Chapter 24: Selfless

5.4K 189 40
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

NANG makabalik sa lupa, dumeretso kaagad si Samantha sa mansyon sa halip na sa ospital. Kailangan niyang makita si Emmett.

Kailangan.

Laking pasasalamat niyang may taxi agad siyang nasakyan. Tahimik lamang sa biyahe si Samantha. She felt like there were shackles on her ankles, trying to stop her from heading home. But she has made up her mind. Uuwi siya sa asawa niya, sa tahanan nila.

At habang tinatahak nila ang pamilyar na kalsada ay patuloy lamang ang paghaplos niya sa kanyang maliit pa ring tiyan. Wala pa mang pagbabagong pisikal ngunit hindi niya maikakaila ang pagkamatakaw na niya lalo na sa donuts at mas mabilis na pagkapagod. The signs were there but she didn't notice it at all.

Bumaba ang tingin niya sa kanyang singsing at hinawakan ang diyamante nito habang iniisip ang si Emmett. At pagsapit sa mansyon ay halo-halo ang mga alaalang dumalaw sa kanyang isipan. Iyon tahanang binuo nila ni Emmett, at ang lugar kung saan nasira ang relasyon ng magkapatid na Henderson.

"Anak, nakabalik ka na!" sabik na bati ni Nanay Patty pagkakita pa lamang sa kanya. "Akala ko sa isang linggo pa ang balik mo?"

"May nangyari lang, 'nay. Nasaan po si Emmett?"

"Nasa loob siya, hija. Mabuti at nakabalik ka na. Lubhang napabayaan na ni Emmett ang kanyang sarili magmula noong umalis ka," paliwanag ng matanda. Umaapaw rin ang pag-aalala sa hitsura nito.

Mapaklang ngumiti si Samantha bago sumagot, "Salamat po."

Dali-daling tinungo ni Samantha ang kuwarto nilang mag-asawa at nilapag ang bag doon. Napansin niya na sobrang linis ng kama, mukhang hindi pa rin doon natutulog si Emmett. Maybe he was still mad, but his messages say a different thing.

Bumaba si Samantha at tinungo ang guest room na ginagamit ni Emmett noong umalis siya. Kumatok siya at walang sumagot. Binuksan niya ang pinto nang marahan at naroon nga si Emmett. Nakatalikod siya sa may pintuan at nasa tainga ang smartphone.

"I understand, sir. We will revert to you once we have reached a decision."

Binaba ni Emmett ang tawag at hinagis ang smartphone sa gitna ng kama bago hinilot ang sentido.

WRS: When She Played with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon