Chapter 10: Shame

6.3K 172 35
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

WEARING her favourite maroon stilettos, Samantha was walking in the familiar hallway of the Medeia Corporation. She was wearing a simple beige dress as she held her paperwork in her left hand and her handbag in the other.

"Good morning, ma'am," bati ng sekretarya nang makita siyang palapit sa kanyang lamesa. Malapad ang ngiti nito at plantsadong-plantsado ang uniporme.

"Good morning, Tash. Si dad?"

"Nasa loob po kasama ang mommy n'yo," magalang na sagot ni Tash, ang sekretarya ng kanyang ama. Nanlaki ang mga mata ni Samantha sa narinig mula sa sekretaryang hindi nalalayo ang edad sa kanya.

"Oh? Pumunta si mommy nang ganito kaaga?"

Pigil na napangiti ang sekretarya. "Yes, ma'am. Mas madalas na tambayan ni Mrs. Medeia ang opisina ni sir. Hindi niyo alam, baka masundan pa kayo, ma'am," biro ni Tash na siyang nagpailing kay Samantha at pigil na napangisi.

"Oh, my gosh! Let's not go there! Maloloka ako kapag nagkaroon pa ako ng kapatid na twenty-six years ang tanda ko!" Napahawak sa sentido si Samantha at hindi ma-imagine ang bagay na iyon na magkatotoo. "Anyway, puwede ko kaya silang abalahin?"

"Yes, ma'am. Sorpresahin n'yo na lang sila. Sigurado po akong matutuwa ang mga magulang n'yo."

"Sige! Pero may itatanong pala ako."

"Ano 'yon, ma'am?"

"May donut ba kayo rito?"

Nangunot ang noo ni Tash. "Po? Wala po, e. Pero puwede naman akong um-order kung gusto n'yo?"

Umiling si Samantha sa sekretarya habang nag-iisip na dadaan na lang sa bilihan pagkatapos. Bigla niya lamang naramdaman na natatakam siya sa donut.

"Hindi na. Mabilis lang naman ako rito. Papasok na ko. Talk to you later!" aniya sabay bukas ng pinto at malakas na tinawag ang mga magulang. "Dad! Mom!" 

Napatalon ang kanyang mga magulang na nakasandal sa isa't isa sa mahabang couch. Napatakip ng bibig si Samantha dahil nakaakbay pa ang daddy niya sa kanyang mommy at mukhang naabala pa niya.

"Oh, my gosh! Tash is right! Gagawa pa yata kayo ng kapatid ko!" irit niya nang maisara ang pinto habang uumupo naman nang maayos ang mga magulang. Namumula ang pisngi ng kanyang ina at napapangiti naman ang kanyang ama na doble ng kanyang edad.

"Good morning, sweetie," kaswal na bati ng kanyang ama sabay ang paglahad ng kamay. Kinuha iyon ni Samantha at hinawakan.

"Good morning, dad, mom," sagot niya sabay upo sa tabi ng ama. Nagpipigil na mapangisi. "Here's the documents para sa potential locations ng hotel."

"Thank you, anak," saad ni Harvey sabay kuha ng mga dokumento at pinatong sa mesa. "You could have sent someone to bring the documents."

"And miss the chance to see my parents, especially mommy's flustered expression?" Tinaas ni Samantha ang isang kilay sa ama. "No way! I'm glad to see it first hand."

WRS: When She Played with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon