CHAPTER 1

5 1 0
                                    


Jhustin's POV

"Jah, are you okay?" tanong niya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya na parang naaawa saakin. Ayoko ng ganito, ayokong may naaawa saakin.

"I'm okay Princess Claire Mae Tuazon, wag kang mag alala" I answered her slash tease ko narin.

"Jah naman eh, for the nth time please don't call by my full name nakakairita kaya" sagot niya naman na parang na iinis na. Napaka cute niya talagang tignan kapag nagagalit.

"Say please princess Claire..."

"Hmmmm jah naman kase eh" galit galitan niyang act.

Sasagot na sana ako kaya lang parang may mangyayari na namang hindi maganda, palapit nanaman siya saakin. At iyon na nga kiniliti niya na naman ako. Bakit ba kase kapag naiinis ang isang to nangingiliti agad? Maybe it sounds childish pero eto kami eh, nasanay na talaga. She is my bestfriend since na inapon ako ni Mommy Sherlie. Magkapitbahay lang kase kami at dahil na din sa madali siyang pakisamahan kaya naging close na kami agad.

"Ano ano? Sasagot ka pa? tignan natin kung hanggang saan talaga ang kaya mo Jhustin Clift Clavel" paghahamon niya saakin.

"okay okay fine. Di na kita iinisin Princess clai-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng putulin niya ito.

"Urghhh sabi nang wag mo na akong tawagin ng ganyan, Claire nalang kase" sabi niya habang tinatakpan ang bibig ko.

Itinaas ko na ang aking kamay na para bang susuko, "okay na nga, okay na Claire, happy?" parang galit galitan portion na naman ako.

"Jah, galit ka na niyan?"

"uyyy jah ano ba" pangungulit niya.

"grabe ka naman jah, para kang babae. May menstruation kaba ngayon?" wth! Ano daw? Tinignan ko siya ng masama, na para bang ayaw ko ang kanyang sinabi. Ako babae?

"Halaaa... sorry na jah. Di na mauulit" pagcocomfort niya naman. Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang ako papalayu sa kanya at sumunod naman siya.

"Jah sorry na nga, I am so careless di kita dapat kiniliti at sinabihan na..."

Hindi ko siya pinansin at patuloy nalang ako sa paglalakad.

"Pinapasaya lang naman kita ehh. Alam ko naman na naglulukso ka sa pagkawala ni tita Sherlie" at ayun napahinto na akon. Bumalik na naman sa isip ko ang mga masasayang araw na kasama ko si mommy. I missed her so much.

"jah magsalita ka naman oh. Na!" pagsusuyo niya parin habang niyuyugyog ako.

"Namiss ko na si mommy" walang emosyong sagot ko. Ayaw ko naman ipakita na parang nakakaawa ako.

Di ko alam kung ano na ang iniisip ni Claire dahil napatahimik nalang ito. Tingnan ko siya at pagkatingin ko ay nakayuko na siya na parang bang walang gana o tamlay na. Ito na talaga ang ayaw ko, na pati ang ibang tao na nachechange ko ang emosyon nila. Ayoko ko ng ganitong vibe, gusto ko masaya lang palagi.

Hayyy buhay naman oh. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at naiwan sa likuran ko si Claire na parang may iniisip parin. Hmmmp, tuwing si mommy na ang topic di ko talaga naiiwasan na maging emosyonal. Imagine ilang years niya akong kinupkop at tinuring na parang sarili niya ng anak, tapos wala man lang akong magandang ginawa para makabawi man lang sa kanya. Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya sa paraang magagawa ko. Hindi ko naman kase iniisip na dadating pala ang araw na lilisan siya ng hindi inaasahan tulad nalang ng pagkawala ng mga totoong mga magulang ko.

Napakalaki ng utang na loob ko kay mommy at di ko pa yun matutumbasan. Ngayong nag-iisa nalang ako sa tahanan niya ay hindi naman ako nahihirapan financially kase pinamana niya pa lahat saakin ang kanyang mga ari-arian.

Ngayon ay isang taon na ang lumipas ng kanyang pagpanaw, hindi ko din magawa ang pagcelebrate dahil ako naman lang mag-isa.

"Paano ba naman kase ito?" bulaslas ko pagkadating ko sa loob ng bahay. Kinuha ko ang aking guitara at pinatugtog ito. Hindi ko malilimutan ang unang araw na pagkikita namin ni mommy, yung tipong nagtutugtog din ako mag-isa noon tapos bigla nalang siyang dumating at di ko inasahan na magpapabago sa buhay ko.

"I was walking under the rain,

When somebody is calling my name,

I turned my head to the right,

But I didn't see anything except of the kite."

Kinanta ko ang first stanza ng song na on the spot na kinata ko noong gabing Nakita ako ni mommy. I don't know kung bakit yun ang lyrics na kinanta ko, kusang lumabas nalang kase yun sa bibig ko.

"Chrorus:

In this day they have left me,

I want to stay strong,

But I have gone crazy,

I can't live myself all alone.

Can someone save me,

I cannot handle this reality,

Is this the last chance to live?

What's more I can give?

Ohhh please help,

There's no way I can handle myself.

All I can remember that time,

That they were all by my side.

Chorus:

In this day they have left me,

I want to stay strong,

But I have gone crazy,

I can't live myself all alone.

Can someone save me,

I cannot handle this reality,

Is this the last chance to live?

What's more I can give?

Because that day I can still remember,

I choose to walk under the rain,

Then someone calls my name,

I turned my head everywhere,

But..."

Na cut ang pagkanta ko nang maalala ko na hindi ko pala natapos ang kantang ito. Mahigit kumulang dalawang dekada na ang nakalipas pero ngayon ko naman ito na kanta. Ano kaya ang panghuli ko dito?

"But you left me in pieces,

Then how can I make my life peace?

You left me with pain,

How much happiness can I gain?"

"Pwede na ba yan?" I uttered, pero parang ang sakit naman yan. Dapat gawin ko nalang itong happy ending para magkaroon naman ng hustisya ang kantang ito. At diba jah ginawa mo ang kantang to dahil namatay parents mo noon at hindi si mommy. Pero ngayon na inspired na ako kay mommy, I should make it happy, siya naman talaga ang dahilan bakit ako ngayon lumalaban diba?

Hayyy nababaliw na yata ako, kinakausap ko na ngayon ang sarili ko. I continue strumming my guitar at nagpatuloy din na mag isip ng idadagdag na lyrics.

"But there is you,

You gave me color in different hue,

You were the kite I found under the rain,

You fly me away and take all my pain,

You were the one who pushed me up,

When there are times that I wanna give up

So, thanks to you,

You make me a better person too,

thanks to you,

You make me a better person too,

Thanks to you ohhhhh,

I miss you..."

As I ended up the song napaluha nalang ako ng hindi inaasahan.

"I miss you so much mom... I really really love you" kinuha ko ang picture frame na may larawan naming dalawa at niyakap ito. Hindi ko naman inaasahan na mapa hikbi muli.

PaubayaWhere stories live. Discover now