Pasasalamat

5.2K 110 29
                                    

Hey, everyone!

You've made it! Yay!

Gusto ko lang magpasalamat sa mga nagbasa ng kuwento nina Samantha at Emmett. Masaya akong natapos ko ang kuwento nila sa maikling panahon. Talagang na-challenge ako nang sobra-sobra.

Gusto ko ring ibahagi sa inyo na lahat ng linyang nabasa n'yo mula sa ibang karakter sa series—Klau, Phoebe, Shan, DZ, Zera, at Candy—ay mula mismo sa mga writers nila.

Nag-roleplay ako sa kanilang lahat para marinig ninyong mga mambabasa ang mga totoo nilang boses. At isa pa, nais kong mabigyang hustisya ang bawat linya ng mga karakter nila... and I feel na the best way to do that is involve them directly.

Sa WRS fam ko, thexwhys, LegendArie, TheMargauxDy, Lena0209, Ice_Freeze, and Vampiriaxx,  thank you for the opportunity of letting me join this challenging collaboration. I'm grateful that I met real friends and inspiring writers.

Sa mga na-trigger na readers, I am sorry. It was never my intention to deliver harm to anyone. Sinulat ko lamang ang kuwentong bumuo sa pagkatao ni Samantha Medeia-Henderson at wala akong kilala sa totoong buhay na pinagdaraanan ang nangyari sa kanya. Pasensya na at salamat sa pagbabasa hanggang sa dulo.

Sa Royalties, salamat sa suporta mula noon hanggang ngayon! ❤

So, what now?

Ngayong tapos na ang bahagi ko sa WRS, babalikan kong muli sa umpisa ang kuwento upang linisin at ayusin ang mga detalye. Kaya huwag na kayong magugulat sa mga susunod na araw o linggo na may matatanggap kayong mga notifications mula rito.

May mababago ba?

Oo. Gaano karami? Hindi ko pa sigurado. Alam kong mabilis ang ibang eksena at plano kong plantsahin ang mga ito habang tinatapos pa rin ng mga kasamahan ko ang kanilang mga obra.

Kaya sana suportahan n'yo ang buong Wrecked Reality Series!

I wuvyu all!

Bosx Jo.
07 06 2021

❤🖤

WRS: When She Played with FireWhere stories live. Discover now