CHAPTER 34:TROLL'S SECOND STRIKE

24 5 0
                                    

Xavier Garen's Pov

Head Hunter! Head Hunter! Sumasalakay Muli Ang Mga Trolls, Nakahanda Na Ang Mga Tauhan At Mga Taong Bayan Upang Muling Lumikas. Saad Ng Isa Sa Mga Hunters Na Taga Masid Sa Labas Nang Bayan.

Humanda Sa Pagtatanggol, Ilikas Ang Mga Taong Bayan, Dalhin Sa Lugar Kung Saan May Ligtas Na Lugar Para Sa Kanila. Utos Ko.

Malzahar Ihanda Ang Mga Hunters Sumunod Kayo Sa Akin, Kailangang Maipagtanggol Muli Ang Bayan Sa Muling Paglusob Nang Mga Kaaway. Utos Kong Muli.

Ang Mga Taong Bayan Ay Kasama Ang Iba Pang Mga Hunters, Upang Maging Tagapagtanggol Nila Kung Sakaling Magkaroon Nang Ambush. Habang Ako At Si Malzahar Ay Naghahanda Sa Muling Pakikipaglaban Sa Mga Trolls.

Pagbungad Sa Labas Nang Bayan Ay Mayroong Mga Bangkay Ng Mga Trolls, Mukhang Pinaslang Na Agad Sila Ng Mga Nagpapatrolya Na Mga Hunters. Kaagad Na Kaming Kumilos Upang Mapagplanuhan Ang Aming Susunod Na Gagawin. Kagaya Nang Nauna Pang Plano. Magiging Isang Matagumpay Din Ang Susunod.

Malzahar Alam Na Ninyo Ang Plano, Magagawa Natin Nang Maayos. Humanda Na Kayo't Magtago Mangaambush Tayo. Muli Kong Saad Kaya't Naghanda Na Sila. Ngayon Ay Mas Magiging Brutal Na Pagpaslang Sa Kanila Kung Kailangan.

Sunod Sunod Na Yapak Ng Trolls, Hindi Nila Pansin Ang Aming Presensiya Bagkus Ay Patuloy Sa Paglalakad Patungo Sa Hunter's Hill Sa Labas Ng Bayan. Mukhang Natunugan Nila Ang Lugar Kung Nasaan Ang Mga Taong Bayan.

Malzahar Bigyang Hudyat Ang Mga Hunters Na Tagabantay Ng Mga Taong Bayan, Kailangang Balaan Sila Madali. Utos Ko. Kumuha Siya Nang Isang Palaso't Tinira Sa Kabilang Dako Upang Maging Babala Sa Mga Taong Naroroon.

Nagulantang Ang Mga Trolls, Napansin Na Ang Aming Grupo Kung Kaya't Kailangang Mapatahimik Na Ang Mga Ito Bago Pa Dumating Ang Iba Pang Mga Kasamahan Nila. Nagsilabasan Ang Mga Hunters Na Nagtatago Sa Mga Puno't Talahiban At Lahat Ng Mga Trolls Na Nakapansin Sa Amin Ay Pinaslang Upang Hindi Mabigyang Babala Ang Iba Nilang Kasama.

Malzahar Kailangan Nating Sunduin Ang Mga Taong Bayan Upang Masiguradong Makakabalik Sila Nang Ligtas Sa Bayan. Humayo Na Tayo Upang Mapaghandaan Din Ng Iba Pang Mga Hunters Ang Pakikidigma Sa Mga Trolls. Umalis Kami Sa Lugar Na Puro Puno't Talahiban Na Aming Pinagtaguan.

Mabilis Ang Kilos Ng Lahat, Kailangang Makaalis Ang Mga Tao Sa Kanilang Pinagtataguan Dahil Alam Na Nang Mga Trolls Kung Nasaan Sila. Mabuti't Umabot Kami Habang Naghahanda Pa Sa Kanilang Pagbalik Ang Mga Taong Bayan At Hunters Na Nandirito't Nagtatanod Sa Kanila.

Malzahar Sumama Ka Sa Kanila Upang Masigurong Makakarating Nang Ligtas Ang Mga Taong Ito, Pamunuan Mo Sila Sa Kanilang Pagbalik. Utos Ko.

Susunod Na Lamang Ako Dahil Kailangan Tignan Ang Paligid Baka Masundan Tayo. Sabi Kong Muli Kailangang Masiguradong Wala Ni Isang Troll Ang Makasusunod Sa Amin.

Tumuloy Na Sa Pagbalik Sina Malzahar At Ang Taong Bayan Kasama Ang Mga Hunters Na Kasa-Kasama Nila Buhat Nung Unang Umatake Ang Mga Trolls. Magbibigay Si Malzahar Ng Hudyat Kung Sakaling Makabalik Na Sila Bago Kami Susunod Pabalik.

Humanda Kayo Mukhang Mayroong Sumusunod Sa Atin. Hindi Nga Ako Nagkamali, Mayroong Mga Trolls Ang Sumunod Sa Amin. Mabuti't Nasa Loob Na Kami Ng Bayan At Sarado Na Ang Pintuang Bakal Na Matagal Nang Ginagamit Ngunit Hindi Pa Nagkakaroon Ng Sira.

Malzahar Ang Mga Hunters Na Taga Tanggol Mula Sa Mga Pader Ng Bayan, Ihanda Ang Buong Hukbo Mukhang Hindi Matatapos Ang Araw Na Ito. Paguutos Kong Muli. Abala Ang Lahat Sa Paghahanda't Pagayos Sa Mga Patibong Na Ginawa Namin. Mas Naging Agresibo Na Ang Mga Trolls Na Ito Kumpara Sa Naunang Umatake Sa Amin.

Humanda Kayo! Naririto Na Sila. Humanda Na Ang Lahat, Ang Mga Taga Tanggol Sa Bawat Tore Ay Pinapaulanan Ang Mga Trolls Ng Kanilang Mga Palasong Mayroong Lason Upang Manghina Ang Sinumang Tamaan Niyon.

Sa Aking Hudyat Binuksan Ang Bakal Na Pintuan Ng Bayan, Sasalubungin Ang Mga Mananakop Na Trolls Ang Kanilang Kamatayan, Matatatapos Din Ang Digmaang Ito, Ngunit Walang Kasiguraduhan Kung Magtatagal Ba Ang Ganitong Kaganapan Sa Amin.

Walang Inaksayang Oras Para Ubusin Ang Mga Trolls Na Ngayon Ay Patuloy Sa Pagdating Mula Sa Libis Ng Hunter's Hill Kung Saan Ang Pasuka't Labasan Nang Mga Manlalakbay Na Nanggaling Sa Bayang Ito. Hindi Nakakapagtakang Mayroon Silang Itinayong Kampo Sa Lugar Na Iyon.

Malzahar Pamunuan Mo Ang Sunod Na Pangkat Na Aatake Sa Kanila, Ako Ang Mamumuno Sa Unang Pangkat, Magingat Kayo Mas Agresibo Ang Mga Ito Kaysa Sa Nauna. Pagpapaalala Ko.

Kasama Ang Mga Trained Hunters, Lumabas Kami Ng Bayan Upang Salubungin Ang Mga Dumadating Na Trolls, At Kami Ang Maghahatid Sa Kanila Sa Kanilang Paparating Na Kamatayan Na Ang Magiging Resulta Ay Tagumpay At Kapayapaan Para Sa Aming Buong Bayan.

Sumalubong Naman Ang Kanilang Pangkat Ngunit Wala Silang Nagawa Dahil Mas Lamang Ang Aming Lakas Kaysa Sa Dami. Kahit Na Maliit Ang Aming Bilang Ay Malakas Naman Ang Pwersa Ng Aming Pangkat Kaysa Sa Kanila. Hindi Na Mahirap Sumabay Sa Kanila Kung Tutuusin.

Sumunod Naman Ang Ikalawang Pangkat Na Pinamumunuan Ni Malzahar Kaya't Nadaig Namin Ang Mga Trolls Na Kanina Pa Dumating Mukhang Hindi Kaagad Mauubos Ang Mga Ito Dahil Ang Kanilang Kampo Ay Matatanaw Sa Hunter's Hills. Nakatayo Ang Kanilang Mga Kampo Sa Ibabang Parte Ng Hunter's Hills Kung Kaya't Madaling Masisira Ng Mga Malalaking Bato Ang Bawat Mga Nakatayo Doon.

Mayroon Akong Bagong Plano Ngunit Kailangang Matapos Muna Ang Labanan Ngayong Araw Na Ito Bago Ko Ipaalam Sa Inyo Ang Ating Bagong Plano. Sabi Ko Bago Sumalubong Kami Muli Sa Aming Mga Kaaway Upang Magkaroon Ng Pagkakataong Paulanan Muli Ng Mga Tagapagtanggol Sa Mga Pader Ng Bayan, Habang Ang Mga Tao'y Nakatago Sa Kani-kanilang Mga Tahanan.

Hindi Natinag Ang Mga Trolls Na Ito, Nagpadala Pa Sila Ng Panibagong Grupo Ng Mga Troll, Mukhang Magiging Matagal Bago Muling Matapos Ang Labanang Ito. Kaya't Mas Madaming Mapapaslang Sa Kanilang Bilang Dahilan Upang Lumiit Ng Lumiit Ang Kanilang Buong Hukbo Pagtagal.

Malzahar, Magpadala Ng Karagdagang Mga Hunter Kailangan Nating Protektahan Hunter's Hill Upang Hindi Tuluyang Makapasok Ang Mga Trolls. Utos Ko Kaya't Pinalipad Niya Ang Kanyang Alagang Uwak Upang Bigyan Ng Liham Ang Hunter's Guild Na Magpadala Ng Karagdagang Mga Hunters Na Tutulong Sa Amin.

Nagsimula Pagputok Ng Araw, At Muling Matatapos Sa Kabilugan Ng Buwan Sumang-ayon Sa Plano Ang Nagaganap Ngayon Patuloy Pa Ang Labanan, Ngunit Mahina Na Ang Pwersa Nang Mga Kalabang Dumarating. Kung Kaya't Mabuting Ubusin Na Ang Mga Sugatan. Dumating Nadin Ang Mga Hunters Na Kaalyansa Namin Na Nagmula Sa Hunter's Guild.

Malzahar Ang Mga Tauhan Natin Ay Pabalikin Na Kasama Ang Mga Bagong Dating, Kaya Na Nang Aking Pangkat Ang Mga Ito, Bumalik Na Kayo. Muli Kong Utos.

Habang Kami Na Natitira Ay Lumaban Hanggang Sa Maubos Ang Mga Trolls Na Umaatake Bago Bumalik Ay Nilinis Ang Buong Battlefield Upang Makasiguradong Walang Bangkay Ang Maiiwan Sa Lugar Na Ito. Kagaya Nung Una Ay Itinapon Muli Sa Isang Malalim Na Hukay Ang Mga Bangkay Nila Bago Kami Bumalik.

Pagkabalik Ay Tinipon Ko Ang Mga Hunters Upang Ilahad Ang Aking Plano, Magkakaroon Ng Surpresang Pagatake Bukas Ng Umaga Bago Muling Sumilay Ang Liwanag. Kailangan Naming Kumuha Ng Mga Malalaking Tipak Na Bato Na Aming Ihuhulog Sa Kanilang Kampo Upang Magkagulo't Masira Ang Kanilang Mga Itinayo Saka Magaganap Ang Paglusob Namin Na Hindi Nila Inaasahang Mangyayari.

Ang Fortress Kung Saan Ako Lamang Ang Nakatira Bukod Sa Mga Bantay Ay Naririto Din Si Malzahar Upang Maging Kapitan Ng Mga Hunters Na Bantay Sa Loob Ng Fortress. Matagal Na Silang Mga  Hunter Simula Pagkabata Ay Tinuturuan Na Sila Sa Paggamit Ng Mga Sandata't Iba Pang Armas Na Maaring Magamit Sa Digmaan.

Malalim Na Ang Gabi Ngunit Buhay Ang Diwa Ng Lahat, Naghahanda Sila Sa Muling Pagsilay Ng Umaga Na Siyang Hudyat Ng Paglusob Sa Mga Trolls Na Nasa Ibaba Ng Hunter's Hills. Pansin Ko Din Ang Katahimikang Bumabalot Sa Paligid. Hindi Na Bago Ang Katahimikang Iyon Simula Noon Hanggang Sa Ngayon.

Ang Mga Oras Ay Lumipas, Hindi Ako Nakaramdam Nang Kahit Antok Man Lamang Bagkus Ay Isa Lamang Ang Aking Iniisip Ngayon Ang Mga Magagaganap Sa Oras Na Sumilay Ang Bukang-Liwayway. Nakahanda Na Ang Malalaking Mga Bago Na Ihuhulog Sa Kanilang Kampo Habang Ang Mga Hunters Naman Ay Nageespiya Na Sa Kampo Ng Kaaway. Mayroon Lamang Mga Natitira't Naghahanda Nang Mga Hunters Sa Labas Ng Bayan.

Ilang Oras Na Lamang Ang Natitira Kaya't Ginising Ko Na Ang Iba Pang Mga Hunters Upang Ihanda Sila Sa Oras Na Sumilay Ang Bukang-Liwayway Ay Magaganap Na Ang Madugong Digmaang Na Magpapalayas Sa Aming Mga Kaaway

ELEMENTALIA:THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon