Chapter 36

1K 31 6
                                    

Maagang nagising si Selena hindi niya nga alam kung natulog ba siya o pumikit lang saglit. Today is her 20th birthday kinakabahan nga siya dahil lumagpas na ang due date niya pero hindi pa siya nanganganak. Anytime sa celebration niya baka manganak siya, so many negative thoughts ang pumasok sa isip niya like what if hindi niya kayanin ang panganganak niya baka hindi siya maka ire.

Wala naman silang gagawing party just a simple celebration na hinanda ng papa at Tita niya.

Naghilamos siya ng maramdaman niya ang paghilab ng tiyan niya doon palang ay kinabahan na siya.
"Gaiaaaa manganganak na ata ako" ang kakagising lang na si Gaia ay papungas pungas pang lumapit sa kaniya.

"Huh?" tila hindi pa gising ang diwa nito.

"Manganganak na akoooo" agad nanlaki ang mga mata ni Gaia at pabalik balik ang lakad niya na para bang hindi niya alam ang gagawin niya.

"Antonett manganganak na akoooo" malakas na sigaw niya kaya rinig na rinig mula sa ibaba. Agad nataranta ang lahat at patakbong pumunta sa kwarto ni Selena.
Inalalayan nila si Selena pababa bubuhatin nga sana ito ni Kylo ngunit hindi ito pumayag.

Sumakay si Selena, Gaia, Jyno na tatay ni Selena at si Kylo nag drive. Sa kabilang kotse naman sina Kiara at Asawa nito.

Paulit ulit pinapakalma ni Selena ang sarili ng may marinig siyang humaharorot na sasakyan. Huli na ng maiba ng direksyon ni Kylo dahil tumama na ito sa kanila. Sa lakas ng pagkasalpok nauntog ang ulo ni Selena dahil sa side ni Gaia tumama. Pinagdadasal ni Selena na sana maayos ang kambal niya kung mamatay man siya naisip niya:
'Pagmamatay man ako boyfriend ko pa din si Ky.
He's still my boyfriend, not my husband and that's the saddest part'

Unti unting pumikit ang kanyang takulap na mata hanggang kadiliman nalang ang kanyang nakikita.

Sa kabilang banda agad bumaba sa sasakyan nila sina Kiara at tinulungan sila Kylo nanghinge din tulong. Agad silang kinabahan ng makita ang sitwasyon ni Selena at Gaia. Maraming dugo ang dumadaloy sa hita ni Selena at sa ulo habang si Gaia naman ay sa tagiliran niya na mismong nasalpok ng sasakyan na sinasakyan pala nina Eanah at Tiara na ate ni Tyche.

Agad nilang tinakbo ang dalawa sa hospital habang may mga galos naman ang papa ni Selena at si Kylo.

Agad silang inasikaso pati na din sina Tiara at Eanah. Ilang oras silang naghintay. Si Antonett ay umuwi muna para kunin ang mga gamit ng mga bata kahit hindi nila tiyak kung nakaligtas ito.

Ilang oros ang nakalipas nagsidatingan ang mga pinsan nina Kylo  bumisita muna sila kay Kyreiz saka pumunta sa canteen ng hospital para bigyan ng makakain sina Kiara at Leo.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor ngunit hindi ata iyon napansin nina Kiara kaya si Shawn na ang nakipag usap sa doctor. Namalayan nalang nina Kiara na nakikipag usap na si Shawn sa doctor. Labis na kaba ang nararamdaman nila ng bagsak ang mukha ni Shawn habang naglalakad patungo sa kanila.

"Anong nangyare?!"

"Ok na ba sila?"

"Lumabas na ba ang baby?!"

Sabay sabay nilang tanong kay Shawn.

"Ok na ang baby pero"

"Pero?!!" sabay na naman nilang tanong.

"She's dead"

He's my Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now