Chapter 2

1 0 0
                                    


Jhustin's POV

Napabaling ako sa tunog na nagmula sa aking telepono, tumatawag pla si Claire. Hindi na ako nag atubili at sinagot ko na ito. Ilang araw nadin kami hindi nagkita pagkatapos noong iwanan ko siyang mag isa sa may plaza malapit saamin. I guess I need to say sorry too mas napairal ko that time ang sakit na naramdaman ko.

"Hello jah? Jah?" parang nag ra-rattle na tawag niya sa akin.

"Hello Claire? Ano ang nangyayari bakit ganyan ang tono ng boses mo?" tanong ko naman pabalik.

"Jah puntahan mo naman ako dito sa ano? Ano bang lugar ito? Ang dilim dilim..." parang natatakot na pagsagot niya.

"Ano bayan Claire hinay hinay naman sa pagsasalita, hindi kita maiintindihan niyan" kalmadong pagsabi ko naman, ano ba naman ang nangyayari sa babaeng ito.

"Claire may saabihin sana ako saiyu eh"

"A- ko rinn sann- a jahh e" putol na putol na sabi niya naman.

Ano ba kaseng nangyayari sa kanya, bakit napatawag siya ng ganitong oras ng gabe, its 8pm. Ano ba naman ang ginawan nito?

"Claire choopy ka, kumalma ka nga. Siguradong wala ka sa bahay niyo no? Ano ba naming pasaway ang ginawa mo? Isusumbong talaga kit-" hindi ko na naman napatapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya sa kabilang linya.

"Jah maawa ka, wagg- wag-w mo na ngayon... kailangan ko ang tulong mo" hingal na hingal na pagkasabi niya. Bakit parang may tinatakasaan siya?

"Saan ka?" diretsahang tanong ko na.

"Sa lugar na puro puno, masukal dito, hindi ko alam" natataranta niya namang sagot.

"huminahon ka please, parang ako ang kinakabahan saiyo ehh. Any clues? Or palatandaan para mahanap kita?" tanong ko habang sinusuot ang thick hood ko. Pagkasuot ko ay lumabas na agad ako ng bahay, sinara ang pinto at sinimulan siyang hanapin.

"Please wag mo-ngg sabihin sa kanila ni mommy ang tungkol saakin" pakikiusap nanaman niya.

"Eh bakit naman? Mas mainam na alam nila para may tulong ako may mas mapadali ang paghahanap saiyo."

"Please Jah, naglayas ako ng bahay kaya ako nawawala ngayon. Nag away kami nina mommy kaya kapag nalaman nila ang sitwasyon ko mas—mapapagalitan ako" sagot niya. Wala naman akong magagawa eh, kaya sinunod ko nalang siya.

"Okay, okay. Ano na? Saan kaba unang pumunta?"

"Hmmm sa plaza lang naman ako pumunta, umiiyak ako noon nang may naramdaman kung may mga grupo ng kalalakihan na papunta malapit saakin. Naunahan ako ng kaba kaya kumaripas ako ng takbo, hindi ko alam kung saan saan na ako lumusot, ang alam ko lang ngayon nasa masukal na ako, maraming mga puno. Ang creepy ditto jahhh. Please tulongan mo ako" pageexplain niya.

So kung sa plaza lang siya ang ang next na mga mapupuntahan niya ay ang playground at ang daan na ginagawa palang. Hindi niya naman sinabi na dumaan siya sa lubak lubak na daan. At ang likod ng playground ay masukal at maraming mga kapunoan siguro doon nga siya dumaan. Bakit ba kase ang timing naman, ngayon pa mga patay halos lahat ng street lights sa may banda ng plaza at playground. Tsk.

"Sige hahanapin kita, wag molang ibababa ang telepono mo ha"

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa playground ay may nararamdaman akong ao na parang nagmamanman saakin, parang sinusundan ako.

Pero pag tinignan ko naman wala namang tao o kahit ni anino man lang. think positive lang jah, walang tao walang tao. Guni guni molang iyon.

Malapit na akong pumasok sa playground ng biglang may tumatawag, parang nag sisitsit.

"Uyyy jah ang tagal mo naman, dalian mo please baka-"

"Oo na oo na, wag kang mag isip ng kung ano ano malapit na ako" pagpuputol ko sa kanya.

"sige sige mag-ingat ka ha" pabulong na sagot niya.

Hindi ko nalang pinansin ang sitsit na narinig ko at nagpatuloy nalanga ko sa paghahanap. Napabaling ako sa kanang direksong ng biglang may pumutok at rinig ko rin sa phone ko. Dali dali ako tumungo doon. Baka ano na ang nangyari kay Claire, natataranta na ako.

"Claire sumagot ka, okay ka lang? sabihin mong okay ka lang pleaseee" pagmamakaawa ko.

"Jah okay lang ako" parang pinipilit niya nalang mag salita. At may narinig ako sa telepono na mga boses ng grupo ng mga lalake.

"Claire malapit na ako wag kang mag alala"

May dalawang daanan ang dapat kung pagpipilian, parang magkaiba ang patutunguhan ng mga ito. Pero ano ang pipiliin ko?

"Claire kanan ba o kaliwa?'' tanong ko. Ngunit di pa niya nasagot ay bigla nalang pinapatay ang tawag. Tinry ko siyang icontact kaya lang unreachable na siya. Paano naba to? Sumisigaw ako ng pangalan niya para malamn ko kung saan siya banda, ngunit napahinto ako ng biglang sumigaw si Claire ng isang mapakalakas ng sigaw. At doon ko na sinundan ang tunog. Iniisip ko nalang na sana walang may nangyaring masama sa kanya.

Nang matagpuan ko kung nasaan si Claire ay wala na itong malay at nakahandusay na ito sa sahig. Gusot gusot ang kanyang damit na parang may bakas ng mga dugo. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Parang kinakabahan na ako. Pinilit kung ginigising si Claire ngunit wala talaga itong kibo. ang cellphone ko na ginagamit ko pang ilaw ay aking nabitawan dahil meron nang baril na nakatutuk sa aking ulo.

PaubayaWhere stories live. Discover now