Chapter 3

2 1 0
                                    

Narinig ni Harper ang pinag uusapan ng mga Hera members.

Agad itong nagpunta sa room ng Trance Royale Club.

"Alam nila ang ginawa ninyo" ani Harper

"And so?" ani Sadie

Lumapit si Ellis "Natatakot ka ba ha?" aniya dito

Bumaba si Wendy sa pagkakaupo nito sa mesa at lumapit kay Harper "Mas matakot sa amin, tandaan mo... Parti ka ng planong yun. Kapag nagsalita ka damay ka" bulong niya

Harper POV

Bakit ganoon na lang ang takot na naramdaman ko, hindi ko sinasadya pero hindi ko rin kayang iwasan. Kapag nagsalita ako, pati ako madadamay. Ayoko madisappoint sa akin si tita at si tito. Anong gagawin ko?

Hindi ito mapakali sa kanyang kwarto.

Kinuha niya ang mga libro at binuklat nya iyon sa kanyang lamesa.

Habang nagbabasa.... "aaah bakit ganoon... Hindi ko maalis sa isip ko bagay na iyon." kabadong kabado ito

May kumatok

Sa gulat ay nahulog niya ang ballpen.

"Bukas yan" aniya.

Nagmadali niyang pinulot iyon at tumayo.

"Gusto ko lang check kung okay ka lang" ani Ratchana

Tumango ako bilang sagot dahil kapag nagsalita ako ay mapapansin niya na hindi talaga ako okay.

"Nagtimpla ako ng chamomile tea para makatulog ka ng mahimbing" ani Ratchana

"Salamat po" aniya tyaka inabot ang tasa.

Nang umalis ito ay nakatingin lang sya sa hawak.

"Bakit ang bait ni tita sa akin pero kapag si ate Emil-Rose hindi ko makita ang amore niya sa kanya.

Bumuga ito ng hininga..humigop siya ng tea pagkatapos ay humiga na siya

Habang nasa sasakyan kami ay hindi ako mapakali. Hindi ko siya matitigan dahil alam kung may nagawa akong pagkakamali at hindi ko idedeny iyon.

Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko siya, walang emosyon ang mababasa sa ekspresyon ng kanyan mukha.

Tumingin ako sa kanya....

"Bakit?" tanong ni Emil-Rose

Hindi ko alam kung ilang sigundo na akong nakatitig lang sa kanya para makita niyang nakatingin ako sa kanya.

"Gus_" hindi ko maituloy ang sasabihin...parang may pumipigil sa akin

"Kung may gusto kang sabihin mamaya mo gawin, we're here and I need to go!" ang sabi ni Emil-Rose.

Pinagmasdan ko lamang siyang naglakad papalayo habang ako ay narito lang.

"You're trying to say to her right?"

Boses pa lang ay alam ko na kung sino iyon.

Lumapit siya sa akin... "Hindi iyan makakatulong sayo.... At wala kang pruweba kaya mababaliwa lang ang effort mo." ani Wendy at tyaka ngumiti

"Sa tingin mo ba sa gagawin mong ito may magbabago? Hindi ka pa rin mapapabilang sa Hera, itanggi mo man kitang kita sayo na gusto mo kaya Sino ngayon ang talunan? Kaya mag isip ka. Pabor sayo ang ngayon sitwasyon, ayaw mo ba noon?" Ellis says in Sardonic tone.

Noong sulyapan niya si Wendy ay ngumiti ito sa kanya.

Sa sinabi niyang iyon ay mas lalong naguluhan ang isip ko at hindi ko alam kung anong ipinapahiwatig ng ngiting iyon ni Wendy.

The Identity of Emil-RoseWhere stories live. Discover now