Chapter 22

2 0 0
                                    

"Ratchana!" sigaw ni Connor ng makapasok ito sa bahay.

Umalingawngaw ang boses nya sa bawat sulok ng bahay sa kanyang pagtawag.

Mabilis na lumabas ng kanilang mga kwarto sila Harper at Ressy

"Bakit ka ba sumisigaw" ani Ratchana na nagmamadaling bumaba

"Ano to?" tanong ni Connor na galit na galit

Inabot ang papel na hawak ni Connor.

Mga bank bills..

Nang makita iyon ay nagulat siya sa mga perang nacash out.

"Within 2week you spend 2 million pesos, alam mo ang sitwasyon ng kompanya pero inuuna mo mga luho mo!" ani Connor

Hindi naka imik si Ratchana dahil alam nya na si Harper ang gumastos niyon.

"Hindi na ba ako pwedeng mabuhay ayon sa gusto ko, pinaghirapan ko rin yun. I am the Vice President and I have the right to spend my money." pangangatwiran ni Ratchana.

"Yan talaga ang iniisip mo Ratchana?" napailing si Connor na bumuga ng hininga ng marahas. "Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang isalba ang kompanya pero ikaw nagpapakasaya ka sa mga  luho mo without even thinking of the future. Kapag nagsara ang kompanya huwag mo akong sisihin" ani Connor. Niluwagan niya ang tali ng tie nya. Napailing itong umalis.

Napasinghap si Ratchana at pumikit.

Sa hagdan ay naroon si Harper, sa di kalayuan ay naroon si Ressy na minamasdan sya.

"Good evening po" mahinang bati ni Harper

Hindi siya pinansin ni Connor bagkus ay tuloy tuloy lang ito sa pag akyat.

Nakaramdam ng kirot sa puso nya, Napakunot ang noo nitong sinundan ng tingin si Connor. Napabuga siya ng hininga at mapait ang pinakawalan niyang ngiti.

Sumilip ito sa ibaba, nang makita ang ina ay nagmadali siyang bumama at nilapitan ito.

Niyakap niya mula sa likod si Ratchana.

Nagulat si Ratchana pero hindi ito nagalit ng malaman si Haper iyon.

"I'm sorry po, dahil sa akin napagalitan kayo" bulong ni Harper

Iniharap nya ito at tinignan. "Wala kang kasalanan, those money is mine. Karapatan ko yun kaya wala kang dapat ihingi ng tawad" ani Ratchana

Mas hinigpitan ni Harper ang yakap dito.

Tahimik na pinagmamasdan sila ni Ressy. Hindi niya maiwasang mainggit. Kumurap kurap ito para mapigilan ang nangingilid na mga luha.

Sa pagpasok ay hindi sila nagkikibuan sa loob ng sasakyan, kahit noon pa man.

"Pwede ba pumila ka?" sambit ng babae

"May angal ka ha?" ani Harper na dinilatan niya ito.

"Bakit ano bang pinagmamalaki mo" sabat ng isa.

Paglingon ni Harper ay may apat na babaeng nakapamaywang. Nakataas ang mga kilay nila

"You think I'm scared of you, you, you, and you?" isa isa nyang itinuro ang mga babae at nagtaas din ng kilay.

"I mean wow, the quiz was totally burning. My mind squeez it up. Buti na lang at nagbasa ako kagabi or else wala ako makukuha. " ani Via, naglalakad sila papasok ng canteen

"Yeah, I really didn't expect the kind of quiz  she gave." ani Terri

"Teka, bakit parang may nagsisigawan sa pila?" takang tanong ni Deena

The Identity of Emil-RoseWhere stories live. Discover now