CHAPTER 46:SURPRISE ATTACK

55 4 0
                                    

Luna's Pov

Ilang Linggo Na Mula Nang Dumating Ang Mga Celestials Dito Sa Aming Kaharian, Mas Naging Isang Malakas Na Hukbong Tao-Celestial Ng Aming Kaharian.

Hindi Nababahala Si Uranus, Alam Niyang Mayroong Isang Celestial Na Magiging Mata Niya Doon Sa Dark Kingdom. At Sa Oras Ng Digmaan Muling Magbabalik Si Argus Upang Ibalita Ang Nakalap Niyang Mga Impormasyon At Mga Plano Ng Kalaban.

Abala Ang Lahat Ng Taga Palasyo. Ang Buong Bayan Naman Ay Walang Ipinagbago Ang Kaibahan Lang Sa Ngayon Ay Mahigpit Ang Pagbabantay Ng Mga Guards Sa Bawat Tarangkahang Lungsod Na Nasasakop Ng Aming Kaharian Bukod Sa Iba Pang Kingdoms Na Parte Din Nito.

Sa Hardin Ng Palasyo, Namamalagi Ang Ibang Mga Celestials, Ang Iba Naman Nagkalat Sa Kung Saan Saan Upang Masiguradong Walang Makakapasok Na Espiya Ng Mga Kalaban. Mahigpit Na Utos Iyon Ni Uranus Sa Mga Celestials Na Nasa Pangangalaga't Pamumuno Niya.

Buong Araw Ay Naging Maayos At Tahimik Ang Buong Kaharian, Mabuti't Walang Naiisip Na Surpresang Pagatake Ang Dark Kingdom Sa Mga Oras Na Ito. Ngunit Nagbago Iyon Dahil Sa Isang Kawal Darkian Na Nagmamasid At Humahanap Ng Tyempo Kung Aatake O Tanging Pageespiya Lamang Ang Kanilang Dapat Na Gawin Sa Oras Na Ito.

Tinawag Ko Ang Isang Kapitan Ng Mga Guards Upang Mas Lalong Bantayan Ang Kapaligiran, Ipinaalam Ko Din Ang Tungkol Sa Isang Kawal Darkian Na Tanging Pagmamasid At Pagaantay Ang Ginagawa Sa Labas Ng Pader. Bumalik Muna Ako Sa Palasyo Upang Gawin Ang Ibang Dapat Kong Gawin Sa Oras Na Ito.

Isang Oras Mahigit Ng Matapos Ang Aking Ginagawa, Biglang Dumating Ang Isang Guard At Ipinasasabing Nagkaroon Ng Pagatake Ang Hukbo Ng Dark Kingdom At Malapit Na Nilang Mapasok Ang Bayan Sa Mga Oras Na Ito. Alam Na Din Nila Lancelot At Ng Iba Pang Ang Nagaganap Kaya't Pumaroon Na Sila.

Ang Mga Celestials Naman Ay Ipinagtatanggol Ang Kanilang Lugar Na Binabantayan, Walang Laban Ang Mga Darkians Sa Lakas At Kapangyarihan Ng Hukbo Ng Mga Celestials. Sina Uranus,Rafaela At Si Kaja Ay Pinangunahan Ang Malawakang Pagatake Ng Mga Celestials Sa Mga Sumusugod Na Darkians. Ibang Pagkatakot At Pagkabahala Ang Dala Ng Hukbong Celestial Sa Kalaban. Alam Nilang Nanggaling Ito Sa Celestial Palace Na Siyang May Pinakamalalakas Na Mandirigmang Celestials Katulad Ni Uranus,Rafaela At Kaja Na Binigyang Awtoridad Na Pamunuan Ang Buong Hukbo Ng Celestial Palace At Pumarito Upang Bigyang Tulong Ang Mga Kahariang Makikidigma Laban Sa Dark Kingdom Na Siyang Pangunahing Kalaban Ng Lahat.

Ang Unang Paglusob Ay Hindi Nagtagumpay Kaya't Mayroon Pang Ipinadalang Bagong Hukbo Ang Dark Lord Kasama Ang Ibang Mga Mandirigmang Abyssal Na Pinamumunuan Ni Dyrroth. Ang Prinsipe Ng Abyss Kasama Ang Iba Pang Malalakas At Pangunahing Mandirigma Ng Abyss.

Mukhang Mas Maaga Kaysa Sa Inaasahan Ang Kanilang Pagatake, Ano Sa Tingin Ninyo Ang Dapat Na Gawin Natin Sa Kanila? Humanda Kayong Lahat! Paguutos Ni Lancelot. Binigyang Hudyat Ang Aming Hukbo Kasama Ang Hukbong Celestial Na Salubungin Ang Ginagawang Pagatake Ng Dark Kingdom At Ang Hukbong Abyss Na Pinamumunuan Ni Prince Dyrroth At Mga Kasamahan Nito.

Ang Mga Legendary Wizards Ay Nagsidatingan Din Kaya't Nabagabag Ang Hukbong Darkians Dahil Kasama Nito Ang Limang Legendary Dragons Na Makakatalo Sa Dark Dragon Nila Sa Oras Na Magharap Sila Sa Mangyayaring Digmaan Bukod Sa Nagaganap Sa Mga Oras Na Ito. Hindi Padin Kami Kayang Daigin Ng Dark Kingdom Kahit Naroroon Na't Binuhay Muli Ang Dark Lord Na Si Adragan Lockser Na Kanilang Hari Noong Una Bago Naipasa Kay Damien Na Siyang Hari't Prinsipe Ng Dark Kingdom Sa Ngayon.

Tumindi Ang Labanan, Walang Nabawas Sa Hukbong Kasama Namin Ngunit Sa Kalaban Ay Halos Kahating Bilang Ng Mga Darkians Ang Nawala. Alam Kong Hindi Sa Ganito Matatapos Ang Gagawing Pagsalakay Nang Dark Kingdom, Kaya't Mas Naging Alerto Kami. Ang Paligid Ay Nabalot Ng Katahimikan At Ang Dark Lord Ay Siyang Nagpakita Dala Ang Isang Hukbo Ng Mga Darkians.

ELEMENTALIA:THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon