Chapter 45

4.1K 238 31
                                    

Ilang oras na ang lumipas pero wala paring prof ang dumating matutulog nalang sana ako ng  bigla nalang marinig namin ang pag bukas ng pinto

Napatingin naman kami doon at nakita namin si Jaikka na pumasok

Sinuyod nito ang kanyang tingin at agad naman dumapo sa direksyon ko tiningnan ako nito at nginitian sabay kaway

"Hi Ambher hehe"

Ani nito Bago umayos ng tayo at nag salita

"Nandito ako dahil inutusan ako ni Press na sunduin si Ambher kaya paki sabi nalang kapag dumating na ang prof nyo na pinapasundo si Ambher"

Ani nito saka tiningnan ang direksyon ni Ug*k na Presidente

Na alam kong walang pakialam sa paligid

Sunod ay tumingin ito sakin at ngumiti

"Tara na Ambher"

Ani nito kaya tumayo na ako at lumapit sakanya

Pagkalapit ko agad ako nitong hinawakan sa kamay at hinila ako palabas ng Room

Nagpati anod nalang ako hanggang sa makalabas na kami ng building namin

At nalaman ko nalang na ang daang tinatahak namin ay ang daan patungo sa Music Room

Nang matanaw ko na ang Music Room bibitaw na sana ako ng Mabilis nanaman akong Hinila ni Jaikka at nilampasan namin ang Music Room

Napakunot nuo nalang ako dahil buong akala ko sa Music Room kami pupunta

Di naman ako nito binalingan ng tingin seryuso lang itong naglalakad habang hila hila pa ako

Kaya nilingon ko naman ang Music Room at may nakita akong mga Lalaki na papasok doon

Napatingin lang ako sa harap ng bitawan na ni Jaikka ang kamay ko at mapa tigil kami sa paglalakad at Bumungad sakin ang Isang room  pinag masdan ko muna ang loob nito dahil binuksan na ni Jaikka ang pinto bago pumasok

Base sa Malaki nitong Salamin sa Harap at ang Speaker na nasa gilid mukhang ito ang Dance Room

May nakalagay din kasi

So iisa lang  pala daanan  ng Music Room at Dance Room?

Akala ko maglilibot pa ako sa twing may Practice eh

Well Ilang room lang naman ang Pagitan ng Dance Room at Music Room kaya Napa natag na akong di ko na kailangan mag pagod kakatakbo sa twing may Practice

Nilibot ko muna ang paningin ko at napatigil sa mga babaeng nasa Harap namin na nakatingin samin

Isa na don si Eoyhuna, Cathleah at Faye

Ngumiti naman ito sakin at mabilis akong dinamba ng Yakap

"AMBHERRR WAHHHH SA WAKAS NAKA PRACTICE KANA"

Sabay talon talon ni Cathleah habang nakayakap sakin narinig ko naman ang pagtawa ni Jaikka pati narin ang iba

"Kahapon ka pa namin hinihintay"

Ani ni Faye at bumitaw sa yakap ganon narin ang iba

"Busy pa kasi ako kahapon"

Pagdadahilan ko

Mag sinungaling na muna tayo

Alangan namang sabihin kong

'Sisihin nyo yong H*nayupak nyong Presidente kong di dahil sakanya naka Practice sana ako'

The One and Only Princess of Section A-1Where stories live. Discover now