Chapter 8

1 1 0
                                    

Pagpasok ni Harper sa Canteen ay naroon na ang mga kasama. Lumapit siya para umupo sa bakanteng upuan pero nakalagay ang bag ni Sadie at Debbie

"Excuse me, pwedeng sa mga upuan niyo na lang ilagay itong mga bag ninyo?" mahinang sabi niya sa mga ito

Tinignan lang siya ni Debbie tapos bumaling ulit ito sa mga kasama at tuloy tuloy lang sila sa kwentuhan na parang wala siya doon.

Lumingon siya sa mga katabing mesa pero puno na rin ito at walang bakanteng upuan.

Naglakad siya... Nagdesisyon siyang kumain na lang sa labas....

Napadaan siya sa mesa nila Ressy. Nakayuko itong naglakad.

"Dito ka na lang"

Napaangat ang tingin niga ng may magsalita.

"Dito ka na lang kumain" anyaya ni Via

Nag aalangan si Harper na lumapit. Lumingon siya sa mesa nila Wendy. Abala sila sa pagkukwentuhan

"Kung lalabas ka pa, kukulangan ka na sa oras. Ilang minuto na lang balik room na lahat" ani Terri

"Halika na dito" ani Via na nakangiting tumingin sa kanya

Tumango siya at nahihiyang umupo ito sa tabi niya

"Hindi ba bawal lumapit sa Hera club?" tanong nito

"Hindi namin pag aari ang canteen, hindi nakasaad sa rules ng Hera Club ang bawal makishare table ang sinuman" sagot ni Mallory

Tumango siya at inilabas na niya mula sa bag ang kanyang baon.

Nang ilatag niya ang mga ulam niya ay nakita iyon ni Ressy.

Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib.

"Gusto nyo?" alok niya sa kanila

"Thanks but I have my own" sagot ni Callie

Umiling ang iba sa kanya.

"Gusto mo Ressy?" alok nito sa kanya

Tinignan niya ito sa mata. Binitawan niya ang hawak hawak na kutsara at tinidor. "Hindi ka ba makaintindi o nagtatanga tangahan ka lang? Sinabi ko naman sayo na huwag mo akong tatawagin sa pangalang iyan... eat you food silently, will you?" aniya tyaka nginisihan niya ito. Tumayo siya at umalis.

Natahimik sila.....

"Look at her..... She is so pathetic. She is not belong any group. Ilusyunada" ani Wendy na tumawa

"Yeah, I don't like her ever since. Bakit mo ba kasi siya sinali sa group natin?" ani Sadie

"Because I know I can use her to her cousin.  Kapag wala na siyang halaga, mawawala na siya sa group." paliwanag niya

"You're the best Wendy!" sabay sabi ni Leysa at Monika, nag apir pa sila na tuwang tuwa.

Nang matapos si Harper ay umalis na ito.

Nagulat siya ng may biglang humawak ng braso niya.

"Wendy?" gulatniyang sabi

"oppps! did I startled you?" ani Wendy

Umiling si Harper.

"Naisip kung magbawas ng member, since ikaw ang bago baka mapabilang ka sa tatanggalin ko." diretsyang pahayag ni Wendy

"Aalisin mo ako, ano ginawa ko para alisin mo ako sa group? Dahil ba yun sa naki share ako jg mesa sa mga Hera Club?" tanong ni Harper.

"Hmmmmm wala ka pa kasing nagagawang pabor sa group kaya I think maghanap na lang ng bago" ani Wendy.

The Identity of Emil-RoseWhere stories live. Discover now