CHAPTER 36:LAST STAND & DOWNFALL OF TROLLS

25 5 0
                                    

Xavier Garen's Pov

Dumating Na Ang Oras! Walang Patatakasin Sa Kanilang Pangkat! Paslangin Ang Lahat! Ito Na Ang Oras Na Itinakda Upang Maging Tagumpay Ang Ating Plano Laban Sa Kanila!

Isang Hudyat Galing Kay Malzahar Ang Nagbigay Ng Pagkakataon Upang Pumasok Ang Mga Hunter Na Nakapalibot Sa Labas Ng Kagubatan. Walang Pagasa Ang Mga Troll Na Makaligtas Sa Amin.

Kahit Na Kakaunti Ang Kanilang Pangkat Lumaban Padin Ang Bawat Isa, Upang Makaligtas Mula Sa Aming Hukbong Sumalakay Ngayon. Hindi Lingid Sa Kanilang Kaalaman Na Ang Kagubatan Na Ito Ay Hindi Nila Mahahanap Kaagad Ang Pinakadulo't Ang Labasan Patungo Sa Ibang Lupaing Mayroong Iba Pang Mga Troll.

Habang Nilalabanan Ang Aming Pwersa Isa Isang Tumatakas Ang Mga Hindi Na Kayang Lumaban Habang Ang Iba Naman Ay Patuloy Sa Kanilang Pagtatanggol Sa Mga Kasamahang Hindi Kayang Makisabay At Lumaban Sa Amin. Kahit Na Sila Ay Pinalilibutan Hindi Alintana Ang Takot Nila Samin.

Tila Hindi Matapos Tapos Ang Pakikipaglaban Nila Sa Amin, Kahit Na Ang Iba Sa Kanila Ay Napaslang Mayroong Mga Tumakas Na't Nagtago Sa Ibang Parte Ng Kagubatan, Kaya't Madali Kong Inutusan Ang Pangkat Ni Malzahar Upang Hanapin Ang Iba Pang Mga Troll Na Tumakas Upang Mapatay Na Ang Mga Iyon Nang Di Makalabas Sa Loob Nang Kagubatan.

Pagod Na Sa Pakikipaglaban Ang Mga Troll Ngunit Hindi Nila Iyon Iniinda Kailangang Makaalis Silang Buhay Upang Bumalik Sa Kanilang Pinanggalingan At Makahingi Ng Tulong. Na Hindi Na Mangyayari.

Paslangin Ang Mga Manlalaban Pa At Bihagin Ang Mga Nanghihina't Sugatan, Ihaharap Natin Silang Lahat Sa Mga Taong Bayan, Bago Sila Paslangin.

Paguutos Kong Kanila Namang Nagawa Ngunit Pahirapan Dahil Sa Kanilang Pagtakbo Sa Iba't Ibang Direksiyon Sa Loob Ng Kagubatan Kung Kaya't Pinahanap Ko Kaagad Sila Sa Aking Mga Tauhang Nakabantay Sa Paligid Kailangang Mahanap Ang Mga Tumakas At Maparusahan Din Sila Kaagad.

Ilang Minuto Silang Naghanap Ngunit Sadyang Mabilis Ang Mga Kalabang Magtago Ngunit Hindi Nila Alam Na Mayroong Mga Patibong Kaming Inihanda Para Sa Kanila Kung Sakaling Mayroong Isa O Pangkat Na Papatakas Pa Lamang Ang Siya Ding Mahuhulog Sa Patibong Na Aming Ginawa.

Magbalik Na Muna Tayo, Malzahar Pamunuan Mo Ang Pangkat Na Maghahanap Sa Mga Natitira't Mga Buhay Pang Troll. Paslangin Ang Sinumang Lalaban, Bihagin Naman Ang Sinumang Hindi. Utos Kong Muli Bago Magbalik Sa Bayan.

Ilang Minuto Lamang Ay Nasa Bayan Na Ako't Patungo Sa Fortress Upang Manatili Doon Hanggang Sa Mayroong Mag-ulat Sa Akin Tungkol Sa Mga Tumakas Na Troll Sa Kagubatan.

Head Hunter, Kailangan Magbalik Na Kami Upang Mabantayan Ang Labas Ng Kagubatan Dahil May Pagkakataong Makalabas Sila Kung Wala Ni Isang Bantay O Pangkat Ang Naroroon. Saad Ng Isang Hunter Kaya't Sila Naman Ay Aking Pinayagan Dahil Kailangang Mayroong Pangkat Sa Labas Ng Kagubatang Iyon Upang Makasiguradong Walang Makalalabas O Makapapasok Na Kaaway.

Maghapo't Magdamag Silang Nagbantay Sa Labas Ng Kagubatan Hanggang Sa Kinabukasan Ganoon Pa Din Ang Kanilang Ginagawa Buoang Araw. Kaya Naisipan Kong Magpadagdag Nang Mga Bantay Upang Makasiguradong Mahuhuli't Mapapaslang Nila Ang Sinumang Lalabas Na Troll Na Galing Sa Pinakaloob Ng Kagubatang Iyon Na Bantay Nang Mga Hunters.

Hanggang Sa Isang Ulat Ang Aking Natanggap Mula Sa Isa Sa Mga Hunters Na Nakabantay Sa Labas Ng Kagubatan.

Head Hunter, Ang Mga Troll Ay Sinalakay Kami At Ang Ibang Mga Kasama Ko'y Pinagpapaslang Nila Bago Muling Pumasok Sa Loob Ng Kagubatan At Tumakas Mula Sa Pagkakaengkwentro Sa Amin. Saad Ng Hunter.

Kung Ganoon Magsama Ka Nang Mas Dobleng Bilang Na Hunters Upang Pamunuan Mo Upang Kung Sakaling Makaengkwentro Ninyong Muli Ang Mga Kalaban Ay Madali Ninyong Mapapaslang Ang Bawat Isa Sa Kanila. Utos Ko Sa Hunter At Siya'y Nagsama Ng Higit Sa 50 Hunters Upang Bantayan Ang Labas Ng Kagubatan Kasama Ang Iba Pang Mga Pangkat Na Naroroon't Umiikot Sa Bawat Sulok Ng Kagubatan Upang Hanapin At Paslangin Ang Mga Nakatakas Na Kalaban.

ELEMENTALIA:THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon