Chapter 30

1K 44 3
                                    

Nakailang  call attempts na ako kay Ky pero hindi niya pa din sinasagot ang tawag ko. Mula nung malaman kong magpapasundo sana siya kay Raver ay hindi na natahimik ang isip ko.

Kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Ky at tumawag sa kaniya. Isang oras na ata akong pabalik balik ng tawag sa kaniya pero nag riring lang at hindi sinasagot. Gabi na at impossibleng hindi pa siya nakauwi galing sa school.

Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na pala ako.

Kinabukasan maaga akong gumising napagpasyahan kong bumalik nalang sa normal kong buhay. Paanong normal? yung hindi iiyak at magmumukmok nalang sa gilid pag kagising palang.

Naisip ko kasi na baka maapektuhan ang baby ko atsaka baka busy lang talaga si Ky kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag ko. Naligo ako pagkatapos ay nagtungo sa kusina para tumulong mag luto ng agahan kita manang Feli nakakahiya naman nakikitira lang kami dito.

Maaga silang nagluto ng agahan 5:50 am palang dahil papasok pa ngayon si Kylo at Gaia sa school habang si Tito Leonard naman ay sa companya nila.

"Ano pong lulutuin niyo?" tanong ko kay Antonett na anak ni Manang Feli. Siya ang tinanong ko kasi si Manang Feli maglalaba ata dahil kinuha niya yung mga labahin.

"Itlog lang po at hotdog, hindi naman po kumakain yang si Sir Kylo ng agahan. Tinapay lang o kaya sandwich at kape para kahit papano ay makasabay niyang kumain sina ma'am Kiara at Sir Leo"

"Ako na po please wala akong magawa" pakiusap ko sa kanila.

Nagaalangan niya akong tinignan at saka tinignan si Manang Feli na nakatingin pala samin.

"Hayy payagan mo na Net tulungan mo nalang masamang magalit ang buntis" sambit nito at umakyat uli pala kumuha ng iba pang labahin.

Tinulungan ako ni Antonett sa paghahanda nagluto din ako ng fried rice dahil yun ang gusto kong kainin.

Mga bandang 6:30 am natapos na kami at sakto namang bumaba na sina Tita.

"Oh ang aga mo atang nagising Selena?" tanong ni Tita.

"Kasi po tumulong ako sa pagluto ng agahan" napakamot pa ako sa batok ko.
"Sir Kylo ano pong gusto niyo? tinapay lang o sandwich?" rinig kong tanong ni Antonett

"Wow! Antonett wag mo na akong gawan ng sandwich kakain ako ngayon"

Ang ngiti sa mukha ni Antonett ay napawi at tumango nalang. Ganado namang kumain si Kylo, akala ko ba hindi siya kakain pftt.


Sabay pumasok sina Gaia at Kylo. Buong araw ay tumulong ako sa mga gawain nina Antonett pinagalitan pa nga ako ni Tita kasi daw ma ano yung baby ko. Bababa na sana ako para tumulong magluto ng hapunan ng biglang bumukas ang kwarto.

"Hi bes" sambit ni Gaia at yumakap.

"Anong meron?"

"Wala miss lang kita" hinampas ko siya sa balikat.

"Akala ko naman ano hmpp"

"Ano?"

Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil nag ring ang phone ko na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Akala ko si Ky pero si papa pala.

"Hello pa?" kinakabahan kong sambit baka masermonan ako.

"Ang mama mo intake ng sakit sa puso, wala na ang mama mo" sambit niya na ikinaguho ng mundo ko. Pinagalitan niya ako, sinigawan pero hindi ko maatim na mamatay siya na wala ako sa tabi niya.


Agad akong napayakap kay Gaia para kumuha ng supporta.

A/N
Hi Antonett ginamit ko name mo mwehehe. Sino pa reader ko diyan? kailangan ko pa ng dalawang names. Thank you for reading!

Goal kong matapos tong story nato sa May 30 kaya sana sipagin ako HAHHAHA Thank you po sa 500+ reads❤️ I love you all

He's my Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now