Chapter 74

3.3K 242 131
                                    

Nakababa na ako at agad na bumalik sa backstage di ko na pinansin pa ang kong ano mang sinisigaw ng mga estudyante

Agad akong nag tungo sa upuang kinauupan ko kanina

Don bumungad sakin si Dominique

"You have a nice voice"

Biglang saad nito dahilan kaya napatingin ako rito

Naka pamulsang itong naka tayu sa gilid ng upuan ko kanina

Abah ako pa

"Syempre ako pa kaya nga napasali ako sa Music Arts eh"

Pagmamayabang ko dito habang mayabang ding tiningnan ito

"Yabang"

Saad nito at Nakita ko nalang ang pag iling nito habang may munting ngisi sa labi

"Atleast may maipag mamayabang,  Maganda na boses tapos ang ganda ko pa, Ang galing ko pang sumayaw, oh san ka pa? Sakin kana"

Mas mayabang ko pang saad at napangiti pa sa kayabangan ko

"Oh san ka pa sa Basagulera kana"

Pang aasar naman nito sakin

Abah g*gu to ah
Masapak nga baka sakaling kiligin

"P*nyeta naman Dominique eh hinaharot na nga kita tapos di ka manlang kinilig abah eh kong hampasin ko kaya tong upuan sayo ha"

Kunwareng naiirita ko pang saad dito at inirapan ito saka binaling nalang ang tingin sa hawak kong gitara dahilan para marinig ko ang tawa mula sakanya

"Hindi kasi ganyan mag pakilig"

Ani nito at bago ko pa maiangat ang tingin rito naramdaman ko nalang ang braso nitong naka hawak sa bewang ko habang ang isa naman ay hinihimas himas ang pisngi ko

"Ngayon anong pakiramdam ng kinikilig?"

May bahid ng pang aasar sa tinig nito

Di ko kayang iangat ang tingin ko rito

Di ko alam kong bakit parang nagtatago na ang kawalang hiyaang ko

No, di to pwede

Selp umayos wag kang papatalo jan
Harutin natin kong kinakailangan

Ipakita nga natin ang kawalang kahiyaan ko

Napangisi ako sa iniisip ko at agad na ingat ang tingin rito direkta sa mata ko itong tiningnan

Don ko nakita ang naka ngisi itong naka tingin sakin pero agad ding napawi ng direkta ko itong tiningnan sa mata

Agad itong napatigil sa pag haplos sa pisngi ko ng bigla kong nilapit ang mukha ko rito

Nanlalaki ang mga mata nito sa ginawa ko samantalang gusto ko namang matawa sa reaksyon nito

Lalo ko pang nilapit ang mukha ko rito hanggang sa dalawang pulagada nalang ang layo ng labi ko sa labi nya

Mataas ito at hanggang tenga lang ako nito pero dahil sa nakayuko ito abot ko ito

Naramdaman ko nalang ang pag luwag ng pag hawak nito sa bewang ko

Nang makita nitong idadampi ko na sana ang labi ko sa labi nya ngunit agad ko itong niliko patungo sa tenga nya

"Ngayon ako naman ang mag tatanong anong pAkiramdam ng kinikilig?"

Nakangisi kong bulong dito at agad nilayo ang mukha nabitawan naman nito ang bewang ko

At parang tuod ko itong tinalikuran at nakangising naglakad patungo sa kinauupuan ko kanina habang dala dala ang hawak na gitara

The One and Only Princess of Section A-1Where stories live. Discover now