Chapter 10

256 19 1
                                    

Chapter 10: Gift

Noon pa man ay mabuting tao na ang tingin ko kay Almond. Dahil na rin siguro naawa siya sa akin kaya binalik niya ang pulang crystal pati na rin noong matapos kaming tuliin na tatlo ay nilibre niya ako ng ice cream.

Natuwa rin ako sa kaniya sapagkat kasing tapang ko siya. At natatawa pa rin talaga ako hanggang ngayon sa tuwing naalala ang panahong iyon na umiiyak si Froilan pagkatapos naming tuliing tatlo. Kung hindi ko lang siya pinakalma ay patuloy ang pag-iyak niya dahil siguro takot sa syringe.

Pero ngayon, sobrang tapang at angas ng taong iyon. Sa kanilang dalawa ay mas pipiliin ni Froilan ang pisikalan samantalang si Almond ay salitaan. Almond's not into physical fight but he know how to throw the sharp words and I think, it's more painful than physical. Pero hindi naman war freak itong si Mond, kapag lang talaga may kumakana sa kaniya ay doon palang rin siya magsasalita.

Pagdating naman sa mga babae, mapili ang isang 'to kaya nga dalawang beses palang nagkaka-girlfriend noong tumuntong kami ng highschool. Meanwhile Froilan, elementary palang kami ay may naka MU na! May pinangkuan na nga iyon ng kasal eh na kapag pinapaalala namin ay nagki-cringe siya.

And based on my own analysis, Almond is more affectionate and sweet but he know how to let go when the relationship is not okay or healthy anymore. Sa dalawang pinasukan niyang relasyon ay siya pareho ang bumitaw dahil ang dahilan niya ay gusto ng dalawang babae na 'yon ng mas maraming oras na hindi naman kayang ibigay ni Almond. President kasi siya ng dalawang club na minsan nga ay maaga pang pumapasok ito kaysa sa amin ni Froilan.

"Ang daming nagkakagusto sa'yo ah? Bakit hindi nalang sila ang bigyan mo ng atensyon?" tanong ko. May balanse ang pagpapaandar niya ng motor, kapag walang masyadong sasakyan sa harap ay matulin, kapag naman marami ay mabagal dahil maingat ata ang isang ito.

"Not my type but I appreciate them." sagot niya, lagi naman.

I sighed boredly. "Yeah right. Pero ayaw mo non? Lalo na sa partido niyo! Ang daming nagkakagusto sa'yo kaya mas mabuti kung lagi mong kasama para alam mo na. Mahaba haba ang oras at magiging malalim ang pagsasama niyo..." I clarified.

He still shook his head. Wala talagang kuwentang magrekomenda rito!

"Bihira lang ako magkagusto, Red. Tinitignan ko muna ang mga mata tapos kapag nahulog ako, palihim ko siyang kikilalanin muna but I'm not stalker ah! Call me choosy but I deserve a girl with a golden heart and personalities. Kahit hindi maganda basta kapag na-inlove ako, liligawan ko! I want rare." he explained.

"Oo na. Almond Esguerra always want rare and unique in all aspects of life." I said my motto for him.

He laughed boyishly. "You're right. And Aliyah is rare. We're look good to each other, right?"

"Yeah yeah. Ano pa nga ba magagawa ko kundi ang suportahan ka?" sambit ko nalang.

"Kaya mahal kita eh, kiss mo nga ako!" he jeered kaya natawa kaming pareho. Hinampas ko ang likod niya.

"Ganyan ka ba talaga kalambot, Red? O sinasadya mong lambutan?" giit niya na nagpabilog ng bibig ko. He means malambot ang paghampas ko sa likod niya?

"Hoy! Ganito talaga ko, okay? At siyaka grabe naman sa lambot! Ano ako? Baboy sa sinigang?!" I said firmly that made him chortled.

"Totoo naman eh. Para kang babae kung kumilos, magbitiw ng salita, pati kung humaplos din. Kaya ka na-tripan ni France eh!" he uttered.

"Hindi ko na kasalanan 'yun. I was born this way. Pero yung boses ko hindi ba boses babae?" niliitin ko pa ang boses ko sa huling sinabi.

"Hmm. Not really. Malakas pero minsan nagboboses babae ka..." aniya na tinanguan ko.

Fragments Of Love (Street Series #4)Where stories live. Discover now