako sa takot.

Pinaandar na niya ang kotse pero nanatiling seryoso ang paligid.

Wala kaming imikan hanggang makarating kami sa unit namin ni Gaia.

"Gaia sama ka mamaya?" Tanong ko kahit hindi ko alam kung pupunta kami dahil nga galit si Ky sakin na mis understood niya ata yung point ko.

Kyro: Magbihis kana before 6 susunduin ko kayo

Hindi na ako nag reply sa text niya at nagbihis na pinagbihis ko na din si Gaia pero hindi ko sinabing pupunta kami sa family dinner baka hindi sumama.

"Bes nandiyan na si Ky mo, ok kana?" Tumango ako at lumabas na din. Inasahan ko na hindi ako pagbubuksan ni Ky dahil nga galit siya pero nagulat nalang ako ng pinagbuksan niya ako at hinalikan niya ang noo ko.

"Sorry bhie nagselos lang kasi ako dahil may pangiti ngiti kapa kanina na parang kinikilig" seryoso niyang sambit nasa labas pa din kami ng kotse nakakahiya naman kang Gaia baka mainggit.

"Opo wag mo ng ulitin yon ah ikaw lang naman lab ko, ngumiti ako kanina kasi kinikilig ako sa chemistry nila ni Gaia" I pouted tumango siya at umikot na patungong driver sit.

"Rupok mo bes" bulong ni Gaia sakin mula sa likuran ko.

"Marupok na marupok" sabay kaming nag tawanan.

A/N

Yehey road to 200 reads na thank you po sa pagbabasa ❤️

He's my Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now