Chapter 4

1 1 0
                                    

Maaga pa lang pero marami ng tayo sa Announcement Wall.

"Anong pinagkakaguluhan niyo dyan?" mataray na tanong ni Wendy

Hindi siya pinansin ng mga ito

Tumingin siya sa mga kasama at tumango ang dalawa. Lumapit sila at hinawi ang mga ito.

"Tabi...tabi...tabi!" masungit na sabi ni Leysa

"aray naman.." daing nung babae

"Tumabi ka kasi, paharang harang!" sigaw ni Sadie

"Shhh sungit parang ang ganda niya" bulong nung kasama ng babae

Lumingon si Sadie sa kanila at tumaas ang kilay nito. "Alis bago pa kita kalbuhin diyan!" pahtataboy niya sa dalawa

"Tara na nga!" yaya nung isa. "Buti na lang top 1 pa rin si Emil-Rose. Kahit cold hindi naman siya tulad ng mga Chikititang ito" parinig nung isa bago sila tumakbo.

"Takot rin lang pala, mga boba!" ani Sadie

Lumapit si Wendy at binasa ang mga pangalan ng club at mga pangalan na nakalista.

Bigla itong sumigaw "aah!!!" nagulat ang mga naroon sa ginawa niya. "Bakit wala ni isa sa atin ang nasa listahan, pati Club natin nasa pinakahuli.... Nakakainis na!" nanggigilaiti ito sa galit

May mga bagong dating at tinignan ang listahan. "Wow, sila pa rin talaga ang nasa unahan. Hindi lang sila Maganda at Gwapo. Matatalino din" puri nung isa

Ngumisi si Wendy at humarap sa nagsabi nun. "Pinupuri mo pero wala ka namang pangalan sa listahan. Useless!" aniya sabay irap sa babae at tyaka padabog na umalis. Sumunod ang mga kasama nito.

Pagdating nila sa TRC room ay ibinagsak nya ang pang upo sa couch.

"Nakakairita, lahat na lang ba? This is infair. Anong klaseng elite school ito kung iilan lang ang pinapaburan. We are suppose to be there too!" napa padyak ito sa inis

"Anong nangyari?" bungad ni Harper na kararating lang niya.

Tumingin sila sa kanya

"Kararating mo lang? Tsk malamang hindi mo alam ang news" pagtataray na sabi ni Wendy

"Ano ba yun?" talang tanong nya. Uupo ma sana siya ng tunguhan siya ni Monika. "Dyan ang upuan ni Debbie" aniya

Tumango si Harper at naghanap ng mauupuan.

"May territory pati sa upuan" aniya sa isip habang hinihila nya ang bakanting monoblock ma kulay pink.

"Naglabas na ng listahan ang Student's council ng Top 50 Popular Students at sa kasamaamg palad nasa unahan ang pinsan mo" pahayag ni Ellis

"Anong meron doon?" takang tanong niya

"Wala ka talaga alam no? Well, makinig ka. Ang Popular Student or PS ay napaka importante sa mga estudyante ng ekwelahang ito. Hindi lang fame ang makukuha mo. Alaga anh club, may awards ang top 50 kasama ang magulang. Iaanunsyo ito sa page kung saan kabilang ang halos lahat ng kilalang schools sa bansa kaya madaragdagan ang makakakilala sa kanila at magiging model for a month. Ipapaskil sa buong school ang mga mukha nila which I don't like to see." ani Wendy

"Ganoon ba yun, paano ka makakasali sa PS?" tanong ulit nito na nag uumpisa ng magkainterest dito.

"Well, as usual kasama ang attendance mo dapat perfect attendance at yung exam." paliwanag ni Ellis

"Anong exam?" tanong nito ulit

"Exam yun tungkol sa school. Dalawang tanong tanong lang yun. Kapag tama at nagustuhan nila ang sagot mo, automatically pasok ka sa top 50 kaya ikaw dapat makapasok ka kahit sa top 10 para at least, matuwa tuwa naman kami sayo" ani Sadie

The Identity of Emil-RoseWhere stories live. Discover now