Chapter 41

260 12 1
                                    

Chapter 41: Forgiveness

A real happy and merry christmas came. I've never thought this day would ever come. I lost my faith in life after having so many obstacles and I'm still wondering how I get through. But then there's so many reasons to live and life is hard, yes. But the purpose of your love ones is to give you an inspiration and motivation to continue despite bad luck.

Ngayon, madadagdagan ang inspirasyon ko sa buhay now that we have a two babies in the house, I couldn't ask for more. Ito lang naman ang nag-iisang pangarap ko noon pa man, pangarap na tinapon ngunit pangarap na nangyari pa rin.

Nagsimula na ring magtrabaho si Ate Risa bilang call center agent. Samantalang si Mama ay umalis sa trabaho para matutukan at may mag aalaga sa mga apo niya. And the remaining days of the years were all valuable.

"Kaibigan pa rin kayo ni Almond?" makahulugang ngiti ni Ate Risa.

Naglilinis na ako ng mga pinagkainan at tumulong si Ate. Tapos na ang almusal kaya hinatid ko na si Almond sa labas dahil uuwi na siya. Noong pasko ay doon kami nag celebrate sa bahay nila pero kagabi sa pagsalubong ng bagong taon ay nandito siya.

"Oo naman..." sagot ko.

"Talaga? Ang sweet niya sa'yo at kung tignan ka niya kagabi habang nanonood tayo ng fireworks? Parang tinititigan niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. At ikaw yun, Red!" Ate smirked.

Napakurap ako pero nagbabadya na ang pagsibol ng ngisi.

"Yung totoo? Gusto ka niya no?" she interrogate more.

Ngumiwi si Ate nang hindi ako sumagot. "Hay nako. Kung ano man ang namamagitan sa inyo, hindi mo dapat itago sa amin ni Mama iyon, Red. Alam mo naman na super tanggap ka namin pati ang mga desisyon mo sa buhay! At siyaka kilala ko si Almond noon pa man napapansin ko na talagang mabuting kaibigan sa'yo. Kaya deserve niyo ang isa't isa. Lalo ka na! Si Almond lang ang nakikita kong deserving para sa malambot mong puso..." she stated.

Napatitig tuloy ako sa pinggan. She have no idea about my relationship with Froilan kaya malaya niyang nasasabi ang mga salitang iyon dahil si Almond lang ang nakikita niyang kasama ko. Pero ewan ko na. Nagkakagulo na ang utak at puso ko.

"Nga pala. Kumusta yung isa mong kaibigan? Si Venturero!?" kalabit niya pa.

"A-Ah..." nautal ako "O-Okay naman..."

"Hmm. Ba't parang di ka sure? Yung totoo? Okay pa ba kayo? Kaibigan mo pa rin ba yun?" sunod niyang tanong.

"U-Uhm... A-Ah---"

"Mama!" narinig namin ang hagulgol ni Renz kaya pareho naming nilingon.

"Naku! Gising na pala ang baby boy ko!" si Ate at dinaluhan na ang anak niya para patahanin ito.

Napahinga ako nang maluwag dahil hindi na nasagot ang tanong ni Ate. Hindi pa siguro ako handa para sa tanong na iyon gayong kahit ako... Nalilito pa rin at hindi sigurado sa kung anong mangyayari sa amin ni Froilan. Noong una akala ko magagalit siya kasi iniwan ko siya nang ganoon kadali pero dahil sa sinabi ni Almond noon na aayusin muna ni Froilan ang gulo sa Casa Poblacion bago ako hanapin, hindi ko na alam pa. But what he's planning is the best for now. At sana... Maayos na rin ang relasyon nila ng pamilya niya.

And Almond, I'm thinking about him too. Hindi ko man sinabi ng direktahan pero pumayag naman ako sa gusto niyang gawin at araw araw niya naman na pinapadama iyon na iisipin na talaga ng tao na may relasyon kami when he's just expressing his love that always touching my heart. Basta ang alam ko lang kapag kasama ko si Almond, ang dami kong nadidiscover sa sarili ko because he was there to help me organize my thoughts and when I was being negative, here comes Almond the optimistic. He always care about my thoughts and he want me to share all of it to him. Kapag kasama ko siya, ang gaan gaan lang ng dibdib ko at ang saya saya lang. Parang walang nagbabadyang dilim dahil kapag nandiyaan siya, para kaming nasa isang lugar na maaliwalas at payapa.

Fragments Of Love (Street Series #4)Where stories live. Discover now