Chapter 102

2.1K 152 54
                                    

Don nangunot ang nuo ko nang makita kong sino ang tinutukoy nito.

Yong lalaking Maputi na  may hawak na bola kanina. At yong tinutukoy nong babaeng nag abot sakin nang bulaklak.

Ngumiti ito nang Makitang nakatingin ako sakanya.

Medyo nakaramdam ako ng inis nang makita ito. Para kasing nayayabangan ako rito.

Napangiwi nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag tabi nito sakin.

"Hi Miss Beautiful"

Ani pa nito ngunit di ko ito pinansin.

"Pwede ba Kiezo tigil tigilan mo yang si Ambher, Hindi yan pumapatol sa Chickboy na kagaya mo"

Saway ni Jenny rito.

Hinayaan ko nalang sila at di nalang pinansin pa.

Medyo naparami ata ang kain ko ngayon but who cares? Gutom yong tao e.

"Pwede ba Jenny kung nagseselos ka sabihin mo lang, Kasi wala akong pakealam"

Dinig ko pang sagot nito.

"Yuck! Mahiya ka nga sa sinasabi mo Kiezo, Kahit na kelan di ako magkakagusto sayo, Hindi ikaw yong tipo ko"

Medyo may katarayan nang sagot ni Jenny.

"Tanungin mo rin kaya sarili mo kung tipo din ba kita"

Sabat naman ng lalaki.

Napatigil ako sa pagkain at nilingon si Jenny na masama ang tingin sa lalaki.

"Oh tama na yan, wag mo nalang pansinin at kumain nalang tayo"

Awat ni Miera kaya naman tulad ng sinabi nya nagpatuloy na kami sa pagkain.

Besides malapit nalang din ako matapos.

"Hi ulit, Ambher pala pangalan mo? Ang ganda naman kasing ganda mo"

Baling nito sakin. Di ko nalang ito pinansin kahit na sukang suka nako sa pinag sasabi nito.

"Pwede ba Kiezo wag mong Istorbuhin si Ambher, Kumakain yong tao e"

Saway ni Miera dito.

"Yaan mo na ako Mier, Ngayon lang to"

Ani nito.

"Kiezo Alam naming Chickboy ka pero wag naman si Ambher baka mapahamak ka pa"

Natatawang Saad ni Miera. Di ko alam kung anong ibig nyang sabihin pero bahala na sila.

"Mier naman parang di tayo magkaibigan ah, Nagkaroon kalang ng kasama na taga syudad ganyan kana"

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa tono ng pagkakasabi nya. Di nya ba alam ang Word na Gentleman?

What a Jerk.

"Ambher do you have a Boyfriend?"

Baling nito sakin at nakangiti pa ang G4g0 na para bang di nya ininsulto ang mga kasama ko.

Pag sakin mabait pag sa kasama ko lumalabas ang tunay na kulay, Ano yon santo santuhan?

Sakto at tapos narin akong kumain. Gusto ko pa sana kumain ngunit nawalan nako ng gana dahil sa lalaking to.

The One and Only Princess of Section A-1Where stories live. Discover now