Chapter 28

287 14 6
                                    

Chapter 28: Name

Sinundan ko siya sa loob but he wasn't there. Narinig ko nalang ang tunog ng shower kaya hindi ko na nagawang kulitin pa siya tungkol sa kung anong problema niya na parang ang laki laki. May padabog pa siya at walk out!

Humiga nalang ako sa kama niya nang makaramdam ulit ako ng pagkahilo. Nakatulog din naman ako kalaunan na gumising ako ay madilim na ang kalangitan. Tanaw ko rito mula sa kama sapagkat nakabukas ang kurtina ng balkonahe. Tuloy tuloy din ang pasok ng malamig na hangin. May naririnig din akong ingay mula sa TV at ang liwanag doon ay nakakasilaw. Humikab ako pero walang balak na bumangon. Bigla nalang akong napayakap sa katabi ko nang mahigpit at sa bisig niya pinagpatuloy ang pagtulog hanggang sa mag-umaga na.

Naubos ang natitirang buwan ng taon. Sa sumapit na pasko ay kami lang ulit ni Mama ang nag-celebrate dahil si Papa ay bibihira nalang lumabas ng kuwarto. Magaling na naman siya simula noong binasagan siya ni Kuya Ram ng bote kaya hindi namin alam ni Mama ang dahilan kung bakit siya nasa kuwarto buong araw. Para bang may tinataguan?

Charlie sighed beside me after an exhausting day of school. Unang klase ito ng taon na hindi ako makapaniwala na malapit na ulit matapos ang school year. Malapit na rin mag-isang taon mula noong namatay si Tita Pau at ang pag-alis ni Almond.

Parang naging giraffe si Charlie kakatingin sa pintuan. Kunot noo ko siyang tinignan habang minamasahe ko ang batok. Nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at kami ay maghahanda palang sa paglabas.

"Hindi ka pupuntahan ni Froilan?" tanong niya, hindi nawawala ang tingin sa may pinto.

Kaya pala siya nakatingin sa pintuan ay marahil nasanay na laging nakikita roon si Froilan. Nakasandal sa barandilya, nakapamulsa, chewing his bubble gum while waiting for me. Madalas kasi ay mas maaga ang uwian nila. Masyadong istrikta kasi ang guro namin sa Basic Calculus kaya late lagi magpauwi. Hindi siya titigil hangga't hindi natatapos ang lesson para sa araw na ito.

Umiling ako at inayos na ang mga gamit para sa pag-alis. "Wala. Nagpaalam siya na sasama siya sa tropa niya. May birthday ata. Inaaya pa nga ako pero hindi naman ako mahilig sa alak. At isa pa, daming school works." daldal ko.

Tumayo si Charlie at nag-ayos na rin ng gamit niya. "Bakit kailangan niya pang mag-paalam sa'yo?" nabigla ako sa tanong niya.

"A-Ah. Eh kasi---"

"Kayo ba?" putol niya. I frowned.

"Ha? Anong ibig mong sabihin---"

"May relasyon kayo?" taas kilay niya.

Mabilis akong umiling. "Wala ah! Bestfriend ko siya since elementary at lagi kaming nagsasabay na umuwi so normal lang na magpaalam siya sa akin. Ganoon din naman ang ginagawa ko kapag hindi ako makakasabay sa kaniya!" paliwanag ko.

He nodded but his expression is telling me that he's not fully convinced. May kung anong iritasyon din ang pinupukol niyang tingin sa akin na hindi ko alam para saan.

"Pero may crush ka sa kaniya no? Aminin mo na!" panibagong sambit niya na kinagulat ko na naman. Saan niya ba nakukuha ang mga tanong na yan?

I shook my head. "Para ko na siyang kapatid. Kaya hinding hindi ako magkakagusto sa kaniya," ngumiti ako pero sa likod ng ngiti ay ang iritasyon dahil nakakainsulto ang tingin niya sa akin. Para bang hindi siya naniniwala.

"Weh? Yung mga ginagawa niya sa'yo? Lahat yun ginagawa ng isang boyfriend! Hindi mo ba nahahalata---"

Diniinan ko ang pagsara ko sa zipper ng bag ko dahil bakit niya ba pinagpipilitan iyon?

"Sweet at caring lang kami sa isa't isa noon pa man. Walang ibang meaning yun kundi friendship---"

"Weh? Baka naman gusto mo na siya at pabebe ka lang diyan. Kunwari hindi gusto pero inlove na o baka sinisilipan mo na siyang maligo at inaamoy ang brief ng patago kasi patay na patay ka na sa kaniya na ayaw mong malaman niya kasi masisira ang pagkakaibigan niyo? Naku kilala na kita! Ganyan ang mga bakla! Walang straight guy na kaibigan kasi nauunahan ng puso at libog!" mahaba niyang sabi na hindi na ako nakasabat dahil tuloy tuloy siya at ayaw paawat.

Fragments Of Love (Street Series #4)Where stories live. Discover now