Chapter 4: Sly

5.8K 227 301
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

HABANG naka-upo sa kanilang king-sized bed, mahigpit ang yakap ni Samantha sa kanyang mga binti. Hindi niya alam kung paano niya nagawang makarating sa kuwarto. All she knows is that she did.

Patuloy pa rin ang kanyang pagluha habang iniinda ang sakit na pumupuno sa dibdib. Pilit niyang pinakakalma ang sarili ngunit hindi mapigilan ang paghikbi.

Hindi pa rin niya lubos akalain na magagawa siyang lokohin ni Emmett.

Napasabunot si Samantha sa sarili. Sa gitna ng napakalaking silid, mag-isa siya at nilalamon ng nakabibinging katahimikan.

The moans and groans were playing mischievously in her mind, and no matter how much she wanted to erase them—the scenes of the two people pleasuring each other kept on rewinding.

Her husband was just outside, having sex with a woman she knew nothing about. Her husband was enjoying the pleasure of another woman—one she never knew existed.

'Pangit na ba ako? Losyang na ba? Kapalit-palit na ba ako?' Hindi niya mapigilang itanong sa sarili. Bahang-baha na ang mga katanungan at kahit isa ay wala siyang maisagot sa sarili.

For all she knew, Emmett enjoyed their love-making. But what gives? Anong nangyari? Bakit may iba? Paano nangyari iyon?

Bumalik si Samantha sa ulirat nang marinig ang papalapit na yabag mula sa hagdanan. Nasisigurado niyang si Emmett na iyon.

Dali-dali niyang inayos ang kumot at hinila pataas upang itago ang kanyang katawan at mukha. Hindi niya alam kung paano haharapin si Emmett.

Taimtim siyang pumikit at niyakap ang sarili. Ayaw niyang makita ang asawa. Natatakot siyang may masama siyang masabi.

Narinig niya ang pagsasara ng pintuan ng banyo. Ilang saglit pa ay sumunod ang lagaslas ng tubig sa shower. Napamulat si Samantha at kinusot ang mata.

Ngayong marami siyang naiisip, may posibilad na matagal na ang pagtataksil ni Emmett sa kanya. Hindi lang talaga niya napapansin dahil sa sobra-sobra niyang tiwala at pagmamahal sa asawa.

Nang matapos si Emmett maligo ay pumikiy siyang muli. Ramdam niya ang paglubog ng kama at paglapit ni Emmett sa kanyang kinahihigaan sa kama.

"I love you," bulong ni Emmett sabay halik sa kanyang uluhan. Matapos niyon ay humiga na si Emmett sa kanyang bahagi sa kama at pumikit na.

Kagat-kagat naman ni Samantha ang ibabang labi upang hindi makalikha ng kahit munting ingay, ramdam niya ang pamamasa ng kanyang unan.

Kailanman ay hindi niya naisip na masasaktan siya kapag sinabi ni Emmett na mahal siya nito.

She once lived in complete serenity, now she was in crumbles. She was in chaos, and the man she thought would build her decided to ruin her.

Samantha closed her eyes, begging that everything was a joke. She wished all the stars and other celestial beings to give her the sign that it was not real. She was begging all gods, holy and unholy, that it was all just a lie. That it was just a prank.

WRS: When She Played with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon