CHAPTER 47:THE ELEMENTAL GUARDIANS

54 5 2
                                    

Luna's Pov

Umagang Umaga Ay Hinanap Ko Kaagad Si Kaja Na Siyang May Alam Kung Nasaan Ang Ground Of Elementals. Ang Tirahan Ng Mga Elemental Guardians.

Natagpuan Ko Si Kaja Na Naroon Kasama Nina Uranus At Rafaela. Mayroon Yata Silang Importanteng Pinaguusapan Nung Oras Na Iyon. Kaya't Nagbalik Muna Ako Sa Palasyo Galing Sa Pansamantalang Tinutuluyan Ng Mga Celestials.

Magandang Umaga Prinsesa Luna, Bati Ng Isang Guard Sa Akin. Tinanguan Ko Na Lamang Iyon Bilang Tugon. Sinabihan Ko Sina Lancelot Na Tawagin Ang Iba Pa. Isasama Ko Sila Sa Grounds Of Elemental Para Makilala Nila Ang Mga Guardians Na Nandoon. Isa Pa Kasama Din Namin Si Kaja Na Siyang Magbubukas Ng Daanan Patungo Sa Lugar Ng Mga Guardians Na Iyon.

Hinanap Kong Muli Si Kaja, Natagpuan Ko Itong Muli Doon Sa Pansamantalang Tinitirahan Nila. Napansin Niya Agad Ang Presensiya Ko. Kung Kaya't Lumapit Siya At Tinanong Kung Anong Kailangan Ko.

Prinsesa Luna, Anong Kailangan Mo Sa Akin? Tanong Ni Kaja. Nasa Kanya Ang Susi Ng Lagusan Patungo Sa Ground Of Guardians.

Dalhin Mo Ako Ngayon Sa Ground Of Elementals, Kailangang Makausap Ko Ang Mga Guardians Na Naroroon Upang Hingiin Ang Kanilang Tulong Sa Oras Na Magsimula Ang Digmaan. Tugon Ko.

Hindi Madaling Pumasok Doon Prinsesa Luna, May Isang halimaw Na Nakabantay Sa Mismong Portal.
Ang Halimaw Na Iyon Ay Kilala Bilang Hundred Handed One O Ang Mga Hecatoncheires. Saad Ni Kaja.

Ngayon Ko Lang Narinig Ang Tungkol Sa Halimaw Na Tinatawag Nilang Hecatoncheires. Kung Kailangang Paslangin Ang Halimaw Na Iyon Ay Gagawin Ko Para Makapasok Kami Sa Portal Na Lagusan Patungo Sa Ground Of Elementals.

Sigurado Na Ba Ang Desisyon Mo Prinsesa Luna? Tanong Pa Ni Kaja Ulit. Tumango Na Lamang Ako Bilang Tugon. Naghanda Siya At Isinama Ang Ilang Guards At Celestials Upang Magbantay Sa Portal Hanggang Makabalik Ako.

100 Tauhan Lamang Ang Kasama Namin, Hindi Nakasama Sina Lancelot Dahil Kailangang Maiwan Sila Upang Pamunuan Ang Hukbo Kung Sakaling Magsimula Nanaman Ang Pagsalakay Nang Mga Darkians Sa Utos Ni Damien.

Nasa Gitna Ng Dagat Na Ito Ang Lugar Kung Nasaan Ang Mga Hecatoncheires At Ang Portal Patungo Sa Ground Of Elementals. Sumakay Kami Ng Isang Barkong Kahalintulad Ng Ginagamit Ng Mga Pirata Sa Kanilang Paglalayag.

Sa Gitna Ng Aming Paglalayag, Isang Halimaw Ang Biglang Lumitaw, Isang Leviathan. Malaki't Mayroong Nakakatakot Na Aura Ang Halimaw Na Ito. Mukhang Hindi Lang Ang Mga Hecatoncheires Ang Dapat Kong Tapusin Kundi Ang Leviathan.

Prinsesa Luna! Magingat Ka Masyadong Malaki Ang Isang Yan, Maaring Masira Niya Kaagad Ang Barkong Sinasakyan Natin Ngayon. Pagpapaalala Ni Kaja.

Nagcast Ako Ng Isang Elemental Fireball At Itinapon Sa Leviathan. Lubhang Napinsala Ang Halimaw At Nagbalik Sa Katubigan Upang Pagalingin Ang Sarili Sa Pinsalang Naidulot Ng Elemental Fireball.

Nagpatuloy Kami Sa Aming Paglalakbay Hanggang Sa Nagkaroon Nanaman Ng Isa Pang Halimaw. Isang Halimaw Na Kilala Bilang Cetus. Higit Na Mas Malaki Ang Cetus Kaysa Sa Leviathan. Nangangamba Ang Lahat Na Baka Wasakin Nito Ang Barkong Sinasakyan Namin. Isang Elemental Fireball Nanaman Ang Nacast Ko Upang Itaboy Ang Halimaw Pabalik.

Malapit Na Ba Tayo Kaja? Tanong Ko Kay Kaja Na Tumatanaw Sa Di Kalayuan At Pinagmamasdan Ang Kapaligiran Ng Karagatan.

May Kalayuan Pa Ngunit Malapit Lapit Na Tayo Sa Ating Paroroonan. Magpahinga Kana Lamang Prinsesa Luna Mahaba Pa Ang Paglalakbay. Sagot Nito.

Sinunod Ko Ang Sinabi Niya. Ngunit Hindi Naman Ako Nakatulog O Makaramdam Ng Antok Kaya't Nagmuni Na Lamang Ako Habang Patuloy Ang Paglalayag Namin.

ELEMENTALIA:THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon