CHAPTER 5

3 0 0
                                    


Jhustin's POV

"I said get off"

Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi niya ito ngayon saakin. Ano ba siya galit? Bakit nga ba pinapababa niya ako sa sasakyan?

"Huh bakit?" inosenteng tanong ko pa.

"huwag ka na kaseng magtanong, bumaba kana lang" sabi niya naman ulit.

Galit na ba siya? Tsk ano ba to? Wala na akong choice kundi bumaba dahil tinignan niya na ako ng sobrang sakit. Ano pa ba panlaban ko doon? Kanyang sasakyan ang gamit namin eh. Paano na akay ang lunch meeting ko?

Pagkababa ko ay kumaripas nanaman ng takbo ang sasakyan ni Claire. Habang ako naman ay naestatwa parin sa kinatatayuan ko. Ano ba naman kaseng lugar ang hinintoan naming?

Bakit kase di ko naman tinanong kung saan ang venue. Tsk kasalanan mo talaga ito jhustin eh. Di ka marunong mag-isip.

Napatalon ako sa kaba ng biglang may nagsalita sa likuran ko. "ano pa ang hinihintay mo? Bakit di ka pumasok sa loob?"

Tumingin ako sa direksiyon ng nagsalita at di nga ako nagkamali, si Claire nga. Bakit parang di naman siya mukhang galit? Akala ko tinakbuhan niya na ako. At anong ibig sabihin niyang pumasok? So dito na pala kami mag memeeting?

"dito?" yun lang ang natanong ko. Sobrang liit na tanong. At mas tinipid pa na sagot ang binigay saakin ni Claire dahil tumago lang naman ito. Parang di marunong magsalita.

"Gelz Hotel and Restaurant?" bulaslas ko habang naglalakad na kmi papunta sa pintoan ng restaurant.

"Yes, siya din ang may ari ng restaurant na ito. Kaya tara na sa loob. I keep mo muna ang pag ka-mangha mo. Mas mapapa nganga ka sa loob mamaya" sabat naman ni Claire.

Hala parang ngayon ko lang naisipan na maging conscious sa damit na sinuot ko. Parang di siguro ito babagay sa ganitong mga kilalang kainan.

"don't worry you look good" napatingin ako kay Claire ng sabihin niya iyon. Parang nabuhayan ako at naging matatag. Wala ng nagsalita sa aming dalawa pagkapasok namin dahil nakuha talaga ako ng mga designs.

"kaliméra kýrie kai kyría" saad ng guard na nag bukas ng glass door samin.

What? ano daw? kalima ky kyra? ano yun?

Napakunot ang noo ko. Talagang di ko naintindihan ang sinabi pero nag smile nalang ako sa guard.

Biglang nag lapit ng ulo saakin si claire sabay bulong "Goor morning Sir and Maam daw, para kang ano hahahha."

So nabasa niya nga ang iniisip ko ha. Edi ikaw na? Di ko alam eh, may magagawa ba ako?

Nagpatuloy nga kmi sa paglalakad at tama nga si Claire mas maganda ang sa loob. Madaming paintings at merong isang sculpture na nasa center. Kung hindi ako nagkakamali si medusa iyon, isang character sa Greek mythology. Ang astig tignan ng decorations dahil parang nasa Greece lang kami, mukhang nagto-tour lang kami sa isang museum. Siguro ito talaga ang mga gusto ni Miss Gelz, old but aesthetic.

Nang makarating kami sa restaurant area literal na napa jaw drop talaga ako, inspired by Greece talaga lahat ng bagay na makikita dito, pati nga pagkain at mga tao eh mukhang mga (taga Greece). Ilang sandal pa ng paglilibot ng mga mata ko ay nahagilap kung merong isang taong nakatuon saamin at kumakaway na pumunta sa direksiyon niya. Bago pa ako nakahakbang ay tumingin muna ako kay Claire. Siya naman kase ang nakakaalam kung saang banda kami magkikita at kung sino ka meeting namin.

"Siya na siguro yun, halika na" pagko-confirm ni Claire. Nauna siyang maglakad at sinundan ko nalang siya.

"Good noon Mr. Segundo, sorry we're late" pangbungad ni Claire.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PaubayaWhere stories live. Discover now